00:00Nagtatag ng Manila School and Community Safety Task Force
00:03ang lokal na pamahalaan ng Maynila para mapigilan ng karasan sa mga eskwelahan
00:08at mga pampublikong lugar sa lungsod.
00:11Favor naman ang ilang magulang sa paghihigpit na seguridad sa mga eskwelahan.
00:16Live mula sa Maynila, may unang balita si Gabriel Gonzalez.
00:21Gabriel?
00:25Good morning, Igan.
00:26Yan ayon sa mga magulang na ating nakausap ay dapat noon pa naghihigpit ng seguridad sa mga paaralan dito sa
00:34lungsod ng Maynila.
00:35Mungkahi ng ilan sa kanila ay dapat nang gumamit ng metal detectors sa lahat ng entry points sa bawat paaralan
00:42dito sa lungsod
00:43para makita kagad kung may dalang deadly weapon ang mga estudyante.
00:51Natakot ang magulang na si Arlene Afable matapos mabalitaan ang nangyari sa San Jose National High School
00:57kung saan tatlong estudyante ang namatay sa pamamaril.
01:00Kaya suportado niya ang pagigigpit ng seguridad sa Isabelo de los Santos Elementary School
01:06kung saan pumapasok ang kanyang walong taong gulang na anak.
01:09Ang tatay naman ang labing isang taong gulang na estudyante naniniwalang dapat paigtingin ang pagchecheck sa bags
01:15ng lahat ng mga pumapasok sa paaralan.
01:18Mungkahi pa ng magulang na si Maribeth dapat bantayan ang mga napapanood ng mga bata sa social media.
01:25Kahapon, June 24, nilagdaan ni Manila Mayor Isco Moreno ang Executive Order No. 29
01:30na nagtatatag sa Manila School and Community Safety Task Force.
01:35Yan ang mangunguna sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga paaralan at mga pampublikong lugar.
01:41Pakinggan natin ang pahayag ng ilan sa mga magulang na ating nakapanayam.
01:47Basta kailangan lang natin pagsabihan at bantayan ng mga anak natin
01:53Kasi marami ng nangyayaring hindi maganda sa ating kapaligiran
01:57dahil sa mga napapanood at nakikita ng mga bata, yun ang ginagaya nila.
02:02Siyempre, sa aming mga magulang, sa mga anak mga amin,
02:06mas magandang igtinang pag-up-up ng mga estudyante na para may iwasang magdala ng mga illegal na tulad ng
02:15mga otsilyo, baril.
02:16Mas okay siguro kung nati-check yung bag ng mga bata.
02:25Igan inaatasan din ng EO29 ng Manila LGU, ang Manila Police District at ang Schools Division Office Manila
02:32na paigtingin ang operasyon laban sa mga illegal na baril, magtatag ng threat assessment teams
02:38at magsagawa ng citywide school safety audit sa loob ng siyam na pong araw.
02:43Dito sa aking kinalalagyan, sa labas ng Isabelo de los Santos Elementary School
02:48ay isa sila sa mga tumalima sa kautusan ng lokal na pamahalaan ng Maynila
02:52na magpatupad ng mas maigpit na siguridad para hindi na maulit yung nangyari doon
02:58sa San Jose National High School sa Tacloban Leyte.
03:01At yan ang unang balita mula rito sa Tondo, Maynila.
03:04Gabriel Gonzalez, GMA News.
03:06Gabriel Gonzalez, GMA News.