00:00Iginiit ng Malacanang na hindi maaapektuhan ng ipinataw na sanctions ng China
00:05kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.,
00:08ang kanyang mandato bilang kalihim ng Department of National Defense.
00:13Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro,
00:17ginagampanan lamang ni Teodoro ang kanyang tungkulin,
00:21alinsunod sa batas, konstitusyon at mga pulisya ng administrasyon.
00:25Sinabi rin ni Castro na may sariling batas at pulisya ang China
00:29gayon din ang Pilipinas
00:31at hindi mapipigilan ng naturang hakbang ang pamahalaan
00:35sa pagtatanggol sa soberanya at pambansang interes ng bansa.
00:39Matatandaang ipinagbawal ng China ang pagpasok ni Teodoro at ng kanyang pamilya
00:44sa mainland China, Hong Kong at Macau
00:47gayon din ang pakikipag-negosyo sa kanila ng mga Chinese individual at mga organisasyon.
00:54Ang China ay may sariling batas, may sarili silang pulisya.
00:58Gayon din naman po ang Pilipinas.
01:00Si Secretary Gibo bilang Defense Secretary ay gumaganap lang sa kanyang tungkulin,
01:06sa kanyang mandato ng naaayon sa batas, naaayon sa konstitusyon
01:10at naaayon sa pulisya ng administrasyon.
Comments