00:00Sa iba pang balita, matapos idawit ang Malacanang sa issue ng Senate leadership,
00:05nakita si Sen. Alan Peter Cayetano na nakikipag-usap kay First Lady Liza Araneta Marcos.
00:12Nangyari po yan sa isang event ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry sa Pasay, Kagabi.
00:19Special guest sila sa ika-51 anibersaryo ng Philippines-China Diplomatic Relations.
00:25Lumapit at tinabihan ni Cayetano ang First Lady na dalawang silya ang layo sa kanya sa lamesa.
00:32Susubukan pa namin kina Cayetano at Araneta Marcos kung ano ang napag-usapan nila.
00:38Ilang oras bago sila magkausap, sinabi ni Cayetano sa isang press conference na dalawa ngayon ang Senado sa bansa,
00:46ang anyay Senate of the Philippines, pati ang Senate of Malacanang.
00:55Outro
Comments