Skip to playerSkip to main content
Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at [https://www.manilatimes.net](https://www.manilatimes.net/)

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Stitcher: https://tmt.ph/stitcher
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast
Transcript
00:00Happy Tuesday! Ito po ang ating weather update ngayong June 16, 2026.
00:05Buong bansa po ay nakikita natin, base dito sa ating latest satellite image,
00:11ay bawas po yung mga kaulapan.
00:13Pero may mga patches pa rin ng mga halimbawa dito sa northern Luzon at central Luzon,
00:19ilang bahagi ng Cordelia Administrative Region at Ilocos Region,
00:23ganun din sa ilang bahagi ng northern Mindanao, ay may mga posibleng thunderstorms.
00:27Mamaya po ay may papakita ako na application sa ating cellphone na kung saan ay pwede na natin makita
00:33yung mga thunderstorm advisory ng mas madali kaysa pagbisita sa panahon.gov.ph.
00:39Bali, sa kasalukuyan, dalawang atmospheric system lang po yung nakaka-apekto sa atin.
00:44Yung Easter list na nakaka-apekto dito sa Eastern Visayas, kasama din yung Dinagat Islands,
00:51Surigao del Norte, Surigao del Sur at Davao Oriental.
00:55Ibig sabihin, yung nakaka-apekto dito ay Easter list at sa natitirang bahagi ng ating basa ay mga localized thunderstorms
01:01lamang.
01:02In short, mababa po yung tsansa ng mga malalakas at mapaminsalang mga pagulan.
01:08Para sa magiging lagay ng ating panahon bukas, magpapatuloy po yung ganitong condition or yung ganitong weather system.
01:15At ang agwat ng temperatura dito sa Metro Manila ay 25 to 32,
01:19sa Baguio naman ay 18 to 25,
01:21at sa Legaspi ay 26 to 34.
01:24Ganon din naman dito sa Palawan, which is part ng Luzon,
01:28ganon din sa buong Visayas at sa buong Mindanao.
01:31Partly cloudy to cloudy skies.
01:32Mababa yung tsansa ng mga malalakas na pagulan.
01:35Pero posible, again, yung mga localized thunderstorms.
01:38Ayan yung halimbawa po na bumibiyahi tayo,
01:40biglang may lugar na umuulan at paglagpas natin sa lugar na yun,
01:43ay wala na rin naman pong ulan.
01:45At yun po yung halimbawa ng mga localized thunderstorms.
01:48Agwat ng temperatura dito sa Puerto Princesa ay 24 to 33,
01:5226 to 33 naman dito sa Cebu,
01:55at sa Davao ay 25 to 32.
01:58Wala rin po tayong nakataas na gale warning,
02:01kaya malaya po tayong makakapaglayag at makakapangisda.
02:04Pero kung maliit na sasakyang pandagat ang ating gagamitin,
02:07ay patuloy na magingat pa rin po tayo.
02:10Para sa susunod na tatlong araw na forecast natin,
02:13simula Thursday hanggang Saturday magpapatuloy po yung ganitong kondisyon.
02:18At which is good po, no?
02:20Possibly tayo na magsampay.
02:22Pero bakit nga po ba nangyayari yung ganitong kondisyon?
02:25Rainy season na, pero bakit walang mga pagulan?
02:28Yung ganitong kondisyon po ay tinatawag din natin na monsoon break.
02:32During rainy season, ay may mga days na kung saan ay hindi magiging malakas yung impluensya
02:38nung hanging habagat na magdudulot po ng kabawasan sa mga pagulan,
02:42lalo na sa kanlurang bahagi ng ating bansa.
02:45Itong monsoon break po ay defined as days.
02:48Kapag yung average rainfall ng mga stations natin sa western section ng ating bansa
02:52ay less than 5 mm for at least 3 days,
02:56ito po ay ibabanggitin na natin as monsoon break.
02:59At tayo nga po ay nag-undergo na sa monsoon break.
03:02At ito pong, tradisyon na ito ay kung magpapatuloy,
03:05ay magiging mas pronounced po o mas mahaba
03:08yung ating binabanggit na monsoon break.
03:12Binanggit ko po kanina na mas magiging madali po yung pag-alam natin
03:15ng mga nakataas na thunderstorm advisory at saka heavy rainfall warning.
03:19Ito po yung mga pagulan for a short period of time and for specific area.
03:24Halimbawa po, ano ba yung mga munisipyo sa Metro Manila
03:27na posibleng makaranas ng mga pagulan?
03:29So, pwede po tayong pumunta sa Play Store sa ating mga cellphone
03:33at hanapin lang po natin yung panahon.
03:35I-search natin yung panahon.
03:36Dapat po ito ay release ng DOST pag-asa
03:39at dapat po ganito yung itsura ng icon.
03:42At kapag na-install na natin,
03:44ay magiging ganito po yung itsura niya.
03:45And then, i-click lang po natin itong bell icon.
03:48At kapag kin-click po natin yan,
03:49lalabas na po doon yung mga thunderstorm advisory.
03:52Click lang po natin kung anong PRST
03:54o pag-asa regional offices yung nakakasakop
03:57sa kung saan tayo nakatira.
03:59Kapag sa NCR po, meron tayong NCR-PRSD
04:01at ang kasakop din po ng NCR-PRSD
04:04yung mga probinsya na malapit sa NCR.
04:07At meron din po tayong para sa Northern Luzon,
04:09meron para sa Southern Luzon,
04:11at meron din po para sa Visayas PRSD
04:13at Mindanao PRSD.
04:15So, we are looking forward na makita po natin
04:18na useful itong application na ito.
04:22Ang ating araw ay lulubog mamayang 6.26
04:24at muling sisikat bukas ng 5.27 ng umaga.
04:28Ako po si John Manalo.
04:29Ang panahon ay nagbabago,
04:30kaya maging handa at alerto.
Comments

Recommended