00:00Thank you very much.
00:30Mga araw ang House Prosecution Team para sagutin ang vicepresidente.
00:33May unang balita, si Jonathan Andal.
00:39Limang maleta ang dalal sa Senado ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte.
00:44Laman ang mga kopya ng kanyang sagot sa Articles of Impeachment.
00:48Hiling nila sa Senado ibasura ang impeachment complaint laban sa vice.
00:52Ang gusto natin ay sana madismiss itong Articles of Impeachment.
00:57Our answers being filed without prejudice doon sa aming Supreme Court petition.
01:02Punto por punto sinagot ng vice ang mga aligasyon sa kanya at kunensyon ang proseso na ginawa ng Justice Committee.
01:08Nag-trial daw ang House Justice Committee kahit ang Senado lang dapat ang pwedeng gumawa nito.
01:13Predetermined o alam na raw agad ang resulta ng hearings ng Justice Committee noon
01:16dahil bago pa ito natapos, may mga miyembro raw itong nagsabi na agad na may sapat ng boto para ma
01:22-impeach ang vice.
01:23Labag din daw sa rules ng fair play ang pagpasok ng mga anilay bagong ebidensya sa hearing na wala naman
01:29sa original na impeachment complaint.
01:31Kinwestiyon din nila kung bakit sinasama sa impeachment complaint ang mga nagawa ni Duterte bago pa ito maging vicepresidente.
01:37Sa issue naman ng confidential funds, gate ng depensa, wala raw patunay na hindi niya ito ginamit ng tama.
01:43Sa sala, hindi raw naipakita ng articles of impeachment na may nakaw o tagong yaman.
01:48Sa akusasyon naman ng political destabilization, sedition at pagbabanta, gate ng depensa,
01:53taken out of context sa mga pahayag ng ginawang basihan ng reklamo.
01:57Wala rin daw sa mga aligasyon ang makapagpapatunay na may ginawa ang base na culpable violations of the Constitution,
02:03bribery, graft and corruption, high crimes at betrayal of public trust.
02:08Sabi ng depensa, tinutukan mismo ni VP Sara ang sagot na ipinasa sa Senado.
02:13Kung ano man ang isusulat namin doon, dapat talaga ay nanggagaling sa vicepresidente,
02:18lalong-lalo na, diba, na pinasa talaga niya yung aming answer.
02:23At as yung nagpapatunay na lahat ng nakasulat doon ay nakasaad ng mga depensa para sa kanya.
02:27Okay naman po siya, business as usual lang po parati ang ating vicepresidente.
02:31But ito lang po yung trabaho niya.
02:33Handa na rin daw ang vice sa paglilitis sa kanya. Kung kinakailangan daw, haharap ito sa korte.
02:38Parati siya nasabi kailan haharap si VP. But I think we have to contextualize yung paghaharap.
02:43The fact that we filed an answer now, kung nga harap na ni VP itong mga paratang laban sa kanya.
02:50Pagkatapos nito, may limang calendar days naman ang mga kongresista sa prosecution team
02:54kung gusto nilang sumagot sa mga inilatag ng depensa.
02:57At sa July 6, magsisimula na ang paglilitis kay Vice President Duterte.
03:03Para sa unang balita, Jonathan Andal, GMA News.
Comments