00:00Sumiklab ang sunog sa Baseco Compound sa Manila kanina magtatanghaling.
00:04Isang bata po ang nasawi.
00:06Mahigit limampung pamilyang nawala ng tirahan.
00:09Nakatutok si Darlene Kahn.
00:14Sumiklab ang sunog sa Gasangan, Baseco Compound sa Port Area, Manila,
00:18pasado alas 11 ng umaga kanina.
00:20Nasa labas si Bing nang magkasunog kaya walang naisalbang gamit.
00:24Ikalawang beses na itong sunog sa kanilang lugar sa loob ng siyam na taon.
00:33Ang kapitbahay niyang si Norma, nakatingin na lang sa kanilang bahay na natupok.
00:39Inuna nilang ilabas ang kaanak na may sakit kaya wala siyang nakuhang gamit.
00:43Doon na sa taas yung sunog. Ang laki-laki na natakot na akong pamasok sa bahay.
00:48Lumabas na lang ako. Nataranta na ako. Hindi ko na nakuha lahat ng mga importante.
00:52Bumalik na na ako dito sa tindahan.
00:55Wala akong nasalba kahit isa.
00:57Wala pang sampung minuto, itinaas ang Bureau of Fire Protection Manila sa ikatlong alarma ang sunog dahil sa bilis ng
01:03paglaki nito.
01:04Dahil po doon sa ating hangin kanina, pabago-bago po yung ship ng hangin.
01:09So, imbis na papunta lang sa likod, bigla siyang nag-ship sa kanan.
01:13Sabi ng BFP, pinalala ng init ng panahon ng bilis ng paglaki at paggalat ng apoy.
01:19Yung sa init po natin is syempre po madali pong madarang yung ating mga light materials.
01:24And then, sabayan po ng hangin, mabilis po siya.
01:26Kailangan po natin siyang maagapan.
01:29Magkakandak po tayo ng cover exposure na tinatawag.
01:32Tuloy ang naapula ng mga bumberong apoy matapos ang isa't kalahating oras.
01:36Patuloy na iniimbisigahan ang BFP ang sanhinang apoy at kabuang halaga ng pinsala.
01:40Pagkatapos ng sunog, pinutol ng ilang residente ang mga lumaylay na kawad ng kuryente.
01:45Sabi nila, hindi naman raw kasi gagamitin.
01:48Nasawi sa sunog ang alagang aso ni Rogelio.
01:51Hindi na nakalabas.
01:52Kaya, wala tayong magawa.
01:54Wala na lang natira.
01:56Lahat-lahat.
01:57May tindahan ako eh.
01:59Sunog lahat.
02:00Kung may tulong lang ang gobyerno,
02:02yun lang ang ano namin.
02:03Makatayo pa ba kami ulit ng bahay?
02:05Pansamantalang mananatili sa Baseco Evacuation Center
02:08ang mahigit limampung pamilyang nawala ng tirahan.
02:11Darlene Kay, Nakatutok, 24 Oras.
Comments