00:00Nagdulot ng perwisyo ang ulang bumuho sa ilang bahagi ng bansa sa gitna ng tag-init.
00:06Sa Malolos, Mulacan, nalubog ang bahagi ng MacArthur Highway dahil sa biglang pagulan kagabi.
00:11Sa Plaridel, sinabayan pa yan ng kidlat.
00:14Ganyan din po ang naranasan sa bayan ng Paumbong.
00:18Halos nag-zero visibility naman sa ilang lansangan ng Pampanga sa gitna ng malakas na ulan.
00:24Naranasan yan sa ilang bahagi ng Mabalakat at Angeles City.
00:28Ayon sa ilang residente, naging mainit ang panahon sa maghapon.
00:32Sa Mabinay, Negros Oriental, stranded ang ilang residente sa pag-apaw ng tubig sa isang spillway sa barangay Banban.
00:41Kasunod po yan ang malakas na ulan.
00:44Ilang tricycle ang pinilit-tumawid naman sa hanggang hitang baha.
00:50Sa Davao City, mataas na ang tubig sa Dumanlas Road, barangay buhangin,
00:56pero pinilit ng driver ng isang van na makatawin.
01:00Tumirik ang sasakyan at lalo pang tumaas ang tubig.
01:03Lumabas ng van ang driver at kanyang kasama.
01:07Inilikas naman ang apat na pamilya o labing apat na residente sa barangay Matina,
01:13pangi dahil din sa pagbaha, batay sa ulat ng Super Radio Davao.
01:18Sumilong at inabutan sila ng tulong sa gym ng barangay.
01:24Nagsibalikan na ang mga evacuee matapos humupa ang baha.
Comments