Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00...building.
00:09Dalawang araw matapos mag-collapse ang ginagawang building sa Pampanga,
00:13sinabi ng mga otoridad na wala ng indikasyon na meron pang mga buhay sa ilalim ng guho.
00:19Ang desisyon, itigil na ang maingat na search and rescue operation,
00:24pero hirap ang mga kamag-anak ng mga nawawala pa na tanggapin ang desisyon nito.
00:30At mula roon, nakatutok live sa Maricumad.
00:33Maris.
00:37Vicky, nagsimula na ngang gamitan ng heavy equipment ang retrieval operations na isinasagawa
00:42dito sa gumuhong gusali dito sa Angeles, Pampanga.
00:45Ang mga kaanak ng mga biktima hindi pa rin nare-recover mula sa gumuhong gusali
00:49ay masama ang loob.
00:51Ipinaliwanag naman sa kanila ng mga otoridad kung bakit kailangan ng gawing search and retrieval
00:56ang kanilang operasyon simula ngayong araw.
01:02Isang crane na ang ginagamit para iakyat ang dalawang tauhan ng Special Rescue Force
01:06sa ibabaw ng gumuhong gusali sa Angeles, Pampanga.
01:10Mano-mano nilang pinuputol ang mga metal bar at scaffolding
01:13bilang paghahanda sa paghatak ng mga heavy equipment
01:16sa naglalakihan pipak na semento, bakal at mga batong tumabon
01:20sa mga biktimang pinaniniwala ang nasa ilalim pa ng guho.
01:22They are still bodies that they need to be respected and protected
01:28when we have to go with the retrieval operation.
01:31So magiging cautious pa rin po tayo sa paglalabas sa kanila.
01:37So ang una pong gagawing step is bibigyan po muna natin ng opportunity
01:42mano-mano po to make it clear.
01:45Kasi hindi po natin pwedeng biglain kasi even one single stone
01:50could create another pancake squeeze.
01:56So dahan-dahan po tayo para po ma-secure pa rin natin
02:02na intact yung bodies ng ating mga victims.
02:07Bago magalas 8.30 kagabi, itinigil na ng mga otoridad
02:11ang rescue operations dahil wala na raw nakitang signs of life.
02:15Kaya ang mga kaanak ng mga biktimang hindi pa nare-recover,
02:18naghihimutok.
02:19Ramdam ko pong buhay pa yung mga tao dyan,
02:22may mga survivor pa po dyan.
02:23Kami yung pamilya, kilala namin yung pamilya namin
02:26na nandyan na matatag sila dyan.
02:28Huwag po silang magbibitaw ng salita na wala nang mga buhay yung tao dyan.
02:32Yung mga pandetect nila, mga scanner nila,
02:34100% po bang legit yan?
02:37Ang kapatid at hipag ni Loren na mga vendor sa gilid ng gumuhong gusali
02:41hindi pa rin natatagpuan.
02:42Nag-aalala siya para sa 7 anak ng mag-asawa.
02:46Nanluho po ako kasi po malaki po yung pag-asa namin eh.
02:50Ramdam po namin kasi po meron pong isang video na nag-send,
02:53nakita po namin yung pong ilalim, may maluwang pa eh.
02:56Napakasakit po talaga ma'am, napakasakit.
02:59Desisyon nila, buhay ng mga patay.
03:01Hindi po kami sumuko.
03:02Actually, yung last signs of life na binabanggit po namin,
03:06lahat po kami noon nagpe-price sana, sana positive,
03:09lahat po yung sinasabi natin na detect na life, breathing and heartbeat,
03:17lahat po kami doon nagpe-price ito na, ito na, ito na, sana may labas natin siya.
03:21Kasi bilang responder po, kami po hindi din po masarap sa pakiramdam yung
03:29parang pakiramdam namin, hindi namin nagawa yung part namin.
03:33But it is very fulfilling, medyo nanginginig po ako sa part na yun,
03:37as a responder na makapag-save kami ng life.
03:45Ipinakita rin ang rescuer kung paano nila ginagamit ang rescue radar
03:49sa pag-detect kung may buhay pa sa ilalim ng guho.
03:52Nag-recheck kami ulit.
04:03Pagkatapos po na ito, so nag-decide na ako na no life detected,
04:09kinausap ko na po ang canine na i-concurb dyo na po mabuti.
04:14Paliwanag ng mga otoridad, hindi desisyon ng ilang tao lang
04:17ang pag-transition sa retrieval operations, kundi konsensus ng mga eksperto.
04:21Mula alas 3 kahapon hanggang alas 8, wala na raw signs of life.
04:25At bukod sa rescue radar o yung life locator,
04:28ay katuwang din nilang canine units na hindi na rin rumiresponde
04:31sa dating kinakitaan ng signs of life.
04:34Si Evelyn, labis ang paghihinag-pace sa pagkasawi ng kanyang amang
04:38si Porperio sa guho.
04:39Apelan niya sa mga may-ari ng gumuhong gusali.
04:42Ano po magkaroon naman lang po siya na kahit konti kong sensula?
04:46Ano po siya sa amin?
04:48Kasi tatay ko po, masyado po malaking kawalan sa amin yun eh.
04:56Ano po sa mga kapatid ko?
04:59Lumitaw po siya, magpakita siya.
05:01Parang awa niya na po sa may mga pamilya.
05:03Hindi po yung kaming ganito nagsasuffer, nagihirap.
05:06Si Cristita, isa sa mga nakaligtas sa buho.
05:09Puno ng pasa at sugat ng katawan at nagtamurin ng bukol sa ulo.
05:13Ikinwento niya ang mahuling sandali bago gumuho ang gusali.
05:17Nagulat na lang daw siya na may biglang bumagsak na bakal.
05:20Malamang one minute. Parang yumayanig siya.
05:23Parang ang lakas. Akala nga namin lindul eh.
05:26Pag tingala nga namin, nakita nga namin na pababa na yung ano.
05:29Kaya pag sabi nung ano, natakbo, tumakbo na kami.
05:32Yung barangay na kasama ko, hinila niya ako, paghila niya.
05:36Natamaan yung dito ko. Hindi ko alam kung anong tumama sa akin.
05:40Parang nag-flashback ako, parang nawalan ako ng malay.
05:43Hinila rin niya ako para lang makalabas ako na hindi ako mabagsakan.
05:46Labing-anim pa rin ang nawawala.
05:52Vicky, 24 oras na ang sanasagawang retrieval operations dahil hindi na raw pwedeng patagalin pa lalot.
05:57Nangangamoy na at delikado na rin para sa kalusuga ng mga residente.
06:01Narito rin, Vicky, ang PCAB o yung Philippine Contractors Accreditation Board para inspeksyonin yung structural integrity ng gumuho ang gusali
06:09at masiguro ang kaligtasan ng mga nagsasagawa ng recovery operations.
06:12At bukas, Vicky, ay nakatakdang pumunta rin dito sa Ground Zero si DILG Secretary John Vic Remulia para alamin at
06:19tignan ang criminal liability na may-ari at contractor ng gumuhong gusali.
06:23Vicky?
06:24Maraming salamat sa iyo, Mariz Umali.
06:28Nasa Japan na si Pangulong Bongbong Marcos para sa kanyang state visit kung saan inaasahang pag-uusapan ang tensyon sa
06:36West Philippine Sea,
06:38ang epekto ng gulok sa Middle East at kung paano tayo matutulungan ng Japan.
06:45Live mula sa Tokyo, nakatutok si Ivan Mayrina.
06:48Ivan?
06:54Mel, dumating ngayong gabi dito sa Tokyo, Japan si Pangulong Bongbong Marcos para sa kanyang state visit.
07:01Isa sa mga pangunahing target niya ang pahintingin ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng defense at
07:07seguridad
07:07sa gitna nga ng umiiral na tensyon sa West Philippine Sea.
07:11Pero ang una niyang engagement para sa state visit na ito ang makisalamuha sa Filipino community dito sa Japan.
07:22Ikaapat na pagbisita na ito ni Pangulong Bongbong Marcos sa Japan, pero ito ang kanyang unang state visit.
07:28Ibig sabihin, inanyayahan siya ni Prime Minister Takaichi Sanae na naloklok dito lang October 2025.
07:35Ayon sa Pangulo, naasahan niya matatalakay nila ng Prime Minister ang sitwasyon sa South China Sea,
07:39kabila ang West Philippine Sea na di nalalayo sa agawan ng Japan at China sa ilang isla sa East China
07:45Sea.
07:45Japan and the Philippines have experienced the same difficulties in terms of coercive acts.
07:53You have to take note of the fact that for the first time in our balikatan exercises, Japan has taken
08:01an active role.
08:02Japan moved this year from being an observer to a participant.
08:08Inaasahan mapaplansya sa pulong ni Marcos at Takaichi ang detalya ng reciprocal access agreement o yung kasunduang nilagdaan noong 2024
08:15na nagbigidaan sa sabay na pagsasanay ng mga sandatahang lakas ng Pilipinas at Japan.
08:20Inaasahan ding mapagkakasunduan ang pagtulong ng Japan sa modernisasyon ng ating militar at ng pagdepensa nito sa Pilipinas.
08:27We'll welcome any improvement in our capabilities to enhance of course our defense systems, not just in equipage but also
08:38in skill sets.
08:39Nagaganap din ang state visits sa kita ng mahal na petrolyo at pagkadiskaril ng supply chain sa mundo dahil sa
08:45tension sa Middle East.
08:46Kaya naasahan ding matatalakay ang energy cooperation sa pulong ng dalawang leader sa WebES.
08:51How do we strengthen those supply chains? How do we as one, as Asia, can come together so that we
09:00are able to assist each other
09:02and to make safer and more secure and more reliable the supply of various petroleum products?
09:15Pero first stop ng Pangulo sa kanyang paglapag dito sa Japan ay ang pakipagkita sa Filipino community.
09:20May 340,000 ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho dito sa Japan.
09:26Pero higit na marami dyan, yung mga Pilipinong turista nagpupunta sa Japan taon-taon.
09:30Noong 2025, umabot yan ng halos 900,000.
09:40Mel, kakaalis lamang ng Pangulo mula dito sa venue ng pagtitipon kasamang Filipino community
09:46at ang bilin niya patuloy na makisama ng maayos, sumunod sa batas ng Japan.
09:52Pero siyempre, huwag kakalimutan ang kanilang pinagmulan.
09:55Kasama ng Pangulo, karamihan sa mga miyembro na kanya gabinete.
09:58Kami lang dyan, ang bagon talaga lang na tourism secretary na si Dita Angara Matay.
10:04Nakausap natin siya kanina, Mel, at kami lang sa kanya mga plano ay ang pagpapalago sa domestic tourism.
10:11Anya, balak niyang panitilihin yung slogan na Love the Philippines pero may konting twist.
10:17Para bang first love or love your own.
10:20Para nakatoon sa mga domestic tourists.
10:22At yan ang latest Mel mula dito sa Tokyo, Japan. Balik muna sa iyo.
10:27Maraming salamat sa iyo, Ivan Mairina.
10:31Pinalagaan ng pamilya ng Yumaong TV host na si Lourdes Carvajal na mas kilala bilang Inday Badiday
10:37ang pagbanggit sa kanyang pangalan para ilarawan ang umunoy circus sa Senado.
10:43There is no such thing. Inday Badiday na ba tayo dito sa Senado?
10:48Kaya sinasabi, we're a circus.
10:50I apologize to those who are watching.
10:52They think we're a circus. We are a circus.
10:54Ang komento ni Sen. Mig Zubiri ay bilang batikos sa anya'y chismis lang na ipinalabas ni Sen. Aimee Marcos
11:02sa kanyang privilege speech.
11:06Sa isang post, sinabi ng apo ni Carvajal na si Aisy Mendoza na huwag sanang bastusin ang legasya ng kanyang
11:14mami Lourdes.
11:15Tinawag niyang offensive ang pag-uugnay sa pangalan ng kanyang lola sa anya'y circus sa Senado.
11:24Sumikat si Carvajal bilang Inday Badiday na host ng mga showbiz talk show na Nothing But The Truth, See-Through
11:31at Eye to Eye noong dekada 70 hanggang dekada 90.
11:39At sa isang pahayag, agad na humingi ng paumanhin si Zubiri.
11:44Anya, slip of the tongue ang nangyari sa gitna ng isang mainit na debate.
11:49Inire-respeto raw ni Zubiri si Inday Badiday sa may sabing tama si Aisy na hindi dapat madamay ang kanyang
11:55lola sa usaping politika.
11:57Tinanggap naman ni Mendoza ang paumanhin ni Zubiri.
12:03Ilang membro ng bagong Senate Blue Ribbon Committee ang sinasangkot din sa flood control scandal na iniimbestigahan nito.
12:13Nakatutok si Sandra Ginaldo.
12:18Mula nang iupo nila bilang Senate President si Sen. Alan Peter Cayetano na bakante ang mga komite sa Senado kabilang
12:26ang makapangyarihang Blue Ribbon Committee.
12:28Ito pa naman ang nag-iimbestiga sa mga flood control scandal at mga sangkot nito.
12:34At ilang beses pang pinagtalunan, lalo na mga naging chairman nitong sina Senador Rodante Marcoleta at Ping Lakson.
12:42Ngayon si Senador Pia Cayetano na ang uupong chairperson nito.
12:47Pero ang tanong ngayon ng marami ay kung paano sila mag-iimbestiga.
12:51Lalo't may miyembro ng komite na isinasangkot mismo sa flood control scandal.
12:55Partikular si Senador Jingo Estrada na nakatakdang sampahan ng kasong plunder at malversation sa Sandigang Bayan dahil diyan.
13:03Gayon din si Escudero na iniimbestigahan naman ang ombudsman dahil sa papel niya sa 2024 at 2025 national budget.
13:12Partikular ang pagpasok umano ng flood control budget sa small committee.
13:16Sidisikap pa naming hinga ng payag sina Estrada at Escudero.
13:20Gayon din si Senador Cayetano.
13:22Tiyak na rin mapupunta sa mga majority senator ang ibang mahalagang kumite.
13:27Kakausapin pa na Senate President ang minority block para sa mga kumite yung kabibilangan nila.
13:33Sa kabila naman ang tensyon sa Senado nitong nagdaang mga araw kahit sa mismong plenaryo,
13:38kanina nagkaroon naman ng pagkakataon para mapangiti ang mga mambabatas ng tumayo sa Senador Lito Lapid
13:45para linawin na nananatili siyang bahagi ng minority.
13:50Nananatili po ako sa minority group at hindi po ako alis dito.
13:56At yung pong motion ni Sen. Subiri kahapon ay sinusuportahan ko po.
14:01Hindi ko lang po ako nakapagsalita kahapon.
14:03Kala ko may botuan.
14:04Ngayon pala ay wala naman.
14:06Hiling ko lang po dito sa Senado.
14:08Sana magkaisa tayo.
14:10Iwasan ang bangayanan.
14:11Your manifestation is noted and wala ka man sa majority, Sen. Lito Lapid,
14:18nandiyang kaparate sa puso namin.
14:20Gusto ko lang magpasalamat kay Sen. Lito Lapid na kahit na magkaiba na tayo ng partido,
14:27I think we are batchmates so magkasama kami since 2004.
14:32So majority, minority, buwan-buwan nagpapadala pa rin siya sa akin ng Maha Blanca.
14:37Gusto ko kasi maalaman mo na mahal kita.
14:46Nasundan niya ng All Senators Caucus para pag-usapan ng iba't ibang isyong kinakaharap na Senado,
14:52kabilang na ang investigasyon ng Ombudsman at PNP sa putukang nangyari noong May 13.
14:59Sandra Aguinaldo na Katuto, 24 Oras.
15:07Pinusuan ng daang-daang libong netizens ang reaction video ng isang nanay na ginawang pelikula ng kanyang anak.
15:13Pero sa naturang short film, walang tunay na mga aktor ang ginamit kasi para magawa ang pelikula,
15:20Artificial Intelligence o AI.
15:23Kuya Kim, ano na?
15:28Naantik ang puso ng ginang na ito sa pelikulang kanyang pinapanood.
15:31Ang bida kasi rito, walang iba kundi siya mismo.
15:37Sa tulong ng isang magic relo, nag-time travel siya.
15:40At binalikan ng ilan sa pinakamahalagang kabanata ng kanyang buhay.
15:44Gaya noong araw na nakilala niya ang kanyang mister, ang kanilang wedding day,
15:47pati na mga sandali nung maliit pa ang kanilang mga supring.
15:50Ang ginang sa video, ang 60-year-old na si Nanay Nemia.
15:53At ang pinanood niyang pelikula, birthday gift sa kanya ng anak niya si Franklin.
15:56Nag-iisip ako ng magiging special sa kanya.
15:58May lig siyang tignan yung mga dating litrato niya.
16:01Kung naisip ko, why not?
16:02Naggawang ko ng magandang short film.
16:04I-re-relieve niya yung dating nakaraan.
16:07Sobra natawa siya.
16:08Halo yung emotions na iyak siya, naluhasya, natawa siya.
16:11So nung pinost ko, unexpectedly na umabot kagandang 20 plus million views in just one day.
16:16First time niya daw, nagkaroon ng millions of happy birthday greetings.
16:20Pero paglilinaw ni Franklin, hindi niya pinaarte ang kanyang ina.
16:23Nagawa niya ng mga pelikula sa tulong ng teknolohiya na kung tawagin,
16:26Artificial Intelligence o AI.
16:28Si Franklin may ginamit na video generation tool sa computer.
16:31Para maka-generate o makagawa siya ng isang 50-second clip,
16:34may tinatype siya rito ng prompt o instructions.
16:36As much as possible, specific yung description doon sa prompt pa.
16:40Para maganda yung kakalabasan.
16:41At pagkapindot niya ng generate button.
16:43Grade, ang bata ko pa dito.
16:45Meron siyang video.
16:46Yung mga video generation models, gumagana sila by looking at an instruction from the users.
16:52Ilalarawan lang natin in text form kung ano yung gusto natin makita doon sa video.
16:58Ang gagawin ng AI model is susubukan niyang sundin yung lahat ng instructions natin.
17:02Tapos gagawa siya ng isang makatotohanang video.
17:05Napaka-realistic man at napakadali gumawa ng AI videos.
17:08Hati pa rin ang opinion ng publiko pagdating sa AI filmmaking.
17:11May potensyal ang AI bilang tool.
17:14Ang problema kasi dito, yung trabaho ng mga creative people, mawawala sa kanila.
17:18At mabibigay ito doon sa mga tao na ang gagawin na lang, mag-i-input na lang ng prompt.
17:24Iba pa rin yung feels or dating na ang isang material ay gawa ng tao.
17:28And lastly, merong limitations ang AI.
17:31Kahit magaling na mag-generate ang AI models, madami pa rin silang hindi nakukuha ng tama.
17:38Hindi consistent yung physics ng pag-interact ng mga iba-ibang objects doon sa isang eksena.
17:43Hindi pa pwedeng palitan ng AI ang traditional filmmaking.
17:48Paalala ni Dr. Thiam Lee.
17:49Dapat tayo maging responsable sa paggawa at paggamit ng mga AI videos.
17:53Kung gagamit tayo ng AI, it's very important na merong transparency.
17:57Huwag natin itago yung fact na gumamit tayo ng AI.
18:01Huwag din natin siyang gamitin para manlin lang ng mga tao.
18:05Kailangan maging aware tayo na kapag ginagamit natin siya para sa isang mabuti layunin.
18:10Dapat meron din tayong reflection doon sa epekto nito sa mga industriya na meron tayo.
18:17Ano ba yung kayang makuha natin sa mga totoong filmmakers na hindi kayang gawin ng AI?
18:22At dapat ay mas suportahan natin kung ano yung mga aspeto na yun.
18:27Filmmaking isang art na, di siya ma-replace pa rin.
18:30At the end of the day, art should still belong to humans pa rin.
18:33Kasi that's what art is, it's about humanities.
18:36Kaano mang ka-advance ang kayang gawin ng AI ngayon, laging tandaan.
18:40Dapat tayo mga tao pa rin ang nagbibigay ng tunay na kahulugan, emosyon at puso sa ating mga likha at
18:45obra.
18:46Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 horas.
18:51Inamin ng ilang kaanak ng ilang nawawalang sabongero na tumanggap sila ng 20,000 piso mula sa abugado ng negosyanteng
19:00si Atong A.
19:02Pero paglilinaw nila, hindi sila nagpaareglo sa kaso.
19:08Isang beses lang umano ito at ginamit nila sa paglalakad ng kaso.
19:12Pinabulaanan din nilang binabayaran sila ng 40,000 piso kada buwan.
19:18Hindi rin umano totoong, hindi sila dumadalo sa mga pagdinig.
19:22Ang pinakahuli umanong hearing ay postponed.
19:25Sa isang pulong, humiling ang pamilya ng 25 namawala na imbisigahan ang witness na si Dondon Patidongan.
19:35Ito ay matapos nilang marinig ang panig ng mga nakakulong na gwardiya sa Laguna
19:40na si Patidongan umano mismo ang dumukot sa mga nawawala.
19:46Anila, nais nilang muling maimbisigahan ang kaso para makikita ang iba pang anggulo.
19:52Dati nang iginiit ni Patidongan na sumusunod lang siya sa mga uto sa kanya noon.
20:01At yung sinasabi po nila na nagpabayad ako, nagpakareglo.
20:06Hindi po totoo yun.
20:08Nagbigay po siya, ato niya.
20:11Karo lang ng 20,000.
20:15At yung 20,000 po na yun, talagang tinatak po.
20:18Ang bero ha, yun lang po.
20:20Tulong lang po yun na wala kahit anong pirmahan.
20:23Sa alagang 20 mil.
20:24Balaking tulong po yan para sa aming mga kasama.
20:27Ipagpapalit niyo po yung ustiza niya sa alagang 20 mil.
20:29Siyempre, hindi naman po, diba?
20:31Kapabayaran daw po kayong 40,000 kada buwan.
20:33Ay, hindi po totoo yan.
20:37At kapapasok lang po na balita,
20:39nag-walk out ang ilan sa minorya sa Senado ngayon-ngayon lang.
20:43Sa gitna po yan ng mainit na debate para amyendahan ang rules
20:47upang makalahok ang mga wala sa Senado sa pamamagitan ng teleconferencing.
20:54Nakatutok live si Sandra Adinaldo.
20:57Sandra?
20:59Yes, Vicky.
21:00Naging mainit nga po ang talakayan dito sa Senado ngayong hapon
21:05at bandang alas 7 nga po ng gabi.
21:07Nagsimula ang init na yan dahil nabuhay muli ang usapin
21:12tungkol sa pag-amienda sa rules ng Senado Kaugnay
21:15sa pagpapahintulot sa isang Senador na makalahok pa rin
21:19sa sesyon ng Senado kahit wala siya dito sa floor.
21:23Sa pagkakaintindi kasi ng minorya at ito ay kanilang ipinilit kanina
21:27ay nirefer na sa Committee on Rules ang usapin na ito
21:31kaya dapat dood na ito talakayin.
21:34At sinabi rin nila na hindi pa nakoconstitute
21:36o hindi pa nabubuo ang Committee on Rules.
21:39Pero sabi po ng majority kasama nga po dyan si Senate President Alan Peter Cayetano
21:45ay allowed sa kanilang rules na talakayin ito sa floor
21:49at habang nagsesesyon ang Senado sinigundahan ito ni Senador Rodante Marcoleta
21:55na siyang nagpanakala ng amendment to the rules.
21:59At naging mainit po ang debate dyan.
22:01Ilang pong mga Senador ang nagsitayuan mula sa magkabilang panig
22:05at isa-isa pong nagsalita ang minority Senators para tutulad ito
22:10pero sa huli-huli po ang sinabi po ni Senate President Alan Peter Cayetano
22:15ay idaan na lamang ito sa butuhan dahil nga po sa hindi pagkakaintindihan.
22:21Hindi po pumayag dito ang minority Senators na mas kaunti ang numero.
22:25Sabi pa na isang minority Senator, bakit daw ba nagmamadali ang mayorya?
22:30Dahil ba raw sa balita na maharap sa kaso ang ilan sa mga kasamahan nila?
22:35At naging mainit pa rin ang diskusyon dyan at kasunod na nga yung pagpilit
22:42na ito ay idaan na lamang sa butuhan.
22:45Sa huli, ang ginawa po ng minority Senators, sila po ay nag-walkout.
22:50Narito po ang mga pahayag.
22:52Ang pahaylo pa nga ba, sir? Bakit po?
22:57Mali yung gagawin nilang pagboto eh.
23:00Mali yung pahay sa mga rules. Mali yung proseso.
23:03Wala pang ang debate sa substance.
23:04Bakit po sa tingin nyo, gusto nilang mangyari ngayon yun?
23:09Hindi nga tayo umabot sa pag-discute, debate sa substantive.
23:14Kasi hindi nila sinusunod yung sariling rules.
23:18Yes, wala. Walang national emergency. Walang force majoin.
23:23Sir, baka itunoy nila. Pwede po ba nila itunoy?
23:25Wala silang korum.
23:31Ngayon, Vicky, kung inyong makikita ay wala na pong Senador dito mismo sa session hall ng Senado.
23:36Iyan po ay dahil nag-adjourn na dahil nga po sa kawalan ng korum at ito po ay magpapatuloy na
23:42lamang sa lunes. Vicky?
23:44Alright, maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
23:49Sa bawat road to forever, may mga pagsubok minsan.
23:54At hindi naiiwasan ng ilan na madapa.
23:57Tila hugot yan ha, ng isang groom sa kanyang pre-wedding video.
24:02Pero pinakulay ang lalo ng kanyang pagiging updated sa mga balita. Ano kaya yan?
24:08Ikakasala kami ni Cindy. Kailangan ko nang pumunta ng simbahan.
24:13Kung di nyo pa na kukuhang hugot ng pagtakbo at tila pagmamadali ng groom na si Kuya Ed o Edrian,
24:23nakupanoorin ulit natin.
24:26Kakasala na kami ni Cindy. Kailangan ko nang pumunta ng simbahan.
24:30Kapapanik ng second floor. Ito ho, dito na ho, umagsak ang senador muli siyang tumayo at nagbukas ng pintuan dahil
24:40dito na po ang daan patumo sa session hall ng senado.
24:44Sa tulong ng kanilang Gen Z wedding videographer at game na game na groomsmen,
24:51ni re-enact ni Edrian ang tagpo sa senado noong May 11 ng takbuhan ni Sen. Bato de la Rosa
24:58ang mga aarestong NBI agents.
25:01At ang inilapat niyang audio abay bahagi ng report ni Ian Cruz na napanood sa 24 oras.
25:07Sabi ni Edrian, wala silang intensyong maka-offend dahil para lamang ito sa entertainment at surprise sa bride at mga
25:15bisita.
25:16Ayan.
25:17Congratulations and best wishes sa inyo.
Comments

Recommended