00:00That President Trump has said a deal is close.
00:04Sa kalagitnaan ng pagre-report na iyan,
00:08sunod-sunod na putok ng barilang gumulantang
00:10sa mga nasa harap at likod ng kamera.
00:14Narinig ang putukan sa labas ng White House.
00:17We have to evacuate shooting.
00:18We have to evacuate shooting.
00:20We have to evacuate shooting.
00:21Matinding panic ang idinulot ng insidente
00:24sa iba pang nasa labas ng White House.
00:26Sa ulat ng isa pang nakasaksing local media,
00:30nakapuesto sa mga tent na iyan ang mga reporter
00:32para sa kanilang live shots.
00:34At agad silang pinapunta sa press briefing room
00:37ng magkaputukan.
00:38Sa pahayag ng Secret Service,
00:40biglang bumunot ng baril ang gunman
00:42habang nasa checkpoint malapit sa White House
00:45at pinaputukan ang mga otoridad.
00:47Agad gumanti ang Secret Service.
00:50Nadala pa sa ospital ang gunman
00:52pero agad binawitan ang buhay.
00:54Ayon sa isang law enforcement official,
00:57emotionally disturbed ang suspect
00:59at dati nang nabigyan ang stay-away order.
01:02Isang bystander din ang sugatan mula sa insidente.
01:05Ligtas si President Donald Trump
01:07na nasa loob ng White House
01:09nang mangyari ang insidente.
01:11Nagpasalamat siya sa mabilis na pag-aksyon
01:13ng mga otoridad.
01:14Ayon kay Trump,
01:16may violent history ang suspect
01:17at posibleng may pagnanasa sa White House.
01:20Jamie Santos,
01:21Nakatutok 24 oras.
Comments