00:00Tiniyak ng Department of Health at Lokal na Pamahalaan ng Malungon-Sarangani
00:04na walang babayaran sa ospital ang residenteng nabagsakan ng puno
00:08dahil sa magnitude 7.8 na lindol, nito naman lunes.
00:12Ito ay matapos ang pagpunta ni DOH Secretary Ted Herbosa
00:15sa Malungon-Sarangani Provincial Hospital
00:18para makita ang kalagayan ng mga pasyente at istruktura ng ospital.
00:23Nakamusta ni Herbosa?
00:24Si Tatay Gregorio Dayen na nabagsakan ng puno sa bundok
00:28habang nakasakay sa kanyang kabayo.
00:31Papakainin lang anya dapat ang alaga ng maramdaman ng lindol
00:34at biglang nabagsakan siya ng malaking puno bago mag-alas 8 ng umaga.
00:39Siniguro naman ni Herbosa na walang babayaran si Tatay Gregorio
00:43at kailangan lang nito magpagaling sa ospital.
00:46Samantala, sinuri ng DOH at LGU ang structural integrity
00:50ng pasilidad para sa kaligtasan ng mga pasyente.
Comments