Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinapahan ang reklamang plunder at indirect bribery si Sen. Rodante Marcoleta sa Ombudsman
00:04dahil sa pagtanggap umano ng P75M mula sa tatlong donor.
00:09Ang sabi ng mga investigador ng Ombudsman,
00:11masyadong malaki ang halagang tinanggap ng nooy kongresistang si Marcoleta
00:15para isipin walang inihintay na kapalit ang mga nagbigay.
00:20Saksi, si Joseph Moro.
00:26Dati ng isyo kay Sen. Rodante Marcoleta ang pagtanggap niya ng pera mula sa tatlong donor
00:31noong isang taon na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenses.
00:36Lusot siya sa Commission on Elections dahil na bago na raw ang batas at hindi na raw ito isang election
00:40offense.
00:41Ang katwilan pa ni Marcoleta natanggap niya ang pera bago pa ang simula ng campaign period
00:46pero ngayon, basihan na ito ng isang criminal complaint.
00:50Ang isyong yan ang pagtanggap ni Sen. Marcoleta ng milyong-milyong pera
00:54ang nakitang basehan ng Ombudsman para sa reklamong plunder.
00:59Sa order na ekslusibong nakuha ng GMA News mula sa isang source,
01:03pinasasagot ng Ombudsman si Marcoleta sa reklamong inihain ng Field Investigation Bureau ng Ombudsman.
01:09Sa investigasyon kasi nito, nakitang habang nakopo bilang kongresista,
01:14tumanggap si Marcoleta ng 75 milyon pesos noong January 2025.
01:19Batay ito sa pag-amin mismo ni Marcoleta sa investigasyon noon ng COMELEC.
01:23Lumabas din ito sa donor's tax returns na isinimite ni Marcoleta sa COMELEC.
01:28Batay sa investigasyon, hindi niya umuno idineklara ang cash sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth para sa
01:34taong 2025.
01:35Ayon sa mga investigador ng Ombudsman, kahit daw hindi election offense,
01:39ang pagtanggap niya ng pera maaaring mauwi pa rin sa pananagutang kriminal at administratibo.
01:45Plunder daw na may tuturing ang sunod-sunod na pagtanggap ng pera ni Nooy Congressman Marcoleta
01:50na umabot sa 75 milyon pesos sa ilalim ng Republic Act No. 7080.
01:55Sa laki daw ng halagang 75 milyon pesos, hindi na raw ito may tuturing na ordinaryong kagandahang loob
02:01kundi korupsyo na para makakuha ng power mula kay Marcoleta.
02:05Hindi rin daw dapat ito itinuturing na normal para sa mga pampublikong opisyal
02:09porket walang sinabing hinihinging kapalit.
02:12Tatlong tao ang pinanggalingan ng pera, 30 milyon mula kay dating Congressman Mike Defensor,
02:1725 milyon pesos mula sa isang Joseph Espiritu,
02:20at 20 milyon pesos naman galing sa isang Aristotle Baluyut.
02:23Dawit din ang tatlo sa reklamo.
02:25Sabi sa reklamo, sila ay mga kokonspirator o kasabuat na nagkutsabahan sila
02:30sa paglilihim ng tunay na dahilan para sa cash gift.
02:33Bukol sa reklamong plunder, pinakakasuhan din ang apat ng paglabag ng Presidential Decree No. 46
02:38na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng regalo.
02:43Si Marcoleta, pinakakasuhan din ang indirect bribery.
02:46Hinihingan pa namin ang pahayag si Marcoleta, Espiritu at Paluyut.
02:50Tingin naman ni Defensor, pilit ang kaso.
02:52Doon naman sa amin, hindi ko rin alam kung ano yung basis.
02:56Kasi how can it be plunder when there was no government funds involved?
03:01Wala akong, walang government transaction or anything.
03:06So hindi ko talaga makita.
03:08Joseph Morong ang inyong saksi.
Comments

Recommended