00:00Narito na mga entertainment news na atid namin sa inyo dito sa Talkbiz.
00:05Una rito, tabing ilog leading lady na si Kay Abad.
00:09Ibinahagi sa netizens ang good news matapos niya malagpasan ang kanyang laban sa breast cancer.
00:16Pagkalipas na isang taon niyang pagpapagamot sa Singapore,
00:19nag-release na isang emotional vlog si Kay na may pinamagatang My Journey
00:23kung saan ikinuwento niya kung paano nagsimula ang kanyang sakit at mga pagsubok
00:28na kanyang hinarap sa pagpapagaling.
00:30Ayon sa aktres, bagamat nakaramdam siya ng kabahat pagkalito noon,
00:34nanatili pa rin ang kanyang pananampalataya.
00:37I quote, walang takot dahil alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos.
00:41Nagpayag din ang pasasalamat si Kay sa kanyang asawang si Paul J. Castillo
00:45at kanyang pamilya na nagsiribing malaking sandigan sa kanyang healing process.
00:50Samantala, ayon sa fans, isang inspirasyon ang kwento ng aktres,
00:54lalo na sa mga kababayan na agarang magpakonsulta kapag may nararamdamang kakaiba
00:59para maagapan ito.
Comments