00:00Samantala, nakatakdang bumisita sa bansa sa susunod na linggo
00:04ang Presidente ng Socialist Republic of Vietnam na si Tho Lam
00:09para sa dalawang araw na state visit mula May 31 hanggang June 1.
00:14Ayon sa Presidential Communications Office,
00:17inaasahang mapag-uusapan ni na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:22at Vietnamese President Tho Lam
00:24ang pagpapatatagpa ng kooperasyon ng dalawang bansa.
00:28Target din na higit pang palakasin ang ugnayan
00:31pagdating sa kalakalan, pamumuhunan,
00:35seguridad sa pagkain, depensa, maritime cooperation,
00:39edukasyon, turismo at people-to-people exchanges.
00:43Ang naturang state visit ay kasabay ng
00:46ikalimampung taong anabersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa.
00:51Ang Vietnam ang nag-iisang strategic partner ng Pilipinas
00:55sa Southeast Asia at tahanan ng nasa 7,000 overseas Filipino workers.
Comments