00:00Bumwelta si Executive Secretary Ralph Recto sa health advocate na nagsampa ng reklamong plunder at technical malversation laban sa kanya.
00:08Nag-ugat ang kaso sa paglilipat ng 60 billion pisong excess funds ng PhilHealth sa National Treasury.
00:15Ang detalya sa report ni Kenneth Pasiente.
00:21Pangugulo at harassment case lamang.
00:23Ganyan inilarawan ni Executive Secretary Ralph Recto ang reklamong plunder at technical malversation na inihain ng health advocate na si
00:32Dr. Tony Liatson.
00:33Tinukoy ni Liatson ang iligal umanong paglilipat ng 60 billion pisong excess funds ng PhilHealth sa National Treasury.
00:40Ayon kay Recto, ang paglilipat ng pondo ay ipinagutos ng batas sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act
00:48at isinagawa niya bilang pagtupad lamang sa kanyang tungkulin noong siya ay kalihim pa ng Department of Finance.
00:55Ipinunto pa niya na ilang mahistrado ng Korte Suprema na ang nagsabi na wala siyang criminal liability dahil kumilos siya
01:02alinsunod sa umiiral na batas.
01:04Wala rin anyang intensyong ilihis ang pondo para sa pansariling interes
01:07at lalong walang ebidensya na personal siyang nakinabang sa naturang pondo.
01:12Iginiit pa ni Recto na sa ngayon ay naibalik na ang 60 billion pisong pondo sa PhilHealth.
01:18Dagdag ng kalihim, paninirang puri at kasinungalingan ang mga aligasyong siya ay nagpayaman mula sa pondo ng PhilHealth.
01:25Tinukoy rin niya ang nagsampa ng kaso bilang isang taong gumagamit umano ng kasinungalingan at galit
01:30upang makakuha ng posisyon sa susunod na administrasyon.
01:33Tanong ngayon ng kalihim, sino ang nagpupondo sa kaso upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa mas malaking iskandalo?
01:41Sinabi naman ni Liachon na kinikilala niya ang mga pahayag ni Recto maging ang mga opinyon ng Mahistrado ng SC.
01:48Nirerespeto a niya ito at handa siyang talakayin ang kaso sa tamang forum.
01:52Hindi rin a niya personal o dahil sa layuning makakuha ng posisyon sa gobyerno ang paghahain niya ng reklamo.
01:58Sahalip ay para a niya ito sa karapatan ng mga Pilipino.
02:02Iginagalang naman ang palasyo ang pagsasampa ng kaso ni Liachon
02:05at iginiit na mas maiging hintayin na lamang ang magiging desisyon dito ng Korte.
02:10Lahat naman ang tao ay may karapatan na magsampan ng kaso.
02:13Ang tanong na lamang dyan ay ito ba ay mananalo o ito ba ay mali-dismiss?
02:20So hintayin na lang po natin.
02:22Una nang nilinaw ng pamahalaan na walang programa ng PhilHealth ang naapektuhan
02:26sa pansamantalang paglipat ng excess funds nito sa National Treasury.
02:30Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments