00:00Umapela sa Korte Suprema ang ilang kaanak ng mga biktima ng Duterte Drug War
00:05para ideklarang unconstitutional o labag sa batas ang ganyang paraan ng kampanya kontra droga.
00:13Yan po ay upang hindi na ito ulitin sa hinaharap.
00:16At nakatutok si Bea Pinlak.
00:21Isang dekada nang nakalipas ng ilunsadang war on drugs sa ilalim ng Duterte administration.
00:26Pero ang ilang kaanak at taga-suporta ng mga biktima ng drug war, binabagabag pa rin ng takot at pangamba.
00:34Natatakot din kami sa aming mga anak.
00:38Nangangamba, baka mangyari ulit.
00:41Noong 2016, nagrabe ang nangyari sa war on drugs.
00:47Kaya muli silang lumapit sa Korte Suprema para maghain ng manifestation and urgent motion for resolution.
00:54Hiling nila na agad matugunan ang kanilang petisyon na ideklarang unconstitutional ang drug war.
01:01Sana po ay ang Supreme Court ay ahindi bingi sa aming mga daing na ito ay bigyan ng desisyon agad.
01:09At kami po ay nagmamakawa sa kanila.
01:12Mas malinaw na deklarasyon ang hiling nila na kung pagbibigyan ay makakasakop din sa mga susunod na administrasyon.
01:18Pwede pa po itong gamitin ang mga kapulisan natin para po sa kanilang operasyon.
01:25Kaya mahalagang talagang ideklarang labag sa saligang batas ang war on drugs para hindi na po ito maulit.
01:33Pero tila may ibang tulong din ang petisyon kung pagbigyan.
01:37Sir, kung matikla ba po at magpapalakas na yung drug war, mapapalakas po ba dito yung kaso yung homicide?
01:45Mapapalakas po. Pero talagang separate po sila. Huwag nating paghaluin.
01:50Kasi tanging Korte Suprema lang po ang makakadeklara na unconstitutional ang war on drugs.
01:57Nais din ang mga petisyoner na pagbigyan ang hiling nila na writ of amparo
02:01o yung remedyo ng hukuman para iutos ang pagbibigay seguridad sa pamilya ng mga napatay.
02:06Halos siyam na taon naan nila itong nakabinben sa Korte Suprema.
02:10Grabe po yung takot nila nung panahong pong yun.
02:15Gusto po ng petitioners ng proteksyon sa kanilang karapatan sa buhay, sa siguridad at sa liberty po nila.
02:26Bea Pinlock, Nakatutok 24 Horas.