00:00Inihain sa kamara ang panukalang batas na pangalagaan ang kapakanan ng mga kabataang Pilipino sa pamamagitan ng pag-regulate sa
00:07access sa social media.
00:09Layon nito ang tamang paggabay sa bawat bata habang lumalawak ang sakop ng teknolohiya.
00:15Silipin sa report ni Sheila Natividad.
00:20Sa talamak na pangyayaring karahasan sa iba't ibang lugar na makikita sa social media,
00:25maging sa eskwelahan, palagi nang binabantayan ni Donna ang anak niyang kinder student.
00:30Bukod kasi sa takot siyang magkasakit ito, nakakatakot na rin anya na hindi maging sapat ang paggabay niya sa kanyang
00:37anak sa panahon ngayon.
00:38Sa panahon natin ngayon, marami ng mga ano, pababa ng pababa yung mga gumagawa ng krimine.
00:43Ang anak niya kasi, hindi rin maalis ang mata sa paglalaro ng gadget.
00:47Kaya kung may isusulong lang anyang batas na magpapababa sa edad ng paggamit ng social media, ay susuportahan niya ito.
00:54Bilang magulang, siyempre pabor ako. Kagaya na mayroon akong anak na iba yung epekto sa bata eh, nung social media.
01:03Sobrang nakakatakot.
01:05Pareho ang sentimiento nila ni Evelyn na may hinahatid sundo sa school na apong grade 3 student.
01:10Pero kung 13 years old pataas naman daw ang edad na gagamit ng gadget, sabi niya,
01:15Pabor ako doon na 13 above, yun ang pangintulutan na magkaroon ng kumawak ng mga gadget para sa kapakanan nila.
01:25Kasi ang dami-dami na nilang nagagaya sa mga social media na hindi ka napat-dapat sa mga bata.
01:31Kailangan din po nila yung mga 13 to above na gumamit ng gadget kasi nagagamit din po sa school,
01:40gaya ng online class. Kailangan din po talaga po nila.
01:44Isinusulong ngayon nila House Speaker Faustino Bojidi III at Majority Leader Sandro Marcos
01:50ang panukalang batas na mga ngalagas sa kapakanan ng mga kabataang Pilipino.
01:54Sa House Bill No. 9965 o ang Proposed Children's Social Media Safety Act
01:59na is makabuo ng kauna-unahang comprehensive framework na magpapatupad ng regulasyon
02:04sa pag-access ng mga bata sa paggamit ng social media platforms ng mga edad 12 pababa.
02:10Kapag naman 13 to 18 years old, nakasaad sa panukala na kailangan ng pahintulot mula sa magulang o guardian
02:16at magkaroon ng supervision sa paggamit ng social media.
02:20Ang mga social media platforms kailangan din magpatupad ng age verification measures
02:25para matiyak na may safeguards sa disenyo ng platform features.
02:29Ang panukala rin kasing ito ay magre-regulate ng algorithms o yung pagkakasunod-sunod ng content sa social media platform
02:36na ginagamit mo at maging ang pag-aalis ng mismong platform ng mapanganib o ipinagbabawal na content.
02:43Sakop nito ang mga AI-generated contents na ang intensyon ay manloko.
02:48Ayon kay House Speaker D, kung mayroong batas na mga ngalagas sa kapakanan ng mga bata sa paaralan, lansangan at
02:55komunidad,
02:56dapat ay mayroon ding malinaw na proteksyon para sa kanila na gumagamit ng social media.
03:01Hindi rin siya sangayon na ipagkait sa kabataan ng teknolohiya
03:05dahil malaki anyang nai-aambag nito sa komunikasyon at edukasyon.
03:10Nararapat din anya na siguraduhin na naaayon ang paggamit ng social media sa edad ng isang bata,
03:15kung saan dapat ay mayroon silang gabay mula sa kanilang magulang o guardian.
03:20Dagdag pa niya, habang lumalawak ang digital world,
03:23kinakailangan din ang pagpapatibay ng proteksyon para sa kanilang mga anak.
03:28Para may sulong ang batas, inuutusan nito ang pakikipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology at Department of
03:35Education.
03:36Ito ay para may sama ang digital literacy at ethical social media use sa K-12 curriculum.
03:42Sa ilalim din ang panukalan ng mga mambabatas,
03:45otorizado ang DICT na mag-monitor at mag-issue ng cease and desist orders
03:49at makipag-ugnayan sa National Telecommunications Commission at National Privacy Commission.
03:56Ang mga social media platform na paulit-ulit na lalabag sa sandaling ito ay maging ganap na batas,
04:01ay maaaring maharap sa pagmumulta ng 5 million hanggang 50 million pesos.
04:07Maaari ring maharap ang mga ito sa temporary restriction of access
04:10at pagbabawal na makapag-operate sa bansa, alinsunod pa rin sa due process.
04:16Shilan Natividad, para sa bayan.
Comments