00:00Na-disgrasya sa Pasig City, ang trailer truck na may kargang mahigit sa 1,000 sako ng kanina.
00:06Nagpabigat yan sa daloy ng trapiko sa lugar.
00:09Nakatutok si Jamie Santos.
00:15Pagkaliwa ng truck na ito sa Show Boulevard sa Barangay San Antonio sa Pasig, tumaob ang trailer nito.
00:21Nangyari ito pasado alas 10 ng umaga kanina sa panolokan ng Show Boulevard at Pioneer Street.
00:27Sabi ng driver ng truck, mabagal lang ang kanyang takbo.
00:31Nagulat na lang ako may kumalabog. Siyempre, kumreno ko, tsaka ako kinabahan, nakala ko mayroong naipit ba, ganun.
00:38Kasi nakita ko na sa side mirror din na bumaliktad na lang. Pero hindi ko siya talagang matulin, mabagal lang.
00:44Sa tingin ko, posibleng sa gulong siguro, ganun, pumutok. Pumutok din kasi yung gulong.
00:50Saan bahagi, sir, yung pumutok sa gulong?
00:52Dito, dito. Yung tractor sa likod.
00:54Isa sa mga tinitignang anggulo ng Pasig Police ang posibleng overloading o sobrang bigat ng kargamento nito.
01:02Ayon sa Pasig Police, karga ng truck ang nasa 1,600 sako ng harina na nasa 41 tonelada ang bigat.
01:11Kumambalang sa kalsada ang truck pati ang mga karga nitong sako na nagdulot ng pagbigat ng trapiko.
01:17Ang cost ng traffic natin is about just a truck. Kumagawa kami ng about na ibang ruta na pwede mapaluwag
01:26namin o kung saan ibang dapat iway na sa natin nilalagay para mabawas-bawasan yung volume.
01:32Mano-manong inaalis sa kalsada ang mga sakong nahulog mula sa truck at ikinakarga sa isa pang truck.
01:38Pasado alas 4 ng hapon pero hindi pa rin tapos alisin ang mga sako ng harina sa lugar.
01:43Sana matapos ng maaga, mabigyan tayo ng magandang balik normal yung dalawang traffic.
01:51Baka pumabutas, sako po yan, harina. Baka magka-apekto pa lalo yung usok o tinatawag na parang moist na ng
01:58harina natin.
02:00Walang naiulat na nasaktan sa insidente bagamat nagdulot ito ng hindi pa matukoy na halaga ng pinsala.
02:06Patuloy naman ang investigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagtaob ng trailer truck.
02:12Janie Santos, Nakatutok 24 Oras.
Comments