00:00Arestado ang dalawang umano'y sangkot sa large-scale illegal recruitment sa Cagayan.
00:06Ayon sa Department of Migrant Workers,
00:09ang mga ito ay nag-aalok ng trabaho bilang factory worker o repacker sa Poland
00:15na may pangakong buwan ng sahod na abot sa 120,000 pesos.
00:20Ngunit kapalit umano nito ay kailangan magbayad ng mga aplikante ng processing fee
00:25na nakakahalaga ng 250,000 pesos.
00:29Para magmukha umanong lehitimo ang kanilang operasyon,
00:33nagpakilala ang isang suspect na dating OFW sa Brunei
00:36at natulungan umano ang isa pang suspect na makapagtrabaho sa ibang bansa.
00:42Nagpanggap din umano itong kapwa aplikante patungong Poland
00:46para makuha ang tiwala ng mga naghahanap ng trabaho.
00:49Bukod sa dalawang suspect, pinaghahanap din ng mga otoridad ang dalawa pa nilang kasabuan.
Comments