00:00Dating DILG Secretary Benjur Avalos, itinalaga bilang bagong Cabinet Secretary.
00:05Inanunsyo ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang appointment ni Avalos.
00:11Ayon kay Castro, bilang Cabinet Secretary,
00:15pangunahing tungkulin ni Avalos ang koordinasyon ng iba't ibang line agencies
00:19tungkol sa pulisiya at programa ng administrasyon.
00:23Pangulong Bongbong Marcos,
00:24pinangunahan ang pinalawak na nationwide school-based feeding program at milk feeding activity
00:30sa Pulilan Central School sa Bulacan.
00:33Unang pagkakataong isinama sa programa,
00:36ang lahat ng kindergarten at grade 1 pupil na mga public school sa bansa,
00:40imbis na piling bata lang.
00:42Dati namimili tayo kung sino yung mga undernourished,
00:45sino yung mga kulangang pagkain sa bahay.
00:47Ngunit ngayon ay ginawa namin para mas madali,
00:51ay lahat na lang na pumapasok ay papakainin namin.
00:55Kaya para tiyak na tiyak na lahat ng ating mga kabataan,
00:59ay handa na mag-aral.
01:01Hindi inaalala ang kanilang kakainin.
01:04Mahalaga yan dahil sa datos ng isang institute ng Department of Science and Technology noong 2025,
01:10lumabas na isa sa apat na batang edad lima pababa ang stunted
01:14o yung maliit para sa edad nila dahil sa kakulangan sa nutrisyon.
01:19Tumaas din ang stunting rate noong 2025 kumpara noong 2023.
01:24Ako si Bea Pinlock, ang inyong saksi.
01:27Ako si Bea Pinlock, ang inyong saksi.