00:00Tiniyak ng Pamahalaan ang patuloy na pag-agapay sa mga Pilipino sa gitna ng epekto ng krisis sa Middle East.
00:07Sa katunayan, nakatakda ng magbigay ng ayuda ang Pamahalaan sa Low-Income Families.
00:13Si Clazel Pardilla sa Sentro ng Balita.
00:18Tiniyak ng Department of Budget and Management na may sapat na pondo ang Pamahalaan sa pagpapatupad ng mga uplift program
00:25hanggang Desyembre ngayong taon.
00:27Siniguro yan ang DBM sa ikapitong uplift meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:34Naisip Pangulong Marcos na epektibong napatutupad ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport o Uplift Program
00:42na layong bawasan ang matinding epekto ng krisis sa Middle East sa sektor ng enerhiya, transportasyon at pagkain.
00:50Mula honyo hanggang Desyembre pagugulungin ang Recalibrated Transport Support Package.
00:55Suporta ito sa mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kita sa mga tsyoper at operator sa bawat
01:03kilometrong biyahe.
01:05Papalo na sa higit 16,000 PUV ang nabenefisyohan ng SCP.
01:10Higit 2 milyong commuter naman ang nakinabang sa 20% ng diskwento sa pasahe na kalakip ng programa.
01:16Tala ng Transportation Department, nasa kalahating milyong driver na rin at mga tsyoper ang nakatanggap ng subsidiyas sa langis.
01:25Patuloy din ang pagtulong sa mga Pinoy sa labas ng bansa.
01:28Halos 11,000 OFW na naipit sa gera sa gitang silangan ang napauwi ng Pilipinas.
01:3520,000 naman ang naabutan ng pinansyal na ayuda.
01:38Batay sa uplift meeting, magsasagawa na rin ang disirbasyon ng tulong sa mga mahirap at low-income families.
01:46We're looking at other social protection measures para matulungan nga po yung ating mga kumabayan
01:52who are most vulnerable amidst the continuing energy emergency.
01:58Upang lalo pang matugunan ang epekto ng krisis sa Middle East, handang magbigay ng 1.75 billion US dollars
02:07na pinansyal na tulong ang Asian Development Bank sa Pilipinas.
02:12Inihayag ito ng ADB, kasunod ang pakikipagpulong kay Pangulong Marcos ni ADB President Masato Kanda.
02:19Sabi ni Kanda, kalagdagang pautang at trade finance support ang maaring ipahiram sa pamahalaan.
02:25Agad nakikilos ang ADB para maprotektahan ang mga pinakamahirap na komunidad,
02:31mapangasiwaan ng fiscal pressure at mapatatag ang ekonomiya.
02:35Ayon naman sa Malacanang.
02:37Isang malaking tulong at malinaw na nagpapakita ng tiwala sa ating development partners
02:43sa kakayahan ng pamahalaan at tumugon sa mga pandaigdigang hamon.
02:48Pero kailangan paanyang pag-aralan ng alok ng ADB.
02:51Kailangan pong aralin ng Department of Finance ang terms and conditions ng financing
02:57upang matiyak na ito ay naaayon sa fiscal and debt management objectives ng pamahalaan.
Comments