00:00Kaugnay niyan, inaasahang malaki ang tulong ng biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa Canada
00:07para madagdagan ang katuwang bansa ng Pilipinas pagdating sa iba't ibang larangan.
00:13Kabilang na riyan ang usapin sa depensa at siguridad,
00:16si Steph Vicente ng Radyo Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:24Nagsimula na ang apat na araw na official visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa Canada
00:29sa kanyang pagdating sa Vancouver kaninang umaga oras dito sa Pilipinas.
00:34Ang pagbisita ng Pangulo ay tugon sa opisyal na imbitasyon mula kay Canadian Prime Minister Mark Carney
00:39na layong palakasin pa ang strategic ties sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
00:44Kaugnay nito ay binahagi ni Philippine Ambassador to Canada Jose Victor Chan Gonzaga
00:49sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service na kabilang sa mga inaasahang tatalakay
00:54ni na Pangulong Marcos at Prime Minister Carney sa kanilang bilateral meeting,
00:58ang mga usapin sa enerhiya at siguridad.
01:01Kabilang narito, ang kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea.
01:05On the security and defense cooperation side, I think alam natin na linagdaan natin
01:10yung Visiting Forces Agreement with Canada.
01:13Napakalaki ng contingent ng Canada in the recent balikatan exercises.
01:16So, I think this visit will also be an opportunity to recommit ourselves to rules-based international order,
01:26particularly in ensuring there is freedom of navigation and there is stability in the Indo-Pacific
01:32and particularly in the South China Sea region.
01:33Bukod sa enerhiya at siguridad, inaasahang mapagtutunan din ang pansin ang mga industriya ng critical minerals,
01:41artificial intelligence o AI, at business process outsourcing o BPO.
01:46Ang mga paksang ito ay may malaking epekto at pakinabang hindi lamang para sa Pilipinas,
01:51kundi maging sa mga katuwang nitong bansa tulad ng Canada.
01:54We can make the Philippines and Canada natural, reliable supply chain partners when it comes to critical minerals
02:03kasi parehas po tayong very rich in those mineral assets
02:08and pwede tayong magtulungan para makapag-process and refine
02:12and to establish a supply chain that is safe and reliable for us and for our partners.
02:19At ngayong nasa Canada na si Pangulong Marcos,
02:22asahan na naibibida ng Pangulo ang patuloy na paglakas ng ekonomiya ng Pilipinas
02:27upang makahikayat ng mga mamumuhunan.
02:31Para sa Integrated State Media,
02:33Steph Vicente ng Radyo Pilipinas World Service.
Comments