Skip to playerSkip to main content
Sakto sa pasukan sa Lunes ang anunsiyong tag-ulan na. Kaya inilabas ng DepEd ang apat na lebel ng pagtugon ng mga paaralan sakaling magsuspinde ng klase. Bukod naman sa ulan, dagok din sa ilang tindahan ng school supplies ang patuloy na pag-alagwa ng online shopping.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sakto po sa pasukan sa lunes ang anunsyong tag-ulan na.
00:04Kaya inilabas po ng DepEd ang apat na level ng pagtugo ng mga paaralan sakaling magsuspindi ng klase.
00:10At bukod naman sa ulan, dagup din sa ilang tindahan ng mga school supplies ang patuloy na pag-alagwa ng
00:16online shopping.
00:18Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:22Ngayong school year 2026 to 2027, hindi lang trimester calendar ang pagbabagong sasalubong sa mga group mag-aaral sa pampublikong
00:32paaralan.
00:33Naglabas din ang DepEd ng bagong guidelines tungkol sa Learning Continuity in Emergencies.
00:38Sa ilalim ng DepEd Order No. 14, may apat na level ng pagtugon sa mga paaralan kung may kalamidad, sakuna,
00:46karahasan o krisis sa panahon at kalusugan.
00:49Level 1 ang hayo o continue. Tuloy ang in-person classes kung nasa ligtas na kalagayan ng mga gurot mag
00:56-aaral.
00:57Level 2 ang hinay o ease in. Kung saan kahit may minor to moderate disruption sa in-person classes, tuloy
01:04ang pag-aaral sa ibang paaralan.
01:06Halimbawa, online synchronous classes at modules.
01:10Level 3 ang hinga o check-in. Dito, labis na binabawasan ang mga gawain sa pag-aaral para unahin ang
01:17kapakanan ng mga mag-aaral at guru.
01:19At level 4 ang hinto o stock. Tigil muna ang lahat na uri ng pag-aaral dahil may panganib na
01:25sa komunidad.
01:27Ipatuto pa nito sa sandaling magdeklara na ng suspension ng school head, local chief executive o iba pang ahensya ng
01:34pamahalaan.
01:36Napapanahon nito lalo't opisyal nang nagsimula ang tag-ulan ilang araw lang bago ang pagsisimula ng klase.
01:42Naging masungit nga ang panahon ngayong araw sa baklaran, kaya naging mabenta rin doon ang mga pananggalang sa ulan.
01:49Depende sa kalidad at klase, naglalaro ang presyo ng payong mula 120 hanggang 200 pesos.
01:56Sa kapote, may mabibili ng 200 pesos.
01:58Ang bota naman, 280 to 450 pesos.
02:03Medyo mas malakas po yung mga ganito kaysa po yung school supplies.
02:07Para sa mga nagtitinda ng school supplies sa baklaran na umaaray dahil mas patok ang pagbili ng mga gamit online,
02:14dagdagdagok ang ulan.
02:16May matitira pa, sigurado.
02:18Dati eh.
02:19Kasi nga po sa ganyan, sa dami ng online, sa online na lang sila na ma-order.
02:25Maulan, maputik, bahain sa aming lugar. Kaya yun, medyo lugi po kami ngayon.
02:30Sa mall naman po, nag-ikot naman po ako. Expensive po masyado.
02:35Sa baklara, nag-price monitoring ang DTI kanina para masigurong nasusunod ang tamang presyo ng school supplies.
02:42Bagamang may kaibahan ng presyo sa mall at sa mga tindahan sa baklaran, lahat daw ay pasok sa price guide
02:48ng DTI.
02:49Sa notebook, may mabibili sa baklaran ng 12 pesos kada piraso.
02:54Kumpara sa mall na nasa 16 to 51 pesos.
02:57Ang yellow pad na 45 pesos sa mall, 35 lang sa baklaran.
03:02Sa 8 pieces na crayons, 35 pesos sa baklaran, 41 pesos sa mall.
03:08Para sa mga ngayon palang mamimili ng school supplies,
03:11hanapin yung tinatawag na gabay sa pamimili gaya nito.
03:14Sa pamamagitan nito, matutulungan tayo sa pagbabudget.
03:18Halimbawa, ang presyo ng notebook ngayon, naglalaro sa 13 hanggang 52 pesos kada piraso.
03:24Ang best talaga is for them to see the product.
03:26And then for them to evaluate, makikita din naman nila kung yung quality pasok na sa budget nila.
03:33Ang daming choices, whether physical stores or online.
03:37So, hindi siya practical for them to put up the price.
03:41May iwanan lang sila ng inventory.
03:43Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended