Skip to playerSkip to main content
  • 12 hours ago
LGUs na apektado ng lindol, inilatag kay PBBM ang mga kinakailangan ng kanilang mga komunidad para sa recovery at rehabilitation efforts | ulat ni Stephen Patron - PIA SOCCSKSARGEN

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, para mas mapabilis at maging epektibo ang mga hakbang sa rehabilitasyon sa mga apektadong probinsya,
00:08mismong mga lokal na leader ang naglatag kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kanilang mga kinakailangan.
00:15Si Stephen Patron ng PIA Soxargen sa Sentro ng Balita.
00:21Inilatag ng mga opisyal ng Sarangani Province, General Santos City at Davao Occidental
00:26kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagbisita,
00:30ang lawak ng pinsalang dulot ng magnitude 7.8 na lindol
00:33at ang mga agarang pangangailangan para mapabilis ang pagbago ng kanilang mga komunidad.
00:38Sa situational briefing, iniulat ni Sarangani Governor Ruel Pacquiao na umabot na sa 33 ang nasawi,
00:45251 ang sugatan at 15 pa ang nawawala sa lalawigan.
00:49Mahigit 57,000 families rin ang naapektuhan habang libu-libong kabahayan,
00:54pa-aralan, pa-publikong pasilidad, kalsada at tulay ang nagtamuan ng matinding pinsala.
01:00Mr. President, Sarangani has always been a resilient province.
01:04But this earthquake has tested our people in ways we have never experienced before.
01:10We have lost lives, homes, schools and facilities that our communities depend on every day.
01:18Yet, amid the devastation, we have also witnessed the strength of the Filipino spirit,
01:25the willingness of our people to help one another and rise together.
01:31Sa General Santos City naman, inilahad ni Mayor Loreley Jeronimo Pacquiao
01:35ang epekto ng lindol sa mga pangunahing gusaling pampamahalaan,
01:38pampublikong pamilihan, terminal, mga pangunahing kalsada
01:42at iba pang mga pasilidad na mahalaga sa paghahatid ng servisyo publiko
01:46at pagpapatakbo ng lokal na ekonomiya.
01:48Kabilang dito ang ating City Hall at Sangguniang Panlungsud Building
01:52na parihong mahalagang gusaling pampamahalaan
01:56na naapektuhan ng malakas na panyanig.
01:59Ang mga pinsalang ito ay nakaapekto sa operasyon na mga tanggapan
02:04at sa paghahatid ng servisyo publiko sa ating mamamayan.
02:07Binigyan din naman ni Davao Occidental Governor Franklin Bautista
02:11ang pangangailangan na lalawigan para sa rehabilitasyon
02:14ng mga nasiram paaralan, kabahayan, daungan, kalsada at tulay
02:19lalo na sa mga bayan ng Jose Abad Santos at Sarangani
02:22na kabilang sa mga pinakaapektado dahil sa kanilang lapit sa epicenter ng lindol.
02:27I would like also to please inform you Mr. President
02:30that our city, provincial role is also damaged.
02:35We have no office to hold on our work.
02:39Damis also po.
02:40So nalang matulungan din.
02:42And then yung aming port din doon sa Balangunan
02:45which is connecting Sarangani and Jazz na sira din po.
02:50Tsaka yung hospital po namin kumpili,
02:52matulungan din kami para matapos na po yun.
02:54Kaya we have to go to Dicos or Davao lang to bring our patients.
03:00So mahirapan po kami.
03:01Bilang tugon sa mga inilatag na pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan,
03:05tinangunahan ni Pangulo Marcos ang turnover ng mga patient transport vehicle
03:09at pagkakaloob ng Social Civic Program Fund
03:12upang makatulong sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan
03:15at mga programang pangkabuhayan sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
03:20Tiniyak naman ang Pangulo ang patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan
03:24sa rehabilitasyon ng mga nasirang infrastruktura,
03:27pagpapanumbalik ng mga pangunahing serbisyo
03:29at pagpapatuloy ng mga programang makatutulong
03:31sa mabilis na pagbangon ng mga apektadong komunidad.
03:35Patuloy namang nakikipag-ugnayan ng mga lokal na pamahalaan
03:38sa pambansang pamahalaan
03:39upang matugunan ang mga agarang pangangailangan
03:42at mabilis na rehabilitasyon sa mga lugar
03:44na sinalanta ng Magnitude 7.8 na Lindol.
03:48Mula rito sa lungsod ng General Santos
03:50para sa Integrated State Media.
03:52Stefan Patron ng Philippine Information Agency, Soxergen.
Comments

Recommended