- 3 weeks ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- 2 rider, nagkarera nang walang helmet sa ginagawang runway ng airport
- 9 na poste, nagtumbahan sa kalsada sa Obando, Bulacan
- Sen. Jinggoy Estrada, nasa New Quezon City Jail matapos ipaaresto sa kasong Plunder at Graft
- Bahay sa Victorias City, Negros Occidental, nilamon ng apoy
- Sanggol na nakasilid sa plastic at sako, nakita sa silid ng babaeng nag-alaga umano sa kanya
- Sanggol, kanyang ina at kaanak, nagkalapnos nang tamaan ng kidlat
- Sen. Estrada, 'di hihiling ng Senate custody at handang ipagtanggol ang sarili sa hukuman
- Sen. JV Ejercito Estrada, ikinalulungkot ang nangyari sa kapatid
- Heavy rainfall advisory
- Sagot ni VP Duterte sa bawat Articles of Impeachment, isinumite na sa Senado
- Kasambahay, nagnakaw ng mga cellphone at pitaka sa unang araw sa trabaho
- Umalmang orange na gustong maging si "Sharmaine", kinilala at tinanggap ng netizens
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- 9 na poste, nagtumbahan sa kalsada sa Obando, Bulacan
- Sen. Jinggoy Estrada, nasa New Quezon City Jail matapos ipaaresto sa kasong Plunder at Graft
- Bahay sa Victorias City, Negros Occidental, nilamon ng apoy
- Sanggol na nakasilid sa plastic at sako, nakita sa silid ng babaeng nag-alaga umano sa kanya
- Sanggol, kanyang ina at kaanak, nagkalapnos nang tamaan ng kidlat
- Sen. Estrada, 'di hihiling ng Senate custody at handang ipagtanggol ang sarili sa hukuman
- Sen. JV Ejercito Estrada, ikinalulungkot ang nangyari sa kapatid
- Heavy rainfall advisory
- Sagot ni VP Duterte sa bawat Articles of Impeachment, isinumite na sa Senado
- Kasambahay, nagnakaw ng mga cellphone at pitaka sa unang araw sa trabaho
- Umalmang orange na gustong maging si "Sharmaine", kinilala at tinanggap ng netizens
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:03State of the Nation
00:13Hindi aeroplano kundi mga motorsiklo ang humarurot sa ginagawang runway ng domestic airport sa Kabangkalan City, Negros Occidental.
00:22Mala superman na nag-exhibition ng dalawang nagkakarerang rider.
00:27Wala rin silang suot na helmet.
00:28Nag-iimbisaga na ang LTO at hinahanap ang dalawang rider na anilay maaring maharap sa reklam.
00:38Nagtumbahang parang mga domino ang siyam na posteng gumambalang sa JP Rizal Street, Ubando, Bulacan.
00:44Katubigan ang tinatawiran ng kalsada.
00:47Ayon sa LGU at Meralco, pinatumba ng malakas na hangin at tulan ang mga poste.
00:52Sa tindi ng pagbagsak, nabali sa gitna ang isa sa mga poste.
00:56Nasira rin ang bahagi ng kalsada kung saan itinirik ang mga ito.
01:00Nag-abiso na ang LGU na sarado sa trapiko ang kalsada at bawalapitan ang mga poste at kawat.
01:08Habang isinasagawa ang pagkukumpuni at pag-aayos ng mga poste, pansamantalang nawala ng kuryente sa ilang lugar.
01:14Ayon sa Meralco, mahigit tatlong daang customer nila ang apektado ng power outage.
01:20Wala namang ulat ng nasaktan.
01:22Sinisikap daw ngayon ng Meralco na magkumpuni ang mga poste at may balik ang kuryente sa lalong madaling panahon.
01:32Sa ikatlong pagkakataon, balik-kulungan si Sen. Gingoy Estrada dahil sa okusasyon ng plunder o pandarambong
01:39mula sa umano'y pagkubra niya sa mga manumalyang flood control project.
01:44Mula sa Quezon City, may live report si Katrina Son.
01:47Katrina?
01:50Atom, nandito na sa New Quezon City Jail Mill Dormitory dito sa Payatas sa Quezon City, si Sen. Gingoy Estrada.
02:01Buong araw na naging mahigpit ang siguridad sa labas ng New Quezon City Jail Mill Dormitory.
02:07Bago ang pagdala rito kay Sen. Gingoy at iba pang mga akusado ng plunder,
02:12kaugnay sa pagbulsa umano ng mahigit kalahating bilyong pisong kickback sa mga flood control project ng DPWH.
02:20Agad na pinalibutan ng mga armadong bantay ang jail facility.
02:25Dumating ang ilang sasakyan ng pulisya kabilang ang mobil ng CIDG.
02:29Kaninang 8.07 ng gabi, sunod-sunod na nagdatingan ang konvoy kung saan pinaniniwala ang sakay si Sen. Estrada.
02:36Naunang dumating ang 2 HPG Escorts, sinundan nito ng isang coaster ng PNP kung saan nakasakay ang mga pulisya escort.
02:44Dalawang gray na van naman ng Sandigan Bayan ang sumunod na sinundan ng isang itim na SUV at isang puting
02:51SUV.
02:52Agad pinapasok sa loob ng pangalawang gate, papasok ng New Quezon City Jail Mill Dormitory ang apat na sasakyan.
02:59Naiwan sa labas ng pangalawang gate ang puting SUV.
03:038.25 ng gabi, umari sa mga sasakyang pinaniniwalaang naghatid sa Senador.
03:09At yan ang muna ang latest mula rito. Atom?
03:13Maraming salamat, Katrina Son.
03:15Nilamon ang nagnangalit na apoy ang isang bahay sa Victoria City, Negros Occidental.
03:27Nagkagulo ang mga residente.
03:29Ayon sa BFP, nagsimula ang apoy sa isa sa mga kwarto sa ground floor.
03:34Halos atlong milyong piso ang halaga ng pinsala.
03:37Sa Iloilo City, tatlong bahay sa Haru District ang natupo.
03:41Labing walong residente ang naapektuhan.
03:43Damay rin sa sunog ang ilang negosyo.
03:46Inaalam pa ang dahilan ng magkahiwalay na sunog.
03:51Sensitibong balita po.
03:52Isang patay na sanggol na nakaplastik at isinako ang nakita sa silid ng babaeng nagaalaga umano sa kanya.
03:59Ang naarestong sospek, nagdawid pa ng ibang bata sa pagkamatay ng sanggol.
04:04May exclusive report si Katrina Son.
04:09Sa isang silid ng bahay na ito sa baragay Pasong Putik, proper Quezon City,
04:15nakita kahapon ang isang sako kung saan nakasilid ang isang duguan at wala ng buhay na 11-month-old baby
04:22girl.
04:23Sa bahay nakatira ang babaeng ayon sa polisya,
04:26ay nagsumbong sa kanila na inagaw raw sa kanya ang sanggol ng dalawang lalaki noong gabi ng biyernes, May 29.
04:33Sinabi nitong ama ng sanggol ang isa sa mga umagaw.
04:37Ayon sa kanyang kwento is kukunin niya yung kanyang anak na kasi ayaw ipakita ng nanay.
04:47Tapos kinuha, inilagay sa balikat, pinalukbuhan ng jacket na itim, then umalis sila.
04:57Sinuri ng mga otoridad na makuha ng CCTV sa lugar.
05:01Pero wala silang nakitang dalawang lalaking lumabas mula sa tinutuluyang bahay ng babae at ng bata.
05:09Nag-backtrack sila dahil baka na malilang sa petsa ang babae.
05:13Pero wala pa rin silang nakita.
05:16Nakausap ng mga polis ang nanay ng sanggol na nasa ibang bansa.
05:20Anya, asawa ng kanyang pinsang lalaki ang nag-aalaga sa kanyang anak.
05:25At nasa probinsya ang ama nito.
05:27Dito na, nagduda ang mga otoridad.
05:30Bumalik sila sa bahay ng babae para magsagawa ng re-enactment.
05:34Pero di sila pinagbuksan.
05:36Kung nung binis nyo, pakibukas.
05:38Nung pagbukas is may amoy na.
05:43May naamoy na kami.
05:44Tanggang sa tinanong namin sa kanya,
05:47wala ka bang naamoy.
05:49Napaiyak.
05:50Sabi niya, andun sa taas yung bata.
05:54Ayon sa polis siya, doon umamin ang babae.
05:57Patay na ang sanggol na alaga niya.
05:59At itinuro rin kung saan niya itinago ang katawan.
06:02Pagdating sa taas, andun yung parang sakubag.
06:07Na, kung is, may nakadapo na nalangaw.
06:12With that, confirm na yun.
06:15Ayon sa babaeng sospek,
06:17ang sanggol ay lagi raw inuuntog ng batang kapatid nito.
06:22Noong gabi ng May 29,
06:24nakita raw niya muling inuntog ng bata ang sanggol.
06:27Binuhat niya ang bata,
06:29ngunit nangingisay na raw,
06:30hanggang nabitawan ang bata at nahulog.
06:33Sino naguntog?
06:34Yung bata una.
06:35Ah, sino?
06:36Iganyan niya.
06:37Tapos, iganyan ko.
06:39Nabulyan ko na hindi ko nawakan.
06:41Kasi nitikirik na.
06:43Sa karaw niya ibinalot sa plastik at isinilid sa sako ang sanggol.
06:48Naharap ang sospek sa reklamong murder at perjury.
06:52Katrinason, Gemay News.
06:56Tatlong magkakaanak ang nakidlatan habang nasa laot sa Masbates City.
07:00Ang isa sa mga biktima, sanggol, na lalaplos ang balat.
07:04Sugatan din ang kanyang ina,
07:06gayon din ang isang lalaking kaanak nila.
07:08Pare-pareho silang nagtamuan ng first degree burn
07:10at inoobserbahan pa sa ospital.
07:13Kwento ng isa nilang kaanak,
07:15pauwi at malapit na sa Tabungan Port ang tatlo
07:18nang sumama ang panahon.
07:20Nasa pool ng kidlatang hawak na payong ng babaeng biktima
07:23habang karga ang anak na walong buwang gulang.
07:29Bago maaresto si Sen. Jingo Estrada,
07:32nagkasagutan muna
07:33si na Interior Secretary John Vic Rimulla
07:35at Senate President Alan Peter Cayetano.
07:37Naka-hospital arrest naman ng kapwa-akusado ni Estrada
07:41na si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
07:44matapos tumaasang presyon.
07:46May report si Ian Cruz.
07:50Hindi ako matitinag sa anumang pangigipit, pananakot,
07:56political maneuvering para talikuran ang aking paninindigan.
08:14Sa pagharap ni Sen. Jingo Estrada sa media,
08:17bago ang pag-aresto sa kanya ng mautoridad,
08:19muli siyang nanindigang inosente siya.
08:22Paano ba masasabing nagpasok siya ng pondo
08:25para sa maanumalyang flood control projects?
08:27Gayong wala namang may pakitang dokumento
08:30ang Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office
08:34na nag-singit siya sa 2025 national budget.
08:38Wala po akong kinalaman dyan.
08:42Ngayon ko lang po isa sa publiko ito.
08:46Maraming beses po kayo nalok na talikuran
08:49ang Independent Majority Block
08:52kapalit ang pagbabasura sa aking kaso.
08:56Ngunit, hindi ko po ito tinanggap.
09:00Mas nanaig ang paninindigan ko
09:06na ako'y manatili sa hanay ng mga kasamahan ko
09:10sa Independent Majority Block.
09:14I stand my ground.
09:16Habang nililinis daw ni Estrada ang kanyang pangalan,
09:19hindi siya tatanggap ng sweldo bilang senador.
09:22I will not seek Senate custody.
09:25Nakahanda akong ipagtanggol
09:27ang aking sarili sa hukuman
09:29at hindi ako magtatago
09:31sa likod ng institusiyong ito
09:34upang umiwas sa proseso.
09:37Dumating sa Senado
09:38si na Interior Secretary John Vic Rimulia
09:40at mga taga PNPCI DG
09:43para isilbi ang arrest warrant ni Estrada.
09:46Pero nagkatensyon si na Rimulia
09:48at Senate President Alan Peter Cayetano
09:50batay sa videong ito
09:52na binigay sa GMA News.
09:54The institution is not about the end.
09:57Ang punto ni Cayetano
10:00sa labas ng Senado
10:01arresto si Estrada
10:02pero hindi pumayag si Rimulia
10:04kaya natuloy na binasahan
10:06ng Miranda Wright si Estrada.
10:07We arrested him
10:09I went there personally
10:10together with the CIDG
10:12binasahan ko siya
10:13ng Miranda Wrights niya
10:14kasama kanyang abogado
10:16naiintindihan niya
10:17tinanong sa kanya
10:18kung naiintindi na niya
10:19kung anong
10:21ang
10:23charges laban sa kanya
10:24sabi niya
10:25naiintindihan niya.
10:26Pag-amin ni Rimulia
10:29nagkataasan nga sila
10:30ng boses ni Cayetano.
10:31The question was whether
10:33yung separation of
10:36the executive and the judiciary
10:38and the legislative
10:39ang sabi ko sa kanya
10:41in a not very calm voice
10:43kasi umakit na
10:44Sir, I'm sorry
10:46you lost that privilege
10:47when Bato escaped.
10:49Tama na.
10:50There's no more hiding
10:51behind the curtains of the Senate.
10:53Ipinaliwanag din ni Rimulia
10:55na walang batas na nagbabawal
10:57sa pag-aresto sa isang senador
10:59kung may kinakaharap itong kaso
11:01maliban kung nasa sesyon
11:02ang Senado.
11:04Tanging courtesy lang daw
11:05itong ibinibigay
11:06ng mga sangay ng pamahalaan.
11:10Kalaunan,
11:11maayos na sumama si Estrada
11:13patungo sa tanggapan
11:14ng PNPC-IDG
11:15para sumailalim
11:17sa booking process.
11:18He started with the fingerprint
11:20then he went through
11:22the mugshot
11:22then he went through
11:24the medical clearance.
11:28Sumama si Cayetano sa krame
11:29para raw damayan
11:31si Estrada.
11:32Mayos naman daw
11:33ang pag-uusap
11:34pero ang anak daw
11:35ni Estrada
11:36galit sa kanya.
11:38She gave me the dirty finger
11:39and cursed at me.
11:40I said it's okay.
11:41I understand you're emotional.
11:44Nagpahayag din ang suporta
11:45kay Estrada
11:45ang ilang majority senators.
11:48May God bless
11:49the preaching of the way
11:50and his family.
11:52Nasa tabi rin ni Estrada
11:54sina Senador Rodante Marcoleta
11:55at Senadora Aimee Marcos
11:57bago ito mag-press con.
12:014.18 ng hapon
12:02ang makarating si Estrada
12:03sa krame.
12:06Pasado alas 5 ng hapon
12:07inihatid si Estrada
12:09sa Sandigan Bayan.
12:11Mag-alas 6 ng gabi
12:12prinoceso siya
12:14sa courtroom
12:14ng 5th Division
12:15ang nag-issue
12:16ng warn-up arrest
12:17sa kanya
12:18para sa kasong
12:19plunder at graft.
12:21Kognize sa umunay
12:22pagtanggap
12:23ng mahigit
12:23kalahating bilyong
12:24pisong kickback
12:25mula sa flood control
12:27projects
12:27ng DPWH.
12:29Di tulad ng graft,
12:31non-bailable
12:31o walang piyansa
12:33ang plunder.
12:35Bandang alas 3 ng hapon,
12:37nagtungo rin sa
12:37PNPC IDG
12:39ang co-accused
12:40ni Estrada
12:40na si dating DPWH
12:42Sekretary Manuel Bonoan
12:43at sumailalim
12:44sa booking procedure.
12:46Pero imbeso
12:47sa Sandigan Bayan
12:48gaya ng iba,
12:48dinala siya
12:49sa PNP Hospital
12:50dahil sa alta presyon.
13:07Sumuko na rin
13:09si Assistant District Engineer
13:10Denril Cesar Sanchez Cortuna.
13:13Naisyohan na rin
13:15ng warrant of arrest
13:15sina District Engineer
13:17Manny Bumagat Bulusan
13:19at Arturo Lombres Gonzalez Jr.
13:23Ian Cruz, GMA News.
13:27Ikinalulungkot daw
13:28ni Sen. J.V. Ejercito Estrada
13:30ang nangyari sa kapatid
13:32at kasamahang
13:32si Sen. Jingoy Estrada.
13:34Pero anya,
13:35bilang lingkod bayan,
13:36dapat hayaang umiral
13:37ang batas
13:38at lumabas
13:39ang katotohanan.
13:40Mahirap daw timbangin
13:42pero may pananagutan din daw siya
13:43sa taong bayan.
13:49Pinalahin ko na
13:49magkaroon siya
13:50ng
13:51lakas sa loob
13:52na harapin itong
13:53mga akusasyon sa kanya.
13:54Kaya lang,
13:55sa huli,
13:56siyempre,
13:56kailangan manahig
13:57ang katotohanan
13:58tsaka yung gustisya.
13:59Kaya yung talagang ano eh.
14:01Siyempre,
14:02bilang
14:03kapatid,
14:05nalulungkot din daw
14:05at kasama,
14:06nalulungkot ako
14:07para sa kanya,
14:07sa kanyang pamilya.
14:08Kaya lang,
14:09as a public servant,
14:12kailangan hayaan natin
14:13na umusad ang batas.
14:16Bago ngayong gabi,
14:18naglabas ng weather rainfall
14:19ang pag-asa.
14:20As of 11pm,
14:22posibleng makaranas
14:23ng heavy rainfall
14:24ang ilang bahagi ng Bataan,
14:26Cavite,
14:26Zambales,
14:28Batangas
14:28at Occidental Mindoro.
14:30Epekto po yan
14:31ng Southwest Monsoon
14:32o Habagat.
14:44Umabot sa deadline ngayong araw
14:46ang pagtugon ni Vice President
14:47Sara Duterte
14:48sa kinakaharap niyang
14:49reklabong impeachment.
14:51Nakalagay sa limang maleta
14:52ang mga kopya ng sagot
14:54ng BISE
14:54sa bawat article of impeachment.
14:56Iisa ang hiling ng kampo
14:58ng BISE,
14:59ibasura ang impeachment complaint.
15:01Magamat handa rin daw
15:02ang BISE na humarap
15:03sa pagliliti sa kanya
15:04na nakatakda sa July 6.
15:06May limang calendar days
15:08naman ang mga kongresista
15:09sa prosecution team
15:10kung gusto nilang sumagot
15:12sa mga inilatag
15:13ng depensa.
15:20Unang araw palang
15:21bilang kasambahay
15:22ng babaeng yan
15:23pero ang tila
15:24pag-aayos lang ng gamit
15:25pag nanakaw na pala
15:27ang ginagawa.
15:28Pagkakakyat
15:29ng batang alaga
15:30matapos utusang
15:31pumanyik.
15:32Dinampot ng babae
15:34ang mga cellphone
15:34at ilang gamit.
15:36Saka siya dahan-dahang
15:37lumaba sa gate
15:38at umalis.
15:39Nang lumaba sa banyo
15:40ang amo
15:41agad niyang napansin
15:42na nawawala na
15:43ang kanyang dalawang
15:44cellphone at pitaka.
15:45Aabot daw sa mahigit
15:47isang daang libong piso
15:48ang halaga
15:49ng mga ninakaw.
15:50Isinumbong na
15:51sa Pasig City Police
15:52ang insidente.
15:53Tinutugis na ang suspect
15:55na nagpakilalang
15:56Jean Ann Castro.
15:58Lumalabas na marami na palang
16:00na biktima
16:01ang babae
16:02gamit ang ibang pangalan.
16:10Natanggap niyo ba ang memo?
16:12Iba na pala
16:12ang pangalan ng Orange.
16:14Siya na ngayon
16:14si Charmaine.
16:16Pati langaw
16:17at avokado
16:18may name change
16:19na rin daw
16:20na kailangang
16:21ipanotaryo.
16:22Ang mga viral
16:23na pandan na yan
16:23pusuhan sa report
16:24kay Darlene Kai.
16:29Bright at zesty.
16:31It's Charmaine.
16:33Charmaine?
16:34Siyang tunay.
16:36Charmaine yan.
16:37Isa pa nga na ni?
16:39Ano sa?
16:41Charmaine.
16:42Para sa mga
16:43naki-online lang,
16:44binago na pala
16:45ang pangalan
16:46matapos ang juicy
16:47chickahan sa prutasan.
16:49Naiinis naman ako,
16:50te,
16:50kasi parang hindi naman
16:51ako pinag-isipan.
16:52Ay, oo.
16:53Pero parang obvious
16:53naman kasi sa akin,
16:54te, Orange,
16:55walang naman ibang pangalan.
16:56Nakakalopa naman.
16:57May point ka, John.
16:58O, ano ba sana talaga
16:58ang gusto mong pangalan?
16:59Ay, ang gusto ko sana
17:00ang pangalan ay Charmaine.
17:01Ay, ang ganda,
17:02no, no.
17:03Ay, naman pala,
17:04nagtampo ang Orange nyo.
17:05O, naparan pa nga
17:07sa mangga.
17:08Umango ka, diba?
17:09Pero dilaw ka naman.
17:10Ay, oo.
17:11Kuhang-kuha niya
17:12ang simpatya
17:13ng madla
17:14at agad bumenta.
17:16Si Bayet
17:17ang content creator
17:18na nakaisip niya.
17:19Laman ang mga video niya
17:20ang takikialam
17:21sa mga bagay
17:22na may kabuluhan
17:23pero para bang
17:23kailangan ulit
17:24pag-isipan.
17:26Tulad na lang nitong
17:27ginawa kay Charmaine
17:28na nagka-identity crisis
17:29na nga,
17:30may legal problem pa.
17:32O, dinagali ako sa PSA.
17:33Ay, pumila ka doon.
17:34Oo, pumila ako doon.
17:36O, tapos, ano nangyari?
17:37Ay, mo naman malaman
17:37kung kailangan pala
17:38ng abogado niya.
17:39Ay, hala.
17:40Hanggang sa nakahanap siya
17:42ng karamay
17:42at ng kakampi.
17:43Ay, yun na nga.
17:44Para walang naman pala tayo
17:45ng problema.
17:46Ayoko lang ganitong pangalan.
17:47Parang hindi pinag-isipan.
17:48O, katulad niya,
17:49pinagamalam mo akong abogado.
17:51Ay, abogado naman baga.
17:52O, yung gusto ko sana
17:53talagang pangalan ay Melanie.
17:54Pero,
17:55may nahanap rin siyang
17:57kakumpitensya
17:57at naunahan
17:58sa pagpapalit ng pangalan,
18:00si Vanessa.
18:01Ang totoo kong pangalan
18:02ay Fly.
18:03Ay, o, o, o.
18:03Di ba, napaka-obvious.
18:04May pakpak naman talaga ako.
18:06Ika-obvious.
18:06Nauna pa siya sa akin
18:07nagpa-notaryo.
18:08Hindi na magandang biro yan.
18:09Ako nakaisip.
18:10Nakikinig pala yan.
18:11Kaya kahit on process
18:12pa sa notaryo
18:13ang pangalan,
18:14nagkaroon agad
18:15ng netizens movement.
18:17Sila na ang nagkusa
18:18para Orange
18:19ay maging Charmaine na.
18:22Darlene Kai,
18:23GMA News.
18:25At yan ang mga balitang
18:27dapat niyong malaman.
18:28Ito ang GMA News.
18:29Walang kinikilingan,
18:30walang pinoprotektahan.
18:32Noon at ngayon,
18:33serbisyong totoo.
18:34Ako po si Atom Raulio
18:35at ito ang
18:36State of the Nation.
Comments