00:00Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nagpatawag na ng special session sa Kongreso.
00:04Ito'y para talakayin at maaksyonaan ang pangapanukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino
00:11sa harap ng epekto ng kalamidad at hamon sa enerhiya.
00:14Alamin ang detalya sa report ni Gleisel Pardilla.
00:21Inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Kamara at Senado
00:25na magsagawa ng special session sa darating na miyarkoles, June 17, 2026.
00:32Naglabas ng Proclamation No. 1318 ngayon June 15, 2026.
00:37Kung saan nagpatawag ang Pangulo ng isang special session sa Kongreso
00:41para mapabilis ang aksyon sa mga panukalang batas na magpapatibay sa social protection,
00:48magpapalawak ng akses sa edukasyon at healthcare,
00:51at magpapatuloy ang suporta sa mga kababayan nating mas nangangailangan.
00:57Naka-journ ang Kongreso mula ika-anim ng Hunyo hanggang ika-26 ng Hulyo.
01:02Pero giitang Presidente, hindi nahihinto ang pangangailangan ng taong bayan sa gobyerno.
01:08Sabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
01:11kinakailangan ng agarang aksyon ang mga problemang kinaharap ng mga Pilipino.
01:15Tulad ng mabilis sa pagtugon sa mga biktima ng malakas sa lindos sa Mindanao,
01:20suporta sa mga mag-aaral, maayos sa sarbisyong medikal sa mga senior citizen,
01:25at tamang nutresyon para sa mga bata.
01:28Target talakayin sa special session ang mga panukala
01:31sa pagtatatag ng pambansang pasilidad para sa pangangalaga sa kalusugan ng mga senior citizen.
01:38Pagsasabatas ng Assistance to Students and Teachers in Private Education Act
01:43na layong palawakin ang tulong pinansyal sa mga mag-aaral at guro sa pribadong paaralan.
01:49Pagpapalaka sa Assistance to Individuals in Crisis Situations Act,
01:54programang nagbibigay ng agarang tulong sa mga individual at pamilyang nasa krisis.
02:00Pag-amienda sa batas na magpapahusay sa pagpapatupad ng libreng tertiary education,
02:07paano ka lang magbibigay ng dagdag support at pondo sa mga paaralang nasa malalayong lugar
02:12at apektado ng kaguluhan,
02:15pagpapalaka sa school-based feeding program,
02:18presidential merit scholarship program,
02:21at iba pang paano ka lang magpapalakas sa social protection
02:25at magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.
02:28Nais din ang Pangulo na mapabilis ang pagbalakas ng Anti-Political Dynasty Law.
02:34Ang Anti-Political Dynasty Law ay panukalang pagtatakda ng limitasyon
02:40upang maiwasan ang sabay-sabay o sunod-sunod na paghawak ng kapangyarihan
02:45ng mga miyembro ng iisang pamilya sa politika.
02:49Sa visa ng special session,
02:51magkakaroon na rin ang pagkakataon ang Commission on Appointment
02:54na talakayin ang mga nakabingbing appointment ng mga gabinete,
02:59military, at foreign service personnel
03:02na mahalaga upang matiyak ang patuloy na paghatid ng servisyo ng mga ahensya
03:08at mapatatagpa ang insitusyon ng pamahalaan.
03:11Matatandang na antal ang promosyon ng ilang general
03:14dahil sa ilang araw na pagliba ng Cayetano Block.
03:17Nagsalita na po ang Pangulo, get back to work.
03:21Ang sabi ng Pangulo, piliin ang ikabubuti ng bayan
03:25laban sa interes ng iilan.
03:29Sa ilalim ng 1987 Constitution,
03:32binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo ng Pilipinas
03:35na magpatawag ng special session anumang oras
03:39upang pag-usapan ang mga prioridad na panukala
03:42o mga isyong kinakailangang mapilis na tubunan.
03:46Clay Zalpardilia para sa bayan.
Comments