00:00Huwag mang gulo! Yan ang sinabi ni Sen. Ping Lakson kay Sen. Alan Peter Cayetano na iginigiit na siya pa
00:07rin ang Senate President.
00:09Isang senador naman na bahagi ng Cayetano Block ang nagsabing dadalo siya sakaling magkaroon ng special session.
00:16Balitang hatid ni Darlene Cai.
00:21Hindi po ito panahon ng kampihan.
00:24Mahagi ito ng video message ni Sen. Joel Villanueva na ipinalabas sa worship service ng Jesus is Lord Church.
00:30Siniguro ni Villanueva, dadalo siya kung magkakaroon man ng special session ang kongreso.
00:36Bilang mga lingkod bayan, prioridad po natin dapat ang siguruhin na patuloy na nagtatrabaho ang bawat isa sa atin, lalo
00:45na ang Senado, para po sa ating mga kababayan.
00:48Sa pagkakataon po na magkaroon ng special session, tutuparin po natin ang ating sagradong tungkulid sa ilalim ng ating saligang
00:58batas.
00:59We will be there.
01:00Kabilang si Villanueva sa mga miyembro ng Cayetano Block na hindi na dumulo sa anumang sesyon ng Senado mula ng
01:06arestuin si Center Jingoy Estrada noong June 1.
01:10Nakasinedie adjournment ang kongreso, pero nais ng bagong Senate majority na magsagawa ng special session kung hihilingin din ang Malacanang,
01:18lalo't may mga panukalang batas na kailangang maipasa.
01:22Ayon kay Villanueva, naiipit din ang mga empleyado ng Senado.
01:26The Senate staff should not be caught in the middle of this political fight.
01:31Bibigyan katiyakan po natin ang ating mga kapwa lingkod bayan na naghihintay ng confirmation ng kanilang mga appointment.
01:40Lalo na po ang mga opisyal ng ating sandatahang lakas.
01:44Kung matuloy ang special session, sabi ni Senador Ping Lakson, dapat present lahat ng Senador para maplan siya na rin
01:50ang issue ng Senate leadership.
01:52Hindi niya masabi kung aanib sa mayorya si Villanueva.
01:55I appreciate, I admire yung attitude ni Sen. Joel na kinoconsider niyang sagradong duty yung pag-aten ng special session.
02:04I just hope na yung ibang kasama niya sa block ni Alan Peter Cayetano, ganoon din ang attitude.
02:12Hindi naman natin alam kung magpa-participate siya o magsasama siya sa pagboto pag-elect ng Senate President.
02:19Si Senador Alan Peter Cayetano sinabi nitong biyernes sa Facebook Live na nagkausap na sila ni Villanueva pero wala siyang
02:26ibinigay na detalye.
02:27Nag-heart to heart kami ni Brother Joel and even if I know the cost, it's not something you can
02:38feel unless ikaw talaga.
02:40Sakaling matuloy ang special session at magkabotohan para sa bagong Senate President, handa kaya ang gatchalian block sa senaryo na
02:48ginawa noon ni Cayetano sa Kamara?
02:50Pagkahambawa nag-special session, naisip ko lang, nag-iinsist po kasi sa Sen. Alan Cayetano na siya pa rin ang
02:57Senate President.
02:58So pag nag-special session, ay baka magagawan sa podium?
03:00Yun nga yung ugly, kaya niiwasan din natin.
03:03He's capable of doing anything to preserve his power as the leader of the House noon at saka leader ng
03:11Senado ngayon.
03:12Huwag naman sana kasi lalong napakapangit pagka dalawa yung tatayo doon sa podium.
03:17Pag-isa na lang siyang kumikilala sa sarili niya, o siguro yung ilan sa kanya mga kasama.
03:23Maski sabihin niyang ipagsigawan niya sa buong mundo, ako yung Senate President, wala namang sumusunod sa kanya.
03:28At napansin ninyo, tahimik na rin yung mga ibang lang kasama eh.
03:31Yung mga dating maihingay din na kasabay niya.
03:35Ngayon wala na rin comment eh. So narealize din nila siguro yung reality na,
03:40upos na yung boxing. Huwag nating i-underestimate kasi capable yung tao na yan na gamuan na maski anong gulo.
03:46He doesn't care about the institution. He only cares about himself.
03:51Panawagan ni Lacson kay Cayetano?
03:53Huwag manggulo. Maging mga senador.
03:57Maki lahok. Tapos kung ano yung tinglalaban nila.
04:00Sa floor namin pag-usapan, huwag sa Facebook.
04:02Sa isang social media post, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na hindi niya kinuha ang Senate Presidency para lang
04:09sa kapangyarihan.
04:09Ang totoong issue raw ay kung bakit tila may pumipigil na lumabas ang katotohanan tungkol sa questionabling flood control projects.
04:18Ayon pa kay Cayetano, may mga tao na pinagtatakpan-umanoh ang flood control scandal.
04:23At isusulong pa raw ang charter change para ibaon ang issue.
04:27Nagising daw ang taong bayan dahil anya sa lawak ng katiwalian sa flood control projects.
04:32Kaya may mga hakbang daw ngayon para makalimutan ng issue habang naghahanap ng pwedeng sisihin sa flood control scandal.
04:40Darlene Cayetano, nagbabalita para sa GME News.