00:00Samantala, nagsagawa ng panibagong paglalayag sa West Philippine Sea ang mga barko ng Pilipinas at Estados Unidos.
00:05Pero habang isinasagawa ito, bumuntot at nagmatsyag na naman ang mga barko ng China.
00:11May report si Patrick De Jesus.
00:18Mula sa BRP Antonio Luna ng Philippine Navy,
00:22pinalipat ang isang AW109 Naval Helicopter.
00:26Kasabay nito ang sama-samang paglalayag ng mga barko ng Pilipinas at Estados Unidos
00:33bilang bahagi ng dalawang araw na bilateral maritime cooperative activity sa West Philippine Sea.
00:40Kasama ng BRP Antonio Luna ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard na 97 meter BRP Melchora Aquino at 44
00:50meter BRP Capones.
00:51Kalahok para sa U.S. Indo-Pacific Command ang dalawang U.S. Coast Guard cutters na U.S.C.G
00:59.C. Charles Moultrope at U.S.C.G.C. Emblem Tunnel.
01:04Sa Division Tactics, iba't ibang formation ang ginawa ng mga barko.
01:09Mga tactical maneuvers yun na isinasagawa para mas ma-maximize yung mga capabilities ng mga barko.
01:22Maganda yan para sa Philippine Coast Guard natin para medyo mas mahasap pa sila sa live tax.
01:29Unang araw pa lang ng MCA noong Sabado, nagmamatsyag na ang isang Jangkai-class warship ng PLA Navy ng China
01:38na may bow number 555.
01:42Mas naging masama ang panahon sa ikalawang araw ng MCA nitong linggo kaya't may mga aktibidad ang hindi naisagawa.
01:50Ang alon kasi halos dalawang metro ang taas.
01:53Sa kabila nito, nakaabot ng 50 nautical miles mula Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc ang mga barko ng Pilipinas
02:02at Estados Unidos.
02:04Nagsagawa rin ng Search and Rescue Simulation Exercise habang patuloy sa pagsunod ang namataang Chinese warship.
02:12Mula ng bumuntot itong PLA Navy warship ng China ay hindi naman na ito lumapit dito sa ating sinasakyang BRP
02:20Antonio Luna.
02:21At base nga sa monitoring ay pinanatili lamang ito yung distansyang 5 nautical miles mula rito sa barko ng Philippine
02:30Navy.
02:31Tatlo bang barko ng China Coast Guard ang nakapaligid sa exercise box pero hindi nakaantala ang presensya ng mga barko
02:40ng China sa pagsasanay.
02:42Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na paigtingin ang pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc.
02:49Kahit pa tinanggal na ng China ang floating platform na tatlong linggong nanatili sa lugar.
02:56Ang BRP Antonio Luna ang isa sa mga aset ng Pilipinas na unang nakadiscover ito noong nakaraang buwan.
03:04During BMCA din yun with US Coast Guard na kung saan nagpalipad kami ng helikopter doon sa BDN.
03:11Namimaintain namin yung presence sa area at natutupad namin yung sinabi ng AFP na paigtingin pa yung pagpapatrol sa BDN.
03:25Sakay ng BRP Antonio Luna mula rito sa West Philippine Sea.
03:30Patrick De Sous para sa bayan!
Comments