00:00Ikinadismaya ng ilang kaanak ng mga sinasabing biktima ng EJK
00:04ang nangyaring gulog kagabi sa Senato at ang pag-alis ni Sen. Bato de la Rosa.
00:09Saksi, si Jamie Santos.
00:14Matinding pagkadismaya at galit ang ipinahayag ng ilang kaanak ng mga biktima ng umanoy EJK
00:21kaugnaysan ang nangyari sa Senato kahapon.
00:23Ayon sa kanila, matagal na nilang hinihintay ang pagpusad ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay
00:31kung saan si Sen. Ronald Bato de la Rosa ay idinawit ng International Criminal Court o ICC
00:38bilang isa sa mga indirect co-perpetrators sa war on drugs.
00:43Para sa mga pamilya, mas lalo umanong tumindi ang kanilang pangamba at pagkadismaya
00:48kasunod na mga pangyayari sa Senado at pag-alis ni de la Rosa.
00:52Hawak na raw kasi nila, bakit nakawala pa?
00:57Talagang nakakagalit no, kasi talagang ang tagal na namin hinihintay na mahuli si Bato
01:04dahil matagal na namin gustong kampin ang hustisya na sa mga kagagawan nila eh
01:11namatay ang aming mga pamilya.
01:13Sana hindi na nila pinaagot pa ng ganito.
01:17Panawaga naman ni Randy De Los Santos, tiyuhin ni Kian De Los Santos sa Senado
01:22na manatiling igalang ang umiiral na batas at proseso
01:25kaugnay ng ICC warrant laban sa Senador.
01:29Ayon sa kanya, ang ICC warrant ay bahagi ng proseso at hindi pahatol
01:34kaya't nararapat itong harapin sa tamang paraan na mga inaakosahan.
01:39Dapat po siguro na kapwa natin kalangin ang batas, international man ito o lokal.
01:46Kami ho ay ordinaryong Pilipino lang, pero kami ho ay patuloy na humihingi
01:51ng tulong sa Senado ho, lalo na sa bagong literato.
01:56Dati nang itinanggi ni De La Rosa ang mga ibinibintang sa kanyang pagpatay
02:00nung hepe siya ng Davao Police at ng maging PNP Chief.
02:04Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
02:09Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments