Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umakyat na po sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa paghuhon ng ginagawang gusali sa Angeles City, Pampanga.
00:07Ang pamilya po ng isa sa mga nasawi, nagsampa ng reklamong kriminal laban sa may-ari, contractor at site engineer
00:14ng gusali.
00:16Ating saksiha!
00:20Mahigit isang linggo matapos gumuho ang ginagawang gusali sa barangay Balibago sa Angeles City, Pampanga,
00:26nagsampa ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang pamilya ng isa sa mga nasawi sa guho.
00:34Laban yan sa may-ari ng gusali, contractor nito, pati ang site engineer.
00:39Ayon sa special legal advisor at spokesperson sa imbistigasyon na si Atty. Darwin Reyes, may iba pang hindi pinangalanan na
00:46sinampahan din ang kaso.
00:52Posible rin daw na may iba pang pamilya na magsampa ng kaso.
00:55Sa oras na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktimang na-recover mula sa guho.
01:00Inaasahan po natin na mayroon pang kapamilya ng mga biktimang na magka-file din po ng similar case din po.
01:08Ang abogado naman ang contractor ng gusali, hinihintay pa ang kopi ng isinampang reklamo.
01:14Sa ngayon, prioridad daw nila ang makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga biktima.
01:18May mga nakakausap na kaming families na we are offering our assistance to them.
01:25Yung team namin, andun sila, araw-araw.
01:29Siniguro naman ni Reyes na hindi nito maaapektuhan ang imbistigasyon sa pag-uho.
01:33Hindi naman po maapektuhan yung imbistigasyon.
01:36Tuloy-tuloy po ang pag-iimbestiga dito sa cause ng pag-collapse ng binding na ito.
01:45Sa kabila naman na naranasang pabugsubugsung ulan sa Pampanga, patuloy ang operasyon ng mga otoridad.
01:51Pasado alas 7.30 ngayong gabi, may narecover na labi ang Unified Command.
01:58Kahapon, kabilang sa mga narecover ang labi ng isang sanggol.
02:02Pinoproseso na ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
02:05Lagpas na ito sa bilang ng nasa listahan ng mga otoridad.
02:08Kaya naman patuloy ang search, rescue, retrieval at clearing operation dahil may mga bangkay na natatagpuan na wala sa listahan.
02:16Patuloy rin ang imbistigasyon ng fact-finding committee ng Angeles City, LGU.
02:20We're still in the process of gathering the documents and evidence.
02:24So nasa verification of facts pa tayo.
02:29And then susunod na po niyan yung mga site inspections.
02:32Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
02:37Hihingan po ng paliwanag ng Land Transportation Office ang isang rider na nahulikap.
02:41Nananakit ng isa pang rider sa Maynila.
02:44Ang rider at ang kanyang angkas pinagtulungang hampasin at suntukin sa ulo ang kapwa nila motorista.
02:51Saksik si Jumer Apresto.
02:56Habang nakahinto sa isang intersection sa Maynila,
03:05Hinampas ng helmet at sinuntok sa ulo ang isang rider ng dalawang lalaking mag-aangkas sa motorsiklo.
03:11Kaya kahit nakapula ang traffic light, umandar ang sinaktang rider para makaiwas.
03:16Nakuha na niya ng CCTV sa Florentino Street, corner Maceda Street sa Sampaloc, Maynila,
03:21madaling araw nitong June 1.
03:22Ang angkas, hinampas sa ulo ang biktima gamit ang hawak niyang helmet.
03:27Ang rider naman ang sumapok sa ulo ng biktima na humarurot palayo.
03:31Ang magkaangkas, umikot at lumiko sa isang kanto.
03:34Bago yan, nakuhanan sa CCTV ng barangay 517 ang pag-counterflow ng dalawang lalaking walang helmet sa one-way na
03:41Florentino Street.
03:42Nakasalubong nila ang biktima na nasa tamang daan.
03:45Pero umikot sila pabalik, sinundan ang biktima at doon sinaktan.
03:49Ayon sa kapitan ng barangay 517, hindi na nila mahagilap ang rider na residente nila.
03:54Gayunman, naikipag-ugnayan daw sila sa mga kaanak at kaibigan ng rider.
03:58Sabi, isusurrender daw nila. Dito sa station po, tapos nandalhin nila doon kay Yorme.
04:04Hindi naman siya talaga permanente dito nakatirayan.
04:07Iba-iba ang lugar. Pero nandito ang relatives niya.
04:11Nakarating na sa Land Transportation Office ang insidente na itinuturingan nilang road rage.
04:16Ipinahahanap na raw ang pagkakakilanlan ng nanakit na motorista.
04:19Pinag-utos sa Intelligence Division para matrace yung motorsiklo para ma-issuehan ng so-pass order.
04:26After ng hearing, dalawa lang pupuntahan yan.
04:29It's either mahabaan yung suspension o totally ma-revoke na yung license niya.
04:36Sinusubukan naming makuha ang pahayag ng mga inire-reklamo.
04:39Patuloy ang investigasyon.
04:40Ako si Jomer Apresto ang inyo.
04:43Saksi!
04:44Posibeng ngayong linggo o sa susunod na linggo,
04:47ideklara ang opisyal na simula ng tag-ulan.
04:49Ayon po yan sa pag-asa.
04:51Isang low-pressure area sa West Philippine Sea
04:53ang nagpapalakas ngayon sa habagat.
04:56Saksi!
04:57Si Marie Zumal.
05:01Sa nakalipas na mga araw, napapadalas na ang mas mahaba-haba at malalakas na pag-ulan,
05:06lalo na pag madaling araw pati magsapit ng hapon hanggang gabi.
05:09Ang tanong, simula na ba ng panahon ng tag-ulan?
05:12Sabi ng pag-asa, hindi pa.
05:14May mga dapat munang matupad na kriteria bago ito opisyal na ideklara na maaaring mangyaring ngayong linggo ito o sa
05:21susunod na linggo.
05:22Kailangan magkaroon tayo ng limang araw na sunod-sunod na pag-ulan.
05:26Ang magiging total at least umabot ng 25mm sa total na pag-ulan in the span of 5 days.
05:31Dapat may tatlong araw po tayong sunod-sunod na umulan talaga.
05:35So far, halos sa tatlo pa lamang ang nakakamit ng kriteria na yun.
05:38At least 50%, mga around 6 to 7 stations dapat ang mag-register
05:43na nakapagtala ng 5 consecutive days of rains na umabot ng 25mm.
05:48Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng malalakas na ulan sa loob ng limang araw
05:52ang Subic Zambales, Puyo Palawan at San Jose Occidental Mindoro.
05:57Ayon sa pag-asa, mahalaga ang mainat na pagdataya bago magdeklara ng tag-ulan
06:01dahil malaki ang epekto nito sa agrikultura, power generation at water sector.
06:06Sa ngayon mayroon daw isang low pressure area sa West Philippine Sea na kasalukuyang nagpapalakas sa habaga.
06:11Dalawang posibleng senaryo ang nakikita ng pag-asa.
06:14Mananatili itong isang LPA na patuloy na magpapalakas sa habaga
06:18o lumakas ito bilang isang tropical depression
06:21at pumasok sa northwestern boundary ng Philippine Area of Responsibility.
06:25Pero hindi ito'y naasaha maglalandfall sa Pilipinas
06:27at sa halip ay kikilos patungong Taiwan o timog na bahagi ng Japan.
06:32Gayunpaman, pinapayuhan ang publiko na mag-monitor ng mga abiso ng pag-asa
06:36at magdala lagi ng payong o kapote.
06:38Ako si Marizzi, umali ang inyong saksi.
06:42Lusot na po sa Kamara ang panukalang batas kontra sa mga political dynasty.
06:46Pero ayon sa ilang mababatas, masyadong malabnaw
06:49at hindi talaga ipinagbabawal ng panukala ang political dynasty.
06:53Saksi, si Rafi Tima.
07:05Ito ang unang pagkakataon na ipinasan ng Kamara
07:08ang isang anti-political dynasty bill
07:10halos apat na pong taon matapos itong isulat sa 1987 Constitution.
07:14Sa botong 267 favor,
07:17dalawampung hindi favor,
07:18at pitong nag-abstain.
07:19Ipinasa ng mayorya ang Act Prohibiting Political Dynasties
07:23in National and Local Elective Offices
07:25sa uling araw ng plenaryo bago ang kanilang adjournment sinibye
07:28o pagtatapos ng first regular session ng 20th Congress.
07:31Today, Congress has finally acted.
07:36This measure may not satisfy everyone completely.
07:40There are valid criticisms,
07:42but imperfect reform is still reform.
07:44Nakasaad sa Article 2, Section 26 ng 1987 Constitution,
07:49dapat garantihan ng Estado ang pantay na oportunidad
07:51para makapaglingkod sa pamahalaan
07:53at ipagbawal ang political dynasty
07:56alinsunod sa itatakda ng batas.
07:59Pero sa nakaraang 38 na taon,
08:01hindi makausad-usad ang enabling law para dito.
08:04Gayunman, ayon sa mga hindi bumoto sa panukala,
08:07masyado itong malabnaw
08:08at hindi talaga nito ipinagbabawal ang political dynasty
08:11tulad ng nakasaad sa konstitusyon.
08:14Bakit sa ilalim nitong panukala,
08:16pwede pa rin na sa isang pamilya,
08:19may presidente, senador, congressperson,
08:23governor at mayor.
08:24Pwede pa rin silang magpasapasahan ng posisyon.
08:28To my distinguished colleagues,
08:30with all due respect,
08:32huwag na po tayo maglokohan.
08:34Ang nakasulat sa papel ay anti-dynasty,
08:37pero ang totoo,
08:38ito po ay isang pro-dynasty bill.
08:41Meron din namang tuto sa panukala,
08:43pero bumoto pa rin ng YES,
08:44dahil bagamat kulang,
08:46may tuturing pa rin daw itong reforma.
08:48Ipinasyak kong mas mabuting bumoto ng YES
08:50upang masimulan ang reformang ito
08:53kaysa hindi aprobahan dahil lamang
08:56sa hindi tayo sangayon sa ilang provision nito.
09:01Puna rin ng mga tutot sa panukala,
09:03tahimik ito sa usapin ng party list representatives.
09:05Pero ayon sa sponsor ng panukala,
09:08hindi intensyon ng batas na resolvahin
09:09ang lahat ng problema sa electoral process ng bansa.
09:12Magiging katuang lang daw ito
09:14para sa iba pang reforma na kailangan nilang gawin.
09:16Kaya nga po, ang desisyon po ng committee
09:19ay magkaroon ng separate na discussion
09:22sa party list reform act.
09:25Doon po natin mapag-uusapan
09:26yung gusto natin introduce ng mga measures
09:29na hindi ma-expose yung mga party list natin
09:33sa possible, accordingly,
09:35possible nominees belonging to one party
09:40serving in Congress simultaneously.
09:44Bagamat pasado na sa Kamara,
09:45nasa proseso pa ng debate
09:47ang counterpart bill nito sa Senado
09:49na mas mahigpit ang mga provision
09:50kumpara sa ipinasa kanina.
09:52Oras na maipasa ito ng Senado,
09:54tsaka lang ito pag-uusapan
09:55sa Bicameral Accountants Committee
09:57bago dalin sa Malacanang
09:58para mapirmahan bilang isang batas.
10:01Ako, si Rafi Tima, ang inyong saksi.
10:04Pinag community service ng Kamara
10:07si Quezon City 4th District Representative
10:09Bong Suntay.
10:10Dahil po yan sa kanyang kontrobersyaw na payag
10:12patungkol kay Ann Curtis
10:14sa isang pagdinig noong Marso.
10:16Maggi dalawandaang kongresista
10:18ang pumabol sa rekomendasyon
10:20ng House Ethics Committee
10:21na patawan ng disciplinary sanctions si Suntay.
10:24Inutusan din si Suntay
10:26na mag-issue ng public televised apology
10:28sa aktres.
10:30Pinasasailalim din sa isang
10:31gender sensitivity seminar
10:34ang kongresista.
10:36Wala pang pahayag si Suntay.
10:40Inaayosan ng Komolek
10:41ang special election sa Agosto
10:42para punan na ang naiwang posisyon
10:44na napatalsik na si dating
10:46Cavite 4th District Representative
10:47Kiko Barzaga.
10:49Saksi si Rafi Tima.
11:01Nagkatotoo ang binanggit na yan
11:02ni Cavite 4th District Representative
11:04Kiko Barzaga
11:04bago pa ang sesyon ng Kamara kahapon.
11:07Sa mismong sesyon,
11:08tahimik siya habang binabasa sa plenario
11:10ang desisyon ng House Ethics Committee
11:11na tuluyang nagpapatalsik sa kanya.
11:14Ayon sa desisyon,
11:15tila hindi naging efektibo
11:16ang naunang dalawang 60-day suspension
11:18kay Barzaga
11:19dahil hindi pa rin daw siya nagbabago.
11:21Tuloyan nila ang pag-post ni Barzaga
11:23na mga wala umanong basihang aposasyon.
11:25Makailang ulit din umano itong nanggulo
11:27at nag-livestream
11:28habang nakasesyon ng plenario.
11:30Lahat yan ay mga paglabagumanos,
11:32House Rules
11:32at tamang dekorum
11:33o pag-uugali ng isang public official.
11:36Another penalty of suspension
11:37will not likely deter
11:39the improper behavior.
11:41The committee approves to recommend
11:42the imposition of the most severe penalty
11:44of expulsion from office
11:46upon Representative Kiko Barzaga.
11:48Tila nakasuporta naman sa kanya
11:50si Batangas 1st District Representative
11:52Leandro Liviste
11:53at sa G-Party List Representative
11:54Paolo Marcoleta.
11:56Pero gate ng Chairman
11:57ng House Ethics Committee,
11:58kakaiba ang kaso ni Barzaga.
12:00Sa huli,
12:01lagpas sa 3-4th
12:01na required na bilang
12:02ng mga kongresista
12:03ang bumoto
12:04para mapatalsik
12:05ang kanilang kapwa kongresista.
12:06With 265 members voting
12:09in the affirmative,
12:1014 in the negative
12:11and 8 abstentions,
12:13Representative Barzaga
12:15is hereby notified
12:16of the action taken by the House
12:17on Committee Report No. 298.
12:20Sabi naman ni Vice President
12:22Sara Duterte
12:22sa kanyang open letter
12:23para kay Barzaga
12:24o kailangan niya
12:25kung iba si Barzaga
12:26basta totoo
12:27sa kanyang sarili
12:28at mga pinaniniwalaan.
12:30Napag-usapan naman
12:31sa Comelect and Bank session
12:32ang pagsasagawa
12:33ng special elections
12:34para sa magiging kapalit ni Barzaga
12:36sa August 22 o 29.
12:38Tayo may binigyan lamang
12:39ng ating saliliopatas
12:41na hindi po maaga
12:42ng 60 araw
12:44at hindi po lalampas
12:45ng 60 araw
12:46makatapos ang pagkaroon
12:48ng pagpakante
12:49dyan sa mababang kapulungan.
12:51Ayon sa Comelect,
12:52aabot ng hanggang
12:53200 milyong piso
12:54ang kanilang gagasusin
12:55para sa special elections
12:57sa nag-iisang distrito
12:58ng Dasmarinas, Cavite.
13:00Halos kalahating milyon daw
13:01kasi ang butante rito
13:02kaya may kamahalan
13:04para mapalitan
13:05ang pinatalsik
13:06na kongresista.
13:07Ako si Rafi Tima
13:08ang inyong
13:09Saksi!
13:15Nag-taping na
13:16si PBB Celebrity
13:17Collab Edition 2.0
13:19kapuso big winner
13:21Caprice Cayetano
13:22para sa pagbibidahang seri na
13:24You're My Favorite Song.
13:26Gaganap si Caprice
13:28bilang math
13:28at science genes
13:29na si Angel.
13:30Kakaibang Caprice
13:32raw
13:32ang mapapanood dito
13:34dahil ilalabas niya
13:35ang kaastigan
13:36ng kanyang role.
13:38Tatalakay din sa serye
13:40ang iba-ibang issue
13:41na kinakaharap
13:42ng mga pamilyang Pilipino.
13:43Sa unang araw
13:44ng taping
13:45nakasama na ni Caprice
13:46ang co-stars
13:46na sina Buboy Garavillo,
13:48Katya Santos
13:50at Hazel Kinochi.
Comments

Recommended