00:00Nakipag-ugnayan na sa lokal na pamahalaan ng Angeles Pampanga
00:04ang may-ari at contractor ng gusaling gumuho.
00:07Anim na ang kumpirmadong nasawi sa insidente
00:10matapos ma-recover ang isa pang bangkay kanina.
00:13Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:18Sa ilalim ng makapal at mabigat na tipak ng semento at iba pang debris,
00:23natuntun ang isa pang biktima ng pagguho ng gusali
00:26sa barangay Balibago, Angeles Pampanga, bandang alas 9 kagabi.
00:30Meron po silang naaamoy ng panibagong stop operation na naman po
00:35at kailangan nilang pasukan ulit at i-search and rescue po yung biktima.
00:39Pahirapan ang pagkuha sa biktima mula sa patong-patong na debris.
00:43Gumamit ng iba-ibang aparato ang rescue team.
00:46Mag-aalauna kaninang madaling araw,
00:48na-retrieve ang bangkay ng 51-anyos na construction worker.
00:52Ito na ang ika-anim na kumpirmadong namatay sa trahedya.
00:55Ayon sa Angeles City LGU, siya ang ama ng nasawing 26-anyos na construction worker
01:00na nauna nang naiahuan sa bandang entrada ng gumuhong gusali.
01:04Sa huling tala ng mga otoridad, may labing apat pang pinaniniwala ang natabunan ng guho.
01:09Basa yan sa listahan ng forma ng gusali.
01:12Hindi pa kasama sa bilang ang mga iba pang posibling na damay sa disgrasya.
01:15Panawagan ko lang po eh, sana po masagip sila at buhay po sila.
01:19Hindi pa rin po kami nawawalan ng pag-asa kung buhay sila eh, mas maayos.
01:25Ayon sa Angeles LGU, nakipag-ugnayan na sa kanila ang may-ari at contractor ng gumuhong gusali
01:30na Golden Years Construction at Steelworks Corporation.
01:34Galing pa umano sila sa Japan, kaya natagalan bago harapin ang lokal na pamahalaan.
01:39Sa ngayon, nakipag-ugnayan na po sila sa atin at nagpahayag po sila ng suporta
01:45para kung ano man kakailanganin natin, mga dokumento, permits, reports,
01:51o ano man mga kaugnayan dito po sa trahedyang nangyari, makikipagtulungan po sila sa atin.
01:58Nakatakda rin daw humarap sa publiko ang may-ari at contractor ng gumuhong gusali.
02:02Para po ilatag ko po sa inyo ang mga may-ari at mismo ang contractor na naging bahagi po ng
02:11trahedyang ito.
02:12At inaassure ko po ang publiko na magkakaroon ng katarungan at malalaman din po natin ang katotohanan sa trahedyang ito.
02:23Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
02:32Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
Comments