Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gumugulong na ang 10 araw na palugit para sa tugon ni Vice President Sara Duterte
00:05matapos matanggap ng kanyang tanggapan ng summons o patawag ng impeachment court.
00:10Kahit wala sa Senado, posibleng kayang makalahok at bumoto sa impeachment trial.
00:14Si Sen. Bato de la Rosa sa pamamagitan ng videoconference.
00:19Ating saksiha!
00:24Nayatid na kaninang umaga sa Office of the Vice President
00:26ang summons o patawag ng impeachment court para kay Vice President Sara Duterte.
00:31Alinsunod sa Sen. Rules on Impeachment,
00:33binigyan din si Duterte ng kopya ng articles of impeachment
00:36na naglalaman ng mga akusasyon laban sa kanya.
00:39Nabigay na po, ismukin naman, maayos, tumanggap.
00:43Dahil dito, gumugulong na ang 10 araw na palugit para sumagot ang pangalawang Pangulo.
00:48May 30 dapat ang deadline pero Sabado ito.
00:51Since the last day falls on the Saturday, the period shall not run until the next working day.
00:56Accordingly, the deadline for responding to file, her answer is on Monday, 01, June, 2026.
01:02Kasunod ng pag-aabot ng summons ang pre-trial o pagkikita ng magkabilang panig bago ang mismong trial
01:07para planchahin ang mga detalye sa pagpapabilis ng takbo ng pagdinig.
01:12Inaasang magaganap yan sa Hunyo.
01:14Ngayong napipinto na ang impeachment trial, isa sa mga tanong ng marami.
01:17Pusibli bang makalahok at makaboto ang kaalyado ng Vice Presidente na si Sen. Ronald Bato De La Rosa?
01:23Mag-iisang linggo na mula ng huling namataan si De La Rosa sa Senado.
01:26Sabi ng isang law expert kung papayagan ng liderato ng Senado,
01:30posibleng makalahok si De La Rosa sa pamumagitan ng video teleconferencing.
01:34Bagaman pwede niya itong questioning sa Korting Suprema.
01:37Technically po, pwedeng mag-adapt ng rule ang Senado na mag-allow ng participation through video conferencing.
01:46Ang nasa Senate Rules nang sa ngayon, ang Rule 14 na nagsasabing maaaring mag-convene o mag-session ng Senado
01:52sa pamamagitan ng video conference kung mag-desisyon ang karamihan ng mga Senador
01:57dahil sa kalamidad o national emergency na pumipigil sa personal na pagdalo ng mga Senador sa Senate Session Hall.
02:03Nitong Mayo o 11 lang, sa muling pagpapakita ni De La Rosa sa Senado matapos magtago mula Nobyembre,
02:09iminungkahin ng kaalyado niyang si Sen. Rodante Marcoleta na baguhin ang Rule 14.
02:13Ang gusto ni Marcoleta, payagan si De La Rosa na makalahog sa mga aktibidad ng Senado.
02:18Bukod pa dyan, ayon sa isang opisyal ng Senate Rules Committee,
02:22kakailanganin ding amendahan ang rules ng Impeachment Court
02:24para payagan ng pagdalo sa impeachment trial sa pamamagitan ng video conference.
02:29Ngayon pa lang, tutol dito si Batangas Representative Jebel Luistro na uupuring lead prosecutor.
02:34My personal opinion is, the Sen. Judges should be personally present.
02:41This is paramount because this is a constitutional mandate to have a correct appreciation of all the evidence to be
02:50presented.
02:51At kahit mabago ang rules ng Senado, sabi ng iba pang law expert,
02:55kakailanganin din ni De La Rosa na personal na manumpa sa Senado bago umupo bilang Sen. Judge.
03:00Ano dito, oath kasi na nanumpa ka para mag-notaryo.
03:04Oath to perform an important function, a constitutional duty.
03:09Dapat mag-participate siya kung sakaling payagan,
03:13be present even through video conferencing.
03:15Para makapag-participate siya, hindi yung nag-oath, tapos bahala na,
03:20tapos magpapakitan lang siya sa butuhan.
03:23And he should disclose his whereabouts.
03:24Ako si Rafi Timang inyo, Saksi!
Comments

Recommended