00:00Pansamantalang pinasara ang resort sa Dipakulaw Aurora
00:03kung saan nalunod ang dalawang basketball player ng Ateneo nitong lunes.
00:07Pinatawag naman ang polisya ang lahat ng dumalo sa training
00:10pati ang iba pang sangkot sa aktividad para sa embisigasyon.
00:14Yan ang unang balita ni Jun Beneracion.
00:19Isang candle lighting vigil ang isinagawa sa loob ng campus ng Ateneo de Manila University
00:24bilang pag-alala kina René Baterboña at Divine Adili.
00:29Naroon ang Ateneo Men's Basketball Team kasama ang head coach sa C. Tab Baldwin.
00:34Ito ang unang public appearance sa Baldwin.
00:36Mula ng mangyari ang trahedya sa Dipakulaw Aurora kung saan nalunod ang dalawang basketball players.
00:44Ipinasapina na ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang lahat ng mga dumalo sa training.
00:49Gayun din ang may-ari ng resort kung saan ginawa ang training,
00:53ang lokal na pamahalaan at driver ng bus na sinakya ng team.
00:56Inaalam ng CIDG kung sino ang may criminal liability.
01:00The CIDG under the law has contempt powers.
01:04We're asking them nicely in the interest of justice kasi may dalawang taong namatay.
01:09We wanted it to be always to be an airtight case so that we can also give justice doon sa
01:15pamilya.
01:17Humiling na rin ang CIDG sa Department of Justice para maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order
01:23laban sa mga tinawag nilang Persons of Interest.
01:27Pero hindi na nila pinangalanan ang mga ito kasama rin sa iniimbestigahan ang mga hindi pinangalanang school official
01:33na kasama raw sa naghatid sa team sa Dipakulaw.
01:35What we are trying to establish is the school authorities concerned have prepared for the safety and medical needs of
01:47the athletes.
01:50Ipapatawag din ang PNP CIDG bilang mga testigo, ang mga dating player ng Ateneo Men's Basketball Team
01:56na nakaranas din ang hirap sa team building at training sa probinsya ng Aurora.
02:00Nang mangyari ang trahedya noong lunes ng hapon, kabilang daw sa mga inabutan ng mga polisi investigator
02:07sa pinangyarihan ng isidente, si Coach Baldwin.
02:10Nasan po ba si Coach Tab Baldwin nung naabutan po ng mga investigator nyo?
02:16Kasama po siya sa grupo na nag-rescue.
02:20Pero hindi na raw nagawa ng mga investigador na makausap si Baldwin.
02:24Sa halip, ay dalawang membro na lang ng coaching staff ang humarap sa kanila.
02:28Hiniling din ang pamilya ni Baterbonya ang paglalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban kay Coach Baldwin
02:35sa kopya ng sulat na ibinigay ng kanilang abugado sa GMA News.
02:39Sinabing hawak ni Baldwin ang mahalagang impormasyon tungkol sa nangyaring training.
02:44Ang kanyang pananatili sa bansa ay kailangan para mapigilan ang anumang delay o pagkawala ng ebidensya.
02:51Sinagpina rin si Baldwin ang Department of Labor and Employment para masuri ang kanyang employment status
02:57bilang dayuhang nagtatrabaho sa Pilipinas.
02:59Tanong ng chairman ng Philippine Sports Commission na si Patrick Gregorio sa isang pahayag.
03:04Nasan ba raw si Baldwin at bakit hindi siya nagsasalita?
03:08Ang nangyari daw ay isang national concern.
03:10Bilang respeto raw sa pamilya ng mga namatay na atleta at mga Pilipino,
03:14kailangan daw lumabas si Baldwin.
03:17Sa pahayag ng Ateneo de Manila University,
03:19sinabi nitong sila mismo ang humiling kay Baldwin na huwag munang magbigay ng mga pahayag.
03:25Ito raw ay para mahayaan munang umusad ang mga opisyal na proseso
03:29at malaman ang tunay na nangyari.
03:31Ang pananahimbing daw ni Coach Baldwin ay hindi dapat ituring na wala siyang pakialam o malasakit.
03:37Inuuna lang daw ng universidad ang paghilom at due process
03:40bago ang pagtalakay ng isyo sa publiko.
03:43Pagkatapos ang masakit na nangyari,
03:45pinayuhan daw nila si Baldwin na tutukan ng emotional at psychological welfare na mga manlalaro,
03:51coach at staff na naapektuhan ang insidente.
03:54Gayun din ang kanyang sariling pagdadalamhati.
03:57Ayon sa Ateneo,
03:59re-repasuhin din daw nila ang mga umiiral na athletic protocols.
04:03Batay sa mga nakuhan nilang impormasyon sa mga nasa team building,
04:07nagko-conditioning exercises ang grupo sa mababaw na bahagi ng dagat
04:11nang bigla silang hampasin ng malalaking alon.
04:14Nakaahon daw ang ibang players,
04:16pero natangay sinabaterbon niya at adili.
04:19Pagdiin ang Ateneo,
04:21walang anumang weights o pabigat na ginamit sa aktibidad.
04:25Siniguro ng universidad na nakikipagtulungan sila sa lahat ng investigasyong ginagawa ng mga otoridad.
04:31Habang umuusad ang investigasyon,
04:33naka-leave din sinang Baldwin at team manager na si Epo Kimpo.
04:38Nagsasagawa rin ang investigasyon ang Commission on Higher Education.
04:42Nakipagpulong sila sa Ateneo de Manila University Crisis Management Team.
04:46At dito nalaman na 24 ang student-athletes na kasama sa team building at training camp.
04:53Pito ang mga coach at staff members.
04:55Sabi ng Ched, aalamin nila ang katotohanan para may mapanagot
05:00at magkaroon ng mga pagbabago para hindi na maulit ang trahedya.
05:05Bolontaryong nagtungo ang may-ari ng resort sa NBI
05:07kasama ang kanyang abogado at ilang staff.
05:10Ayon sa abogado ng resort owner,
05:13nagbook sa resort ang basketball team ng Ateneo para sa isang team building.
05:18Binubuo raw ito ng mga player at kanilang coaches.
05:20Part of the briefing and the engagement or the booking
05:25that there will be no photos or videos taken.
05:30Base lang po sa kwento ng mga player at binyak natin.
05:33Ano yung na-observe nila before yung insidente nangyari?
05:36Ano yung ginagawa ng grupo po?
05:39Well, normal team building activity.
05:42I've seen some videos and they looked normal, happy.
05:47I cannot say that it's an initiation activity or a hazing activity
05:56packaged as team building.
05:59I cannot confirm or deny that.
06:01Alam daw ng basketball team ng Ateneo ang sitwasyon sa lugar.
06:05Bukod daw kasi sa reminder ng resort sa mga possible risk,
06:09hindi rin daw ito ang unang pagkakataon
06:11na nagsagawa ng team building sa nasabing resort ang team ng Ateneo.
06:15As far as your client is concerned, wala kayong pagkakataon?
06:19Of course, all the necessary precautions were there.
06:24And again, let me reiterate that this is not the first time
06:27that the Ateneo men's basketball team stayed in the resort.
06:30They've been booking, I think, for the past three years na.
06:35Lifeguard?
06:36Yes, merong lifeguard.
06:38In fact, first responder yung lifeguard ng resort.
06:42Ayon sa NBI, nagpadala na sila ng task force
06:46para imbestigahang mabuti ang lahat ng mga anggulo.
06:49Kahit pa raw sinabi ng Aurora Police
06:52na wala sila nakitang indikasyon ng foul play,
06:54sabi ng NBI, kung wala mang foul play,
06:58hindi nito nasasagot ang tanong
06:59kung ang pagkamatay ni Nabaterbonya at Adili
07:02ay resulta ng kapabayaan sa pagsasagawa ng nasabing training.
07:06Sa ilalim ng Article 365 of the Revised Penal Code,
07:10ang pagkamatay dahil sa kapabayaan
07:12ay isang kriminal na bagay na walang kinalaman
07:15sa intensyong makapanakit.
07:18Ayon sa NBI, kapag ang aktibidad ay idorganisah
07:21at pinahintulutan ng paaralan para sa mga isudyante,
07:25ang mga namamahala sa nasabing aktibidad
07:27ay may responsibilidad sa pangangalaga sa mga kalahok.
07:31Kabilang daw sa mga anggolong titignan
07:34ay kung ang pangalib ng lokasyon
07:36at ang kondisyon ng dagat
07:37ay na-assess ng mabuti.
07:39Ito ang unang balita.
07:41June Veneracion, GMA News.
Comments