00:00Muling ipinagpaliban ang Sandigan Bayan 5th Division
00:03ang arraignment ni Sen. Jingoy Estrada at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
00:10para sa kasong graft at plunder ngayong araw.
00:14Itinakda ito ng Korte sa June 30
00:16dahil kinakailangang pangresolbahin ang mga inihain nilang mga mosyon
00:22kabilang narito ang motion to quash o pagbasura sa kaso ng Kampo ni Estrada at Bonoan.
00:29Kasama din sa mosyon ang inihain ng Kampo ni Bonoan na ma-hospital arrest siya.
00:35Hindi naman nakadalo si Bonoan dahil kasalukuyan itong nasa isang pribadong ospital
00:41dahil sa lagay ng kanyang kalusugan.
00:44Natuloy naman ang pagbabasa ng sakdal sa mga kapwa-akusado
00:49na sina DPWH NCR Assistant District Engineer Denril Cesar Cortuna,
00:55mga engineer na sina Manny Bulusan at Arturo Gonzalez
00:59kung saan lahat sila ay nagpasok ng not guilty plea
01:04sa parehong kasong graft at plunder.
Comments