00:00Mula sa makulay na tradisyon at malalim na pananampalataya,
00:04silipin natin ang isa sa pinakanatatanging pagdiriwang ng Pulilan Bulacan,
00:09ang Niling Carabao Festival na simbolo ng pasasalamat, pagkakaisa at sipag ng mga magsasaka.
00:17Panorin po natin ito.
00:20Likas sa ating mga Pilipino ang pagmamahal sa pagkain.
00:24At syempre, hindi kumpleto ang bawat hapag kung wala ang mainit at malambot na kanin.
00:30Pero sa likod ng bawat butil ng bigas na bumubusog sa atin,
00:34ay naroon ng sipag at sakripisyo ng mga magsasaka,
00:37kasama ang kanilang katuwang ng mga kalabaw na walang sawang nagtatrabaho sa bukirin.
00:42Kaya bilang pagpupugay para sa kanilang pagsisikap at sa masaganang ani,
00:47taon-taong ipinagdiriwang sa probinsya ng Pulilan ang Niling Carabao Festival.
00:51Ayon po sa aming kaalaman, ito po ay nagsimula noong 19th century.
00:58Ang sabi po nila, ito po ay nag-evolve lamang dahil nagsimula po ito sa isang prosesyon
01:05hanggang sa nagsama na po sila ng mga kalabaw bilang parada ng kalabaw
01:11at naturuan po ang mga kalabaw na lumuhod in front of San Isidro Labrador.
01:16At ito po ay naging kultura at tradisyon na ng mga pulilenyo sa mahabang panahon.
01:23Ngayong taon ay umabot sa higit 300 magsasaka at mga kalabaw ang nakiisa sa pista.
01:29Para sa mga mamamayan ng Pulilan, hindi lang ito isang simpleng selebrasyon,
01:33kundi taus-pusong pasasalamat sa pagpapalang kanilang natatanggap sa araw-araw.
01:37Tuwing Niling Karabaw Festival, ito rin po yung panahon na ang ating mga kababayan
01:44mula sa ibang lugar na pulilenyo, yung mga ibang syudad at nasa ibang bansa
01:50talagang umuwi po sa bayan ng Pulilan tuwing kapistahan.
01:55Ito rin po ang avenue para sila ang mga pamilya ay magkaroon ng reunion.
02:00Gayun din po ay sabay-sabay silang nagdadasal.
02:03Nagpapasalamat sa ating mahal na patron at sa ating Panginoong Diyos
02:07sa pagpapala at pagmamahal na pinagkaloob po sa bawat pamilyang pulilenyo.
02:13Sa ilang dekadang pagdiriwang, mas nasasalamin ang pananampalataya,
02:18pagkakaisa at malalim na magpapahalaga sa mga magsasakang patuloy
02:23ang pagsisikap na maghatid ng mga ani na bumubusog sa atin.
02:26Kaya naman sa mga pagkakataong katulad nito,
02:29ay hindi maikakailanan sa bawat sulok ng Pilipinas
02:33ay makikita ang tunay na puso ng pamayan ng Pilipino.
Comments