Skip to playerSkip to main content
Babala: Sensitibong balita na may kinalaman sa pagkasawi ng indibiduwal. Maging responsable at disente sa pagkomento. 


Pumanaw na ang 27 taong gulang na guro na sinalpok ng SUV habang nakamotorsiklo sa Marikina City.


Nakainom umano ang driver ng SUV at anak umano ng bise alkalde sa lungsod.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, umano na ang 27 taong gulang na guro na sinalpok ng SUV habang nakamotorsiklo sa Marikina City.
00:08Nakainom umano ang driver ng SUV at anak umano ng Vice Alcalde Salongson.
00:13Nakatutok si E.J. Gomez.
00:19Naghihinagpis ngayon ang pamilya Cruz sa pagpanaw ng panganay na anak na si Alexander Quintos Cruz.
00:25Si Alexander, ang 27-anyos na sakay ng motorsiklo na nakasalpukan ng isang SUV sa isang intersection sa barangay Concepcion
00:35Dos Marikina City noong June 13.
00:38Ang insidente, caught on cam at nag-viral.
00:42Ayon sa kanyang ina, nalagay sa kritikal na kondisyon si Alexander dahil sa tinamong brain hemorrhage.
00:49Isang linggo siyang namalagi sa ospital bago bawian ang buhay noong Sabado, June 20.
00:55Kwento ng inang si Mary Ann, makikipagkita lang daw sana ang anak sa mga kaibigan
01:00para sa outing nila sa La Union nang mangyari ang insidente.
01:04Si Alexander ay isang senior high school teacher sa pamantasan ng lungsod ng Marikina.
01:11Napakabata pa ng anak ko. Marami pa siyang pwedeng maibahagi sa mundo.
01:16Marami pa siyang pwedeng gawin. Marami pa siyang buhay na pwedeng matouch.
01:25Pero tinanggal po nila yung pagkakataon na yun sa anak ko.
01:30Sa investigasyon ng Marikina Police, naka-inom-umano ang 24-anyos na SUV driver.
01:37Sinabi po niya na hindi daw po nag-signal light ang anak ko.
01:42At hindi din nag-preno.
01:45Na-prove po ng color na CCTV na may signal malayo pa sa intersection yung pagpapatakbo ng mata ng anak
01:54ko.
01:55Sa kuha ng CCTV, kita ang pag-signal light ni Alexander bago pumasok sa intersection box at lumiko pakaliwa.
02:03Nang salpokin siya ng paparating na SUV dahilan para tumilapo ng motorsiklo at si Alexander.
02:10Ayon sa Marikina Police, ang driver ng SUV ay si David Alfred de Guzman, 24-anyos.
02:17Batay sa mga ulat, siya ay anak ni Marikina Vice Mayor Del de Guzman.
02:22Ayon sa ina ng biktima, pinuntahan pa siya ng isa pang anak ng Vice Mayor.
02:27Nagpapunta po si Vice Mayor ng kanyang representative sa pamamagitan po ng kanyang anak na si Dean de Guzman.
02:40At kinumpirma naman po ni Dean de Guzman na brother po niya, si David de Guzman.
02:47Ayon pa sa ina ng biktima, kinausap pa umano ng Vice Mayor ang polis sa pamamagitan ng telepono.
02:54Tumawag po siya sa father niya. At inabot niya po yung telepono sa sargento, sabi po ay gusto daw po
03:04kayong kausapin ng father ko.
03:07Ang sabi naman po ng sargento ay pwede bang i-loudspeak?
03:13Pwede bang i-loudspeak?
03:16Subalit ha, hindi po pumayag yung nasa kabilang linya.
03:20Ayan. Kasi sabi po ng sargento, for fairness to both parties, gusto niyang i-loudspeak.
03:26And then after po nun ay kinausap na rin po ni sargento na nakaharap po sa amin yung nasa kabilang
03:36linya.
03:37Pero ang ginawa po niya ay inuulit niya po yung sinasabi ng nasa kabilang linya.
03:43And then sino po ba itong aking kausap?
03:48Ano po? Del? Del de Guzman?
03:51So yun po yung kumpirmasyon ko na ang ama po ng nakabangga sa aking anak ay si Vice Mayor Del
04:02de Guzman.
04:02Humingi na ng pahayag ang GMA News sa kampo ng pamilya de Guzman pero wala pa silang tugon.
04:08Inaresto si de Guzman matapos ang insidente at sinampahan siya ng reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage
04:17to property
04:18at reklamong paglabag sa Anti-Drug at Drug Driving Act of 2013.
04:23Pero nakalaya rin daw si de Guzman matapos magpiansa ayon sa Marikina Police.
04:28Lahat naman po na tunod natin yung tamang proseso na under custody siya, nagkaroon ng interest proceeding, na ikulong po
04:36siya.
04:37Then nailabas lang din po siya nung lumabas po yung kanyang bail.
04:41Ayon sa pamilya, nagsumiti na sila ng death certificate sa Justice Hall ng Marikina bilang bahagi ng proseso para maiakyat
04:49ang kaso sa reckless imprudence resulting in homicide.
04:53EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended