Skip to playerSkip to main content
Aired (May 17, 2026): Patok online ang tirzepatide o “tirze” bilang pampapayat, pero isang babae ang nakaranas umano ng matinding epekto matapos gumamit nito! Panoorin ang video. #Resibo

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Pakiramdam daw ni Clara noon, isa raw siyang sexy lady trapped in a fat body.
00:06Pero hindi lang daw taba ang daladala niya, kundi ang matindi niyang insecurity sa sarili.
00:12Most of my entire life talaga, overweight ako.
00:15Gusto ko rin talagang pumayat para makita yung pagbabago sa sarili ko.
00:20Parang tumaas yung confidence ko kahit pa pano.
00:23Kasi every time na tumitingin ka sa lamin, syempre hindi mo magugustan yung nakikita mo.
00:27Kaya naman ang dumaan sa feed niya ang Tearzepatide o Tearze.
00:31Napa-checkout na rin siya sa halagang 8,500 pesos.
00:36Nakita ko may mga success stories, mga iba less than 6 months, pumayat na.
00:40Mga sobrang kasing lalaki ko o minsan mas malaki pa sa akin.
00:45Parang hindi na okay yung health ko din.
00:48Sa isang linggong turukan, nabawasan daw agad ang kanyang timbang.
00:52So tinry ko lang ka ako yung first bottle niya na 15 mg.
00:56Kaya pala siya parang effective.
00:59Wala na akong ganang kumain.
01:01Kung sabayan ko ito ng proper diet siguro, tsaka konting exercise, baka mas mapabilis yung result.
01:07Mula sa chubby at malusog na pangangatawan,
01:11si Clara unti-unti raw nabawasan ang timbang from 127 kilos to 90 kilos.
01:17Wow!
01:17Pero dahil medyo may kamakala ng unang nabili, naghanap na raw siya ng ibang mas mura na Tirze online.
01:26Sinubukan niya ang iba pang brands ng Tirzepatide.
01:29Pati ang mga galing daw ng China, pinatos na rin niya.
01:33Aware ako na yun nga, yun yung risk na itatake ko.
01:36Ang naisip ko lang nun, since makang marami-rami na yung gumagamit, baka naman generally safe siya.
01:41Pero hindi nagtagal ang kanyang role to kapayatan, muntik nang maging role to matayan.
01:49Tapos, yun na yun, yung mga sumunod dun.
01:51Talagang hindi na tumigil yung side effects.
01:54Sobrang hilo, talagang parang nangangatog na.
01:57Ang pangit sa pakiranan, parang mamamatay.
02:00Tapos, inamin ko na doon sa doktor.
02:02Sabi niya, bakit kasi pinatulan mo yan?
02:05Matapos, hindi baka kilos ng isang linggo,
02:07nagpa siya si Clara na itigil ang paggamit ng tears eh,
02:11kahit na hindi pa niya naa-achieve ang inaasam na timbang.
02:15Actually ngayon, parang ina-advocate ko tuloy na i-warn din yung iba.
02:20Huwag na akong mag-take ng risk ng mga bagay na hindi talaga safe
02:24or walang approval, lalo na kung anything na pinapasok sa katawan.
02:28Meron mga bagay na oo-mura, pero hindi ka sure.
02:32Ayaw ko na maranasan mga bagay na naranasan ko
02:35while taking that meds.
02:37Ayon sa endocrinologist na si Dr. Alan Dampil,
02:41ang gamot na ito, hindi daw talaga tabap ginagamit na papapayat.
02:46Una silang dinevelop para sa sakit na diabetes
02:49o pagpapabaan ng sugar.
02:51Na-approve din sila para sa management
02:53ng sobrang katabaan or ng obesity.
02:57Kahit na ginagamit daw ito pang manage o control ng timbang,
03:00kailangan daw may mahigpit na gabay ito ng isang espesyalista.
03:04Lahat po na lumabas dito sa Pilipinas,
03:07wala pong vial na nilabas sa Pilipinas.
03:10At least walang legal na FDA-approved na vial.
03:15It's not impossible na mag-cause ng death.
03:18Ang severe allergic reaction to that
03:20can cause yung worst case scenario po, pagkamatay.
03:25Sa pag-boom ng produktong ito, lalo na sa social media,
03:29nabahala rin ang Food and Drug Administration o FDA
03:31dahil sa naglipa ng tirse na may iba't-ibang tatak.
03:35As of the moment, meron po tayong dalawang injectables,
03:39pero po ito ay para sa mga pasyenteng merong diabetes
03:43at ito po ay hindi pa natin tinetest specifically or solely for weight loss.
03:49Kaya naman, nakatutok daw ang ahensya
03:52katulong ng iba pang mga otoridad sa mga naglalako nito online.
03:56Kung sila ay bumili online,
03:57mahihirapan tayo dun sa tinatawag nating traceability.
04:01Kung kaya napakahalaga na tinitingnan natin yung labeling nito,
04:05dapat nakalagay din kung sino ang nag-distribute
04:08para po kung in the event na magkaroon
04:10ang mga patients na in-administer ng mga injectables na ito,
04:14ay magkakaroon ng accountability.
04:16Maraming salamat sa panonood.
04:18Mga kapuso, para masundan ang mga reklamong nasolusyonan ng resibo,
04:23mag-subscribe lamang sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Comments

Recommended