Umabot sa 12 senador ang pisikal na dumalo sa plenaryo nitong June 3 sa pagdating ni Sen. Chiz Escudero.
Dahil dito, idineklara ang quorum at sinimulan ang pagre-reorganize ng liderato. Idineklara ding bakante ang lahat ng posisyon sa komite.
Kinuwestiyon naman ito ni Sen. Alan Peter Cayetano at sinabing ayon sa Konstitusyon, 13 o majority ng lahat ng senador ang dapat sundin sa pagtatakda ng quorum.
Sa Senate Blue Ribbon committee hearing ngayong June 4, tinawag din ni Sen. Pia Cayetano na “invalid” ang naging session kahapon.
Paano nga ba nagkaroon ng quorum kahit 12 lang ang pumasok na senador? Panoorin ang video na ito.
Comments