00:00Binaha ang ilang lungsod itong weekend dahil sa malakas na ulan na dulot ng Easterlis.
00:05Kabilang sa mga lumutang mga basura, may unang balita si Bea Pinlac.
00:16Tumaob at inanod na sa creek ang kotse niyan dahil sa lakas ng ulan sa barangay Bignai, Valenzuela.
00:22Nagmula pa sa katabing subdivision ang kotse.
00:24Ayon sa barangay, naiahon na ang sasakyan, mabuti't wala itong sakay.
00:30Sa tindi ng baha sa barangay Paso de Blas, lumusong na at naglaro sa maruming tubig ang mga batang yan.
00:37Sa lakas ng agos ng tubig sa East Service Road, pahirapan ang pagdaan sa lugar.
00:42Kinailangan na ring alalayan ang ilang mga lumusong sa baha.
00:45Sa maitim at hanggang dibdib na baha sa Lord's Candle Street, palutang-lutang pa ang basura.
00:51Pero ang ilang residente, nagtampisaw pa rin.
00:55Ayon sa barangay, kahit hindi humabot ng isang oras ang buhos ng ulan,
01:00mabilis tumaas ang baha sa ilang parte ng Paso de Blas.
01:03Meron pong project para po dyan.
01:06Kasi nga po, yan po yung pinaghahandaan po namin.
01:10At pinaghahandaan din po ng LGU na kung sakali nga po naging El Nino,
01:15para po mabawasan ang pagbaha.
01:17Yung aming mga creek, medyo kasi po kumiput yun.
01:21Iyon po yung tinitignan ng anggolo ng BPWH kung papaano po nila mapapaayos.
01:29Baha na naman sa amin.
01:32Diyos ko po.
01:35Diyos ko po, baha na naman.
01:38Na perwisyo rin ng baha ang isang subdivision sa barangay Ibaba, Santa Rosa, Laguna.
01:43Dahil din sa ulan, naglawa ang basura sa barangay Lawa sa Calamba.
01:48Ang ilan, naipon sa kanal.
01:51Ayon sa pag-asa, ang mga pagulan ay dulot ng easterlies o yung mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.
01:58Ito ang unang balita.
02:00Bea Penlac, GMA News.
Comments