Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 18, 2026


- Comelec: Huling araw ngayon ng voter registration para sa 2026 Barangay and SK Elections

- Ilang miyembro ng House Prosecution team sa impeachment vs. VP Duterte, dumalo sa misa sa EDSA Shrine | Novaliches Bishop Bacani sa mga senador: Tao kayo ng bayan; dapat simulan na agad ang impeachment trial | Panawagan ng ilang civil society groups: Ituloy ang impeachment trial vs. VP Sara Duterte | Rep. Ridon: Articles of Impeachment vs. VP Duterte, napaghati-hatian na ng House Prosecutors | Rep. Chua: Dapat hindi apektado ng tensiyon sa Senado ang impeachment process vs. VP Duterte

- Ombudsman Remulla: 1st draft ng resulta ng imbestigasyon sa ilang mambabatas kaugnay sa flood control projects, malapit nang makompleto | Ombudsman Remulla: Imbestigasyon sa reklamong money laundering vs. Rep. Romualdez, malapit na ring makompleto



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).



For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
02:30Aki po.
02:30Aki?
02:31Aki, bakit ka maagang ngayon?
02:32Bakit gusto mo magparehisto?
02:34Kasi po, syempre po, marami na pong nangyayari na sa bansa na to na hindi maganda.
02:41And marami na apek.
02:43Kaya dapat magparehisto and dapat makaboto din para makatagtag sa...
03:13Nakausap po natin na ilan sa mga aplikante.
03:15Ito naman, papakita po namin sa inyo ang magiging proseso ng application.
03:18Tuladun na, bagit natin, step one, yung interview.
03:21Titignan mo na yung unang pagsala.
03:23Kung ikaw ba'y dapat na nandito at nag-a-apply para maging botante.
03:28Pag ikaw ay okay, step two, dito bibigyan ng forms.
03:33Yan.
03:33Dito kayo mag-fill out ng voter registration forms.
03:38Dito nyo isusulat ang inyong mga personal na informasyon.
03:42Pagkatapos niyan, step three, i-check kung tama ang pagkaka-fill out ng voter registration form.
03:51Ayan, nakikita naman po natin, maayos naman po yung latag para maging seamless, maging smooth yung proseso ng pagre-rehistro.
03:59Kapag okay, na-check na yung fill out na form, dito naman po tayo sa step four.
04:06Isusulat ng mga Comelec officers ang inyong mga pangalan at bibigyan na kayo ng present assignment.
04:13Saan presento kayo boboto?
04:15Yan, mahalaga yan dahil para sa araw na eleksyon ay hindi na kayo naliligaw, hindi kayo naabala.
04:21Pagkatapos ng logbook and present assignment, dito tayo sa step five.
04:28Yan naman po ang biometrics.
04:30Dito kukunan kayo ng litrato at ng fingerprinting.
04:35Siyempre, mahalaga yan.
04:36Yan ang inyong identity.
04:38At pagkatapos po ng biometrics, bibigyan kayo ng stab.
04:43Ang stab ay patunay na kayo ay nag-rehistro na.
04:47Pagkatapos mabigyan ng stab, congratulations.
04:51Kayo ay rehistradong butante na at mga kaboto sa Barangay SK Elections at sa mga susunod na eleksyon.
04:58Mga kapuso, tulad nga po na nabanggit ni Aki kanina na nakausap natin.
05:02Ito po ay mahalagang hakbang para tayo ay mag-participate, makilahok sa proseso ng ating demokrasya.
05:11Ito po ang ating karapatan at ito rin ang ating tungkulin sa ating lipunan sa ating bansa.
05:18Kung meron tayong ayaw sa mga nangyayari sa atin, ayaw natin ng mga namumuno sa atin,
05:23ito po ay isang hakbang para tayo ay mag-participate sa proseso ng demokrasya.
05:31Mga kapuso, ayun muna ang latest sa voter registration dito sa Taguig.
05:35Balik muna tayo sa studio.
05:46Ngayong araw, inaasahan magko-convene ang Senate Impeachment Court na lilitis kay Vice President Sara Duterte.
05:53Sabi ng isa sa mga House Prosecutors, pinaghahandaan nilang mabuti ang pagpusinta ng Articles of Impeachment laban sa Bise.
06:01May unang balita, si Jonathan Andal.
06:06Bago ang inaasahang pag-convene ng Senado bilang Impeachment Court,
06:09sama-samang dumalo sa misa sa EDSA Shrine ng ilang kongresistang miyembro ng prosecution panel,
06:15si na-Representatives Leila De Lima, Joel Chua at Lorenz Defensor.
06:19Humingi po kami ng pagbabasbas para tulungan kami to give us guidance, to give us strength, to give us wisdom,
06:26to prosecute the respondent and to seek for her conviction para managot talaga siya.
06:35Sa kanyang homily, nagpaalala si Nuvaliches Bishop Teodoro Bacani sa mga senador na maglingkod sa bayan at hindi sa isang
06:43tao lang.
06:44Kahit pag gaano ito kapopular, lalo na kapag nakita na ang mga ebidensya.
06:49Makonsyensya naman kayo.
06:52Huwag ninyong sasabing, eh tao naman ako ni Sarah eh.
06:56Hindi ako buboto laban sa kanya.
07:00Hindi, hindi ka tao ni Sarah kung ikaw ay senador.
07:04Tao ka ng bayan.
07:07Panawagan sa mga senador ni Bishop Bacani, na isa sa framers ng 1987 Constitution, simulan ka agad ang impeachment trial.
07:15Kasama po ako sa sumulat ng konstitusyo na iyon, fourth week, agad-agad, sabi, huwag na kayo magpapapasok sa mato
07:24sa senado at magbabaril sa senado.
07:27Agad-agad, huwag na kayo magpapalit ng ligarado na gano'n na basta-basta.
07:36Bago ang MISA, nag-rally sa EDSA Shrine ng ilang civil society groups.
07:41Yung sa loobin po namin, kailangan po natin ituloy yung impeachment trial na ilang taon nang inaantay ng paong bayan.
07:47Bagaman wala pang natatanggap na imbitasyon mula sa senado, maaaring pumuntab sa pag-convene ng impeachment court ang mga membro
07:53ng House Prosecution Panel.
07:55Bilang paghahanda sa trial, may mga nakatoka ng articles of impeachment sa bawat prosecutor na kongresista.
08:01Ang expectation naman po natin sa mga House Prosecution Panel, kahit hindi po sila assigned doon sa mga specific grounds
08:10po na ito,
08:11they will still be able to prosecute and present the evidence on the other grounds na hindi po sila assigned.
08:20Sinusuri na rin ang prosecution ng mga kukunin nilang private prosecutor at mga saksi.
08:25Si Chua naman umaasang hindi makakapekto sa impeachment process ang tensyon sa senado.
08:29Ito ay kanilang constitutional mandate at inaasahan naman din po natin na ang ating bagong Senate President bilang isang abogado
08:39ay mataas po ang kanyang paggalang sa ating Constitution.
08:45Para sa unang balita, Jonathan Andal, GMA News.
08:50Malapit na raw matapos ng Office of the Ombudsman ang first draft ng resulta ng imbisigasyon sa kwestyonabling flood control
08:57projects.
08:58Ay kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia para yan sa reklamong conspiracy to commit plunder laban sa ilang mambabatas.
09:05Kasama sa mga iniimbisigahan ng small committee kung saan umanog ginawa ang insertions at pagbabago sa 2025 budget.
09:12Ilan sa mga tinukoy na miyembro ng committee ay si na nooy House Appropriations Committee Chairman Saldico, nooy House Appropriations
09:20Committee Senior Vice Chairperson Stella Kimbo, nooy House Majority Leader Manix Dalipe at House Minority Leader Marcelino Libanan.
09:30Bukos sa reklamong conspiracy to commit plunder, sinabi ni Remulia na malapit na rin matapos ang imbisigasyon sa reklamong money
09:37laundering laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
09:40Dati na itinanggi ni Romualdez na may kinalaman siya sa budget insertions ko-ugnay sa flood control projects.
09:47Sinusubukan pang kunin ang pahayag ng ibabang mababatas na iniimbisigahan ng Ombudsman.
09:55May September, marami tayong ipa-file pa tungkol sa flood control, tsaka yung mga conflict of interest cases.
10:04Kinakailangan ayusin natin ang sistema.
10:06Yun lang naman yun.
10:07Kung kailangan managot, panagutin.
10:10We have panagutin lang para huwag nang tularan sa kailangan.
10:13We have panagutin lang para huwag nang tularan sa kailangan.
Comments

Recommended