00:00Binuksanan ang Department of Environment and Natural Resources
00:04ang dalawang parke sa tabi ng ilang daluyan ng tubig sa Central Luzon.
00:09Bilang suporta sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:13na magkaroon ng climate resilient communities at masaganang pamayanan,
00:19formal ng pinasinayaan ang Sasmuan Linear Park sa tabi ng Caliano River sa Pampanga.
00:25Mula sa dating napabayaan, isa ng pasyalan ang tabing ilog,
00:30may concrete walkway, pavilion at picnic areas para sa komunidad.
00:35Kasabay nito, isinagawa rin ang isang tree planting activity
00:38at namahagi rin ng environmental education tokens.
00:42Sa mga mag-aaral, ganito rin ang ginawa sa disiplina park sa Balanga City sa Bataan.
00:48Sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Initiative,
00:50nagbunga ang isinagawang river easement recovery efforts sa halos tatlong daan na metrong parke.
00:58Nagsagawa rin ng tree planting at pamahagi ng environmental tokens sa mga estudyante.
01:03Binisita rin ni DNR Secretary Juan Miguel Cuna ang mga lokal na produkto ng komunidad sa parke.
01:10Paalala ni Secretary Cuna na kasalalay ang tagumpay ng kalikasan
01:14sa pamamagitan ng pagkakaisa ng pamahalaan at ng mamamayan.
Comments