00:03Isang patay na daga ang tumambad sa tapat mismo ng bahay ng tricycle driver na si Leopoldo sa Rojas District,
00:10Quezon City.
00:11Paalala ito ng banta pa rin ng leptospirosis sa kanilang lugar.
00:16Dumating nga sa puntong tinamaan siya ng leptospirosis.
00:19Siyempre manghihihina ka ganon, mabuti nalang agapan.
00:23Si Margie, na nakatira sa tabing ilog, inaalala rin bukod sa leptospirosis ang dengue.
00:30Nag-i-spray po kami tapos naglilinis para walang lamok.
00:36Dahil tagulan na, paalala ng Department of Health sa publiko,
00:40mag-ingat sa wild o waterborne diseases, influenza-like illnesses, leptospirosis at dengue.
00:48Kung tayo naman po ay nalusong, di natin naiwasan, ano naman ang dahilan at kahit anong baha po yan,
00:53tayo po ay kumonsulta sa ating pinakamalapit na health center.
00:57Meron naman po tayong mga libring gamot.
00:59Para iwas dengue, dapat ding tandaan ang 40s, taob, tak-tak, tuyo at takip.
01:06Pagbandang hapon na, mula 4 hanggang 6 p.m. aktibo yung lamok.
01:10Sa umaga, mula 6 hanggang 8 a.m.
01:13Malaking bagay rin anya ang pagbaba ng kaso ng dengue ngayong taon.
01:18Mula January 4 hanggang May 23 ng kasalukuyang taon, ang naitala lamang nationwide ay 50,727 na kaso ng dengue
01:28kumpara sa 114,308 noong nakaraang taon.
01:33Paalala ng DOH, malaking tulong na updated sa lagay ng panahon.
01:38Dapat din gumamit ng rain gear tulad ng payong, kapote o bota.
01:42Siguraduhin din na malinis ang inuming tubig.
01:45Kapag may nararamdaman, agad magpakonsulta sa doktor.
01:52Kapag may nararamdaman, agad magpakonsulta sa doktor.
Comments