00:00Pinagahanda ang publiko sa malalakas na bagyo na posibleng mabuo sa pagsasabay ng Habagat at Super El Niño mula po
00:08Hunyo hanggang Agosto.
00:10Nakatutok si Mark Salazar.
00:15Ang malakas na buhos ng ulan itong weekend nagpabaha agad sa ilang lugar sa bansa.
00:21Wala pang Habagat o bagyo niyan ha?
00:23Sabi ng pag-asa, dapat maghanda na, lalo simula June hanggang August.
00:29Tinatayang with 92% probability ang pinagsanib na Habagat at Super El Niño.
00:35Marami tayong mga heavy rainfall event dahil mga enhanced southwest monsoon ang posibleng natin maramdaman.
00:41Kasi kapag El Niño, mahahina yung easterlies, nagiging westerlies.
00:46And then may instances na nagre-recurve yung ating mga bagyo during June, July, August.
00:51Kapag nagre-recurve yung ating mga bagyo, yan din yung humahagod at humahatak ng Habagat natin.
00:56Very strong El Niño ang tawag ng pag-asa sa Super El Niño kung tawagin ang iba.
01:01Pero pareho lang yun base sa panukat ng Pacific Ocean Surface Temperature.
01:05Kasi yung isang model na pinagbasihan nila, nakikita is more than 3 degrees o more than 3.5 yung warming
01:12na talagang super, very strong El Niño kung matatawag.
01:16Ang sidhinang inaasahang Super El Niño, huli raw naranasan noong pang 1870s.
01:22At sa historical data, tuwing malakas ang El Niño, mas konti man ang bilang ng bagyong pumapasok sa atin, mas
01:30mababagsik naman.
01:31Either malakas ang hangin or maraming ulan.
01:34Pusibleng walang ulan, kokonti ang ulan pero malakas ang hangin.
01:38So ganun po ang karakteristik ng ating mga bagyo with this El Niño.
01:44Base sa datos na nakalap ng GMA News Research, noong 2023 to 2024 El Niño period, siyam na tropical cyclone
01:53ang pumasok sa bansa.
01:54Noong El Niño 2018 to 2019, sampung tropical cyclone ang pumasok, kabilang ang Tropical Depression Usman na pumatay ng mahigit
02:03isan daan katao.
02:05El Niño cycle din ang pumasok ang bagyong lando sa Pilipinas noong 2015.
02:09Sa mga ganitong events, pinag-ahanda ng pag-asa ang national government at local government units.
02:16Lalo na't luma at hindi naangkop ang karamihan ng urban drainage systems at flood control infrastructure.
02:24Intensity, duration, kasi heavy downpour siya, ilang oras lang na ganun na kaagad kalakas yung ulan.
02:31O pwedeng mahina o malakas yung ulan pero tuloy-tuloy naman.
02:35Malayo pa pero pagkatapos ng ulan sa panahon ng habagat, posible ang mahabang tagtuyot na magpapada pa sa ating food
02:42production.
02:43Kung pinoproject natin na ito ay magiging very strong El Niño, ang possibility kasi mga around October, November, December, November,
02:52December season,
02:53doon siya magpipik ang El Niño, doon yung nakikita natin.
02:56So, ibig sabihin, andun yung mga simula na mga impact ng prolonged dry spell or posibleng drought condition.
03:04Makikita natin, by end of the year, towards end of the year, hanggang first quarter,
03:09doon natin nakikita na halos yung ating buong bansa ay mataas ang possibility ng significant reduction sa tubig ulan.
03:18Matagal na raw nilatag sa Task Force El Niño ang preparedness at mitigation measures
03:23na makikita natin kung epektibo sa aktual na El Niño.
03:27Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments