00:00Itinanggi ng NBI na sila ang nagpaputok sa loob ng Senado.
00:03Ayon kay NBI Director Attorney Melvin Matibag,
00:07wala silang dineploy na tauhan nila sa Senado
00:09dahil wala naman daw utos na arestuhin si Sen. Bato de la Rosa.
00:14Lahat daw ng opisyal ng NBI ay nasa isang hotel ngayon
00:17para sa three-day workshop at planning.
00:20Sabi ni Matibag, nalaman lang nilang may nagpaputok sa Senado
00:24nang tawagan siya ni Sen. Loren de Garda.
00:26Sinabihan daw siya ng Senadora na i-pull out ang kanyang NBI agents
00:31na sinagot naman ni Matibag na wala silang tauhan doon.
00:35Sa ngayon, hindi raw muna sila upunta sa Senado
00:39dahil baka lalo silang mapagbintangan.
00:42Bahala raw muna ang PNP na mag-imbestiga.
00:46Kung formal po talaga natulong at maayos na usapan,
00:49wala naman pong problema na kami mag-imbestiga.
00:52Pero sana po, yung pag-isipan kagad po yung aming ahensya
00:56na kami may kagagawan, hindi naman po yata pakatarungan yun.
Comments