00:00Magandang gabi po!
00:01Sa gitna ng kaguluhang kasalukuyang nangyayari, kasunod ng gulo na naganap sa Senado,
00:08aktibo at maigpit na nagbabantay ngayon ang Department of Information and Communications Technology,
00:15kasama natin ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center
00:19sa mga magiging kaganapan sa social media at digital platforms hinggil sa issue.
00:27Alingsunod sa aming mandato, magsasagawa ngayon ng close monitoring ang DICT at CICC sa mga posts o content
00:36na matatagpuang ng hihikayat na dagdagan pa ang gulo o maghasik ng karahasan.
00:44Nananawagan kami sa publiko at mga netizens na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyong online tungkol sa insidente.
00:53Sa panahon ng tensyon at pangamba, walang puwang ang pagpapakalat ng mga fake news at mga hindi verifikadong impormasyon,
01:05mga edited videos at mga mapanlinlang na mga posts na magdadagdag ng kalituhan at takot sa publiko.
01:15Gaya ng sabi ng ating Pangulo, kalma lang po tayo.
01:20Hinihikayat ang lahat na magbahagi lamang ng mga impormasyon mula sa lehitimo opisyal na sources at suriin bago magpost, comment
01:31o magshare.
01:32Sino mang mapapatunayang nagambag o nagudyok sa pagpapakalat ng maling impormasyon online at karahasan ay hindi palalagpasin ng CICC
01:43at sisiguraduhin na mapapatawan ng karampatang parusa.
01:48Ang ganitong uri ng aktibidad sa ating cyberspace ay hindi kailanman kukonsintihin ng DICT at CICC
01:55dahil prioridad natin ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan,
02:01lalong-lalo na ang ating mga senador at mga empleyado na nasa loob ng Senate Building.
02:07Maraming salamat po.
Comments