00:00Iniurong sa Webes ang pagbasa ng sakdal kina Sen. Jingoy Estrada,
00:04dating Public Works Secretary Manuel Bonoan at ibang akusado sa kasong graft.
00:10Hiniling din ni Estrada na huwag na siyang posasan at pagdamitin ng pagpreso tulad kanina.
00:16Nakatutok si Joseph Moro.
00:22Hindi tulad kahapon nang bitbitin siya ng mga umarestong tauhan ng pulisya.
00:28Nakaposes na nang dalhin kanina sa Sandigan Bayan si Sen. Jingoy Estrada.
00:33Suot na rin niya ang uniforme may tatak na PDL o Person Deprived of Liberty
00:38nang iharap siya sa 2nd Division ng Antigraft Court.
00:41Narito muli siya para basahan sana ng sakdal para sa P213M graft case
00:47na hiwalay pa sa kasong plunder na hawak ng 5th Division.
00:52Ngayon din hiniling ng kampo ni Estrada na kung maaari raw
00:55ay huwag na siyang posasan at pasuotin ang uniforme ng BJMP.
01:00Pinagkokomento muna ng korte ang ombudsman bago sila magdesisyon dito.
01:05Naka-wheelchair namang dumating ang kanyang kapwa akusado sa graft
01:09na si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan.
01:12Mula sa blood pressure na 160 over 100,
01:16bahagya itong bumaba sa ikalawang reading bago magsimula ang pagdinig.
01:20Habang kinukunan ang presyon si Bonoan ay biniro siya ni Estrada
01:24na tataas daw ang presyon ng dating kalihim kung makikita nito
01:28si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
01:32Base sa information sheet na nakuha ng GMA News para sa kasong graft,
01:37laban kay Sen. Estrada na kasad doon na mismo si Sen. Estrada Rao
01:41ang humingi ng mga DPWH projects sa Bulacan.
01:45May hiningi umanong lampas 300 million pesos na halaga ng mga proyekto si Estrada
01:51sa 1st District ng Bulacan at kalahating bilyong piso mula sa iba pang lugar sa probinsya.
01:56At tumanggap siya ng 25% na kickback o komisyon
02:00na nagkakahalaga ang 213,750,000 pesos.
02:06Ang kaso na yan ang hiniling ng kampo ni Estrada na ibasura ng 2nd Division
02:11pero nakabimbin pa rin ito sa korte.
02:13Hindi pa nakakarating sa ombudsman ang mosyon
02:16kaya humingi pa ng panahon ng ombudsman para sagutin ito.
02:19Dahil dito, nireschedule na lamang ang pagsasakdal ni Estrada at Bunuan sa June 4.
02:25Ayon sa kanyang abogadong si Atty. Noel Austria,
02:28hihiling ang Senador kung maaari siyang dumalo sa arraignment
02:31sa pamamagitan ng video conferencing
02:33sa halip na pisikal na pumunta sa Sandigan Bayan
02:36na makakapekto sa pagdalo niya sa mga sesyon sa Senado.
02:39Dila paghahanda kung sakaling magkaroon ng bagong rule sa Senado
02:43na pwedeng dumalo sa mga pagdinig ang mga nakaditin ng Senador.
02:48Ayon kay Sandigan Bayan presiding justice
02:51at 2nd Division Chairperson Geraldine Econ
02:53pwede ang video conferencing sa mga proseso ng korte
02:57pero hindi raw nila pwedeng diktahan ang Senado
03:00na payagan ang video conferencing.
03:03Tumangging magbigay ng pahayag si Estrada tungkol sa kaso,
03:06hindi rin niya pinangalanan ang mga umunay na mimilit sa kanya
03:09na lumipat sa minorya sa Senado.
03:11Sa halip ay binati niya ang kanyang ina na si Dr. Loy Ejercito
03:14na nagdiriwang ng kaarawan ngayon.
03:17Well, gusto ka lang ba din nanay ko ng happy 96th birthday?
03:21Ayon, yun lang. Happy birthday, ma'am.
03:26Balik New Quezon City Jail si Estrada
03:28dahil dun siya ikinamit ng Sandigan Bayan 5th Division
03:31para sa walang piyansang kaso ng plunder.
03:34Si Bunuan ibinirik muna sa PNP General Hospital
03:37pagkatapos maghain ang kanyang kampo ng mosyon
03:40para sa hospital arrest dahil sa nararamdaman nito.
03:44Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras.
03:51Sampai jumpa.
Comments