00:00May act of discernment o may sapat na pangunawa ang 15-year-old na suspect sa Tacloban City shooting incident
00:07sa kanyang ginawa.
00:09Sa ulat ng Philippine News Agency, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na batay sa ulat sa kanya ng kanilang
00:17social workers,
00:19alam ng nasabing minor de edad kung ano ang tama at mali.
00:23Sa kabila nito, hinihintay pa umano ang opisyal na resulta ng psychological evaluation na isinagawa sa dalawang minor de edad
00:31na suspect
00:32na kapwa nasa kustudiya ngayon ng Regional Rehabilitation Center for Youth sa Tacloban City.
00:38Patuloy din aniya ang ginagawang trust building interventions para sa pagkalap ng mga mahalagang impormasyon.
00:46Samantala, sinabi din ni Gatchalian na bukas ang DSWD na makibahagi sa diskusyon sa panukalang pag-amienda sa Republic Act
00:559344 o Juvenile Justice Welfare Act.