00:00Mga eksperto at kinatawa ng pamahalaan muling nagsama-sama para sa National Summit on Botanic Gardens and Arboretta 2026,
00:09layo ng naturang aktividad na panatarihin ang pangangalaga ng ating kalikasan sa harap ng iba't ibang banta ng climate change.
00:18Yan ang report ni Elijah Canlas.
00:21Sa kabila ng tumitinding init ng panahon at malalakas na bagyong nananalasa sa bansa,
00:27nakikita ng mga eksperto na malaki ang papel ng mga botanic gardens at arboretta para labanan ng mga hamon sa
00:34kalikasan.
00:34Dahil dito, inilunsad ng Ecosystems Research and Development Bureau o ERDB,
00:40ang National Summit on Botanic Gardens and Arboretta 2026 kahapon para pag-usapan ang mga napapanahon
00:47ngunit madalas na naisasantabing diskusyon tungkol sa pangangalaga sa likas na yaman ng bansa.
00:52Ang naturang summit ay isang direktang pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:59para sa isang balanseng pagtanaw sa environmental protection at economic growth.
01:04Layo ng summit na mapagbuklod ang iba't ibang institusyon sa ngala ng pagpapalakas ng kampanya sa isang luntiang kapaligiran.
01:11Gusto naming i-gather yung lahat ng mga players pagdating sa Botanic Gardens and Arboretta
01:21para mag-usap-usap, magbahagi ng kanyang-kanyang mga karanasan at mga practices
01:28sa pagtatayo at pangangalaga ng Botanic Gardens and Arboretta.
01:36Batay sa mga scientific records, 41% lamang na mga threatened plant species o mga halamang delikadong maubos sa mundo
01:44ang matatagpuan sa mga Botanic Gardens.
01:47Sa Pilipinas ay labing tatlong Botanic Gardens at Arboretta lamang ang nagsisilbing repositoryo
01:53ng mga endemic na halaman at puno.
01:55Actually, ang ERDB ay nakapag-umpisa na na nag-establish ng Artificial Intelligence Assisted Knowledge Hub
02:05at gusto naming paigtingin yan.
02:07At meron lang ang ERDB ng tinatawag nating experimental forest.
02:14Nagsisilbing sanktuaryo o ligtas na tirahan para sa mga halaman ang mga green infrastructure na gaya nito
02:20para maprotektahan ang ating kalikasan para sa mga susunod pang henerasyon.
02:24Nakikipag-ugnaya na rin ang DENR sa DILG o Department of the Interior and Local Government
02:31at Department of Human Settlements and Urban Development para sa mas malawakang pagkilos.
02:36Mahigpit ding ipinapatupad ng DENR ang isang mandatory replacement ratio
02:41ng isandaang seedlings sa bawat isang pinutol na punong kahoy para sa mga development projects ng pamahalaan.
02:48Ang tatlong araw na summit na matatapos bukas ay inaasahang magbubunga
02:52ng mga makabagong patakaran para mapigilan ng extension o pagkaubos
02:56ng likas na yamang natatangi sa ating bansa.
02:59Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments