00:00Mga kapuso, anumang oras ay posibleng lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Domeng.
00:06Gayunman, sabi ng pag-asa, naramdaman pa rin ang epekto ng bagyo sa ilang lugar sa Northern Luzon.
00:11Sa Baguio City, malakas na ulan ang naranasan kahapon.
00:15Kaya inalerto ng mga taga City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga residente na mag-ingat.
00:22Naramdaman din yan sa Dumalneg, Ilocos Norte.
00:26Sa bayan naman ng banggi, halos 30 minuto ang itinagal ng ulan na nakaapekto sa ilang establishmento.
Comments