Skip to playerSkip to main content
Aired (June 7, 2026): BABAE, MAY MILYON-MILYONG VIEWS AT FOLLOWERS ANG HATID NG KANYANG PAMBIHIRANG DIBDIB, PERO KASABAY NITO ANG PAMBABASTOS, MGA POSER, AT KONDISYONG MEDIKAL NA DULOT MISMO NG KANYANG ASSET

BABALA: Sensitibong video. Maging disente sa pagkomento.

Ang kanyang moves sa kanyang dance covers, simple lang pero swabe ang dating! Pirming naka-sleeveless at naka-sexy outfit! Pero ang talagang umaagaw ng atensyon, ang napakalaki niyang…hinaharap!

Ito raw ang dahilan kung bakit ang views ng kanyang videos, umaabot ng milyun-milyon! Pero may mga paratang… na nanloloko raw siya ng mga tao?! Gaano ito katotoo?

Sa social media, milyong-milyong mata ang nakatitig sa kanya! Pero sa totoong buhay, anong presyo ba ang kapalit ng ganitong klaseng atensyon? Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:02Asset kung ituring ni Maria ang kanyang malaking dibdib.
00:07Ginagawan pa niya ito ng content at pinagkakakitaan.
00:11Pero kapalit naman ito ngayon, ang dinidibdib niyang problema.
00:18Ang kanyang move sa kanyang dance covers, simple lang pero suabe.
00:30Pirmeng nakasleeveless at nakasexy outfit.
00:36Pero ang talagang umaagaw ng atensyon, ang napakalaki niyang tinaharap.
00:44Sa'yo lahat yung tea?
00:46Hindi na raw niya idedenay pa. Ito rin ang dahilan kung bakit ang views ng kanyang videos umaabot ng milyon
00:55-milyon.
00:55Madaming mga gifter na nagpupunta sa live ko. Nakaka-one-five din po ako.
01:02Pero may mga paratang na nanloloko raw siya ng mga tao.
01:07Ilan na kaya na-scam nito?
01:09Ikaw yung recruiter ng mga babae dito, di ba?
01:12Gaano ito katotoo?
01:14Pinangpofront niya po yung mga pictures ko. Nagpapabayad po siya.
01:17Sa social media, milyong-milyong mga mata ang nakatitig sa kanya.
01:22Pero sa totoong buhay, anong presyo ba ang kapalit ng ganitong klase ng atensyon?
01:33Nakatira rito sa San Juan City ang 23 anyos na si Maria na kilala ng kanyang online followers bilang M.
01:42Ang madalas na size ng bra band o sukat ng underbust ng karaniwang Pilipina, 32 hanggang 36 inches lang.
01:53Ang average cup size naman, A to C.
01:57Pero ang kay M, umaabot daw ng 56 double D.
02:03Ito yung bra ng sister ko. Tignan niyo yung difference niya guys.
02:08Hindi talaga siya kaso sa akin guys kasi super liit niya.
02:12Pero yung akin ito, pwede niyo na siyang gawing sumbrelo guys.
02:16Ganyan, saktong-sakto siya guys.
02:19Pahirapan po talaga na makakita ng ganyan.
02:22Ilang beses na po akong bumibili na akala ko tama yung size ng pinipili ko.
02:27Tapos pagdating dito, maliit pala.
02:29Karamihan sa mga gamit niya, padala pa ng kanyang lola sa Amerika.
02:34Tuwing December, nagpapadala sila ng balikbayan box.
02:37Tapos meron doon nakaseparate na puro bra, puro sa akin.
02:41Pagpatak ng alas 11 ng gabi, nagkukulong na si M sa kanyang kwarto para maghanda sa kanyang live stream.
02:49Pumili muna siya ng kanyang isusuot.
02:53So ayun guys, ito yung napili kong damit para suotin.
02:57Tagong-tago siya pero hindi matatago.
02:59Baka yung beat natin.
03:03At saka pumuesto sa kanyang kama.
03:06Nung nasigurado niyang kita na siya sa screen, nagsimula na siyang mag-live.
03:11Kapos na ang buhay-buhay?
03:13Nakikipag-bardagulan lang po sa mga kausap doon.
03:17Meron pong magsisend sa inyo ng mga coins or gift.
03:20Oo, bi-filter lang ito. Tignan mo. Bibigay ko sa iyo yung link.
03:23Sa mga income ko sa social media, doon po ako nakakapag-provide para sa sarili ko.
03:28Minsan nakakatulong din sa family ko.
03:30Pag may pera yan, puro libre.
03:32Agayin yan. Sa gamit.
03:34Di gamit, minsan bumibili siya ng ulam.
03:36Hindi lang online marami ang views ni Em.
03:40Kahit pa offline kapag lumabas daw siya ng kanilang bahay.
03:45Nakaka-ingkip po siya kasi.
03:46Umalaki yung ano niya, dibdib niya.
03:48Tapos dalawa ako, ang lang. Maliit.
03:51Pag maalis kami, mamalengki lang, ganyan.
03:54Andami talaga nakatingin sa kanya.
03:56Pero hindi na lang daw ito dinidibdib ni Em.
03:59Maaga kasi siyang naharap sa ganitong mga puna.
04:02Nung elementary po ako, lagi akong nabubuli ng anlaki ng boobs ko.
04:07Pero nung naging high school at college ako, wala na po sa akin.
04:12Pinaliwanag naman sa akin ng parents ko, pati ng lola ko noon na parang nasa jeans po kasi talaga siya.
04:17Parang ayun yung asset ko.
04:19Nung may nag-viral ako na pictures, doon ko na isip na pwede naman palang maging ganto.
04:24Kaya kong ipost sa social media nang hindi nag-aalinlangan.
04:28Tapos parang walang pakialam talaga sa mga sasabihin ng mga tao.
04:33Feeling blessed man daw si Em.
04:35Hindi niya raw maikakaila na ang kanyang asset parang may nakabikit ding sumpa.
04:42Mabigat pa ata sa basto.
04:44Dati umiiyak po talaga ako as in sa papa ko.
04:47Kaya inaaway nila yung mga basher ko noon.
04:50Pero na-realize ko na, bakit?
04:52Wala mo na akong ginagawang masama?
04:54Ha? Bakit ako masasaktan sa inyo?
04:56Nang dahil sa kanyang dibdib, minsan na rin daw siyang naharas.
05:01Meron pong gas delivery.
05:03Akala ko magtatanong lang po siya.
05:05Hinila po ako tapos hinawakan niya talaga yung boobs ko.
05:08Takot na takot po ako lumabas noon.
05:10Pero ang mas pinangangambahan ngayon ni Em,
05:13ang mga kumakalat na kwento online.
05:16Na hindi lang daw siya basta sumasayaw at nagpapaseksi sa social media.
05:21Di umano, manloloko siya.
05:24Ilan na kaya na-scam nito?
05:25Ikaw yung recruiter ng mga babae dito, di ba?
05:28Pero paglilinaw ni Em,
05:30hindi siya ang nasa likod ng mga account na ito.
05:33Kundi ang kanyang mga poser o yung mga nagpapanggap na siya
05:38na nagnanakaw din daw ng kanyang mga video.
05:42Nagkaroon po kasi ako ng isang poser na mataas po talaga yung follower.
05:47Sila yung nagkakapera.
05:49Meron pangaraw ng gamit ng kanyang mga litrato
05:52para mang catfish o manlinlang ng iba.
05:56Pinangpofront niya po yung mga pictures ko.
05:59Nagpapabayad po siya bagong poser ko po ngayon.
06:02Nagre-recruit po siya ng mga babae.
06:05Ito sinasabi nila ako yung founder nila.
06:07Kakausap sila ng stranger tapos 6K per hour.
06:11Nagpatulong na lang po ako sa mga followers ko sa Facebook
06:14na i-report po yung account na yun.
06:16Kasi parang nakakabastos po.
06:18Ngunit ang talagang nagpapakabog daw ng kanyang dibdib
06:22ang maaaring maging epekto
06:24ng napakabigat niyang hinaharap sa kanyang kalusugan.
06:28Pag nakadapa ako siguro pag tumatagal ng 30 minutes,
06:32sumasakit din yung likod ka po.
06:36Kaya ipinakonsulta namin si Em
06:38sa isang endocrinologist.
06:40Mukhang wala naman pong other problem.
06:42Mukhang wala po siyang ibang hormonal imbalance
06:45katulad nung thyroid, normal naman.
06:48At medyo on the heavy side at malaki lang talaga po si ma'am.
06:52Si Em, posible raw na may kondisyong tinatawag na
06:57gigantomastia.
06:58Usually, ang gigantomastia ay isa pong kondisyon kung saan
07:02napakalaki po ng dede.
07:04Kadalasan po, usually wala pong underlying condition.
07:07Ang tinatawag po diyon, idiopathic.
07:10Ang breast reduction surgery,
07:12nagkakahalaga ng 250 hanggang 350,000 pesos.
07:18Ang tanong, handa bang pabawasan ni Em ang kanyang asset?
07:25Wala na po akong balak.
07:26Pabawasan to kasi hawak ko na ang beat guys.
07:29Isasayaw natin to. Ilalaban natin siya guys.
07:33Sinamahan din siya ng aming team sa PNP Anti-Cyber Crime Group
07:38para formal na magsampa ng reklamo laban sa kanyang mga poser.
07:43Kung ito ay nakapag-sira ng yung reputasyon,
07:47so pwede ka rin maipasok din sa cyber libel.
07:51Kung ito ay ginamit din sa scam,
07:53so meron din tayong Article 315 ng device penal code.
07:57Lahat ng tao na ninipo, lahat ng tao na mabastos sa isang tao.
08:01Again, regardless kung anong kasarian niya,
08:03on the basis of peace or sex,
08:06na violate yung right niya to be in public,
08:09na bastos siya, pwede siyang makasuan.
08:10Violation ng Safe Spaces Act.
08:12Maaring sabihin natin na choice ng babae,
08:17yung pagsusuot ng ganoon,
08:19na very revealing sa social media.
08:22Nakikita kasi natin,
08:24ginagawa rin ng mga ibang kababaihan yun
08:26dahil nakaayon siya sa kultura.
08:29Lalo na sa isang kultura na very consumerist.
08:34Karong ka ng fame at posibleng may economic gain.
08:37Walang karapatan ng kahit na sino
08:39na bastosin ang isang tao.
08:41Dahil lang sa kanyang pananamit,
08:42hindi ibig sabihin naghubad sa harap mo,
08:44babastusin mo na.
08:46Ang punto kasi dyan,
08:47nililimitahan din niya yung
08:49kakayahan ng babae
08:51yung i-express ang kanyang sarili.
08:52Hindi naman po talaga
08:55nakadepende sa pagsusuot ng damit po yan eh.
08:57Kung madumi po yung utak mo,
08:59ayan ka na talaga.
09:00Kasi kahit anong suot ng babae,
09:02kung bastos ka, bastos ka.
09:05Sa panahon ng social media,
09:08madalas sinusukat ang isang tao
09:10sa kanyang itsura.
09:11Pero pakatandaan din po sana natin
09:14na ang katawan ng babae
09:16hindi imbitasyon para siya'y bastusin,
09:20husgahan o angkinin,
09:22ninuman at gaano man kalaki
09:25o kaliit pa ang kanyang hinaharap
09:28ang mas mahalaga pa rin
09:30kung paano niya patas
09:32na hinaharap ang buhay.
Comments

Recommended