00:00Nasa isang Memorial Chapel sa Quezon City ang labi ni René Baterbonia,
00:04ang basketball player ng Ateneo de Manila University na nalunod sa team building activity nila sa Aurora.
00:11Mula sa Quezon City, may unang balita live si Bam Alegre. Bam?
00:19Susan, magdamag na narito nga sa isang Memorial Chapel sa Quezon City,
00:23ang kaanak ng nasawing basketball player na si René Baterbonia.
00:30Kagabi, bumisita ang basketball head coach ni Baterbonia sa Ateneo de Davao na si Jess Evangelio.
00:37Hindi bukas sa media ang burol at humiling ang kanyang kaanak ng privacy,
00:42lalo ngayong umaga para sa kanilang pamilya.
00:45Wala pang detalye, kaugnay sa burol at maging sa libing at ayon sa kapatid ni Baterbonia, may hinihintay pa raw
00:52sila.
00:53May ilang mga politiko ang nagpadala ng mga bulaklak bilang pakikiramay sa pamilya.
00:58Susan, nakaantabay lang dito yung media sa isang media room para sa panibagong pahayag ng kanilang pamilya.
01:07Ito ang unang balita. Mula rito sa Quezon City, Bam Alegre, GMA News.
Comments